Kasalakuyang nasa loob na sila ng van na pagmamay-ari ng Reyes at pinili ni Jenny ang mamahinga. Nag-desisyon ang kanyang lola na manatili daw muna sila sa Reyes residence bago tumungo sa Tagaytay. Sumang-ayon naman ang lahat, at iyon nga, bumabyahe na sila papunta sa bahay ng kanyang lola.
"Okay lang na si Jenny?" Tanong ni aling Sely nang mapansin ang matamlay na kilos ni Jenny.
"Yes po. Napagod lang siya ng husto sa byahe." Kailangan magsinungaling upang hindi na masyado pang mag-aalala ang mga nasasakupan ni Jenny.
Dahil sigurado, kapag nalaman ng mga ito na matindi ang pinag-daanan ng dalaga, magpapanik ang mga ito at hindi na mapipigilan ang magtanong.
"Ahh.. Ganun ba? Pagdating doon sa bahay ng lola Florita ay mas makabubuting papagpahingahin mo muna siya." Sagot ng ginang habang umaayos na ulit ng upo.
Samantala, sa loob ng kabilang van na kung saan nakasakay ang mga matatanda, gulat na napa-bulalas ang matandang Reyes ng malaman na ang ipinakilalang ama ni Jenny ay ang financer pala ng Phoenix assassination group.
"I'm sorry Sir. Hindi kita nakilala." Todo hingi ng paumanhin ni Lola Florita sa lalake.
Napa-hagikgik naman si Steven. Paano siya makikilala ng matandang Reyes kung hindi naman siya nagpapakita sa mga ito. Ibinibigay lang niya ang financial needs ng organization at pagkatapos ay magbibigay siya ng mission.
"Okay lang po yun, hindi naman po ako nagpapakita sa inyo." Sagot niya sa matandang natigilan naman ng maunawaan ang sinabi ng naturang bilyonaryo.
Tama naman, kahit isang general meeting ay hindi dinaluhan ng financer ng organization. Kaya talagang hindi man lang ito nakita ni Florita. Tanging ang namayapang asawa lang neto ang nakausap ng bilyonaryo.
"Mabuti naman at nakita mo na ang anak mo." Ilang sandali pa ay nabanggit iyon ni lola Florita.
"Yes. Hindi ko nga akalain na may anak pala ako. I was busy with our own company but the thought of me having a child didn't even came to mind. Mabuti na lang at hindi pa huli ang lahat." Sagot ni Steven.
Mabuti na lang talaga at hindi pa huli ang lahat para sa kanya. At mabuti na lang, nandoon si Jeniva, paano kung nagkataon na wala si Jeniva ng mga oras na sinubukan niyang patayin ang dalaga? Then he killed his own daughter?
"Masaya ako para sa apo ko na nakita na niya ang ang kanyang ama. I know she's very happy." Makahulugang banggit ni fammy.
Margaret was an orphan, hindi nito nakilala ang tunay na mga magulang noon. Kaya ngayon, bilang Jenny, nakakatuwa na nakilala agad ng dalaga ang kanyang ama. Masaya siya para sa kanyang apo.
"Kumusta po pala ang buhay ng mag-ina ko bago sila lumipat sa Tagaytay? Narinig ko sa kaibigan niya na parang.."
"Oh! Jeniva raised her child well." Tumingin ito sa babaeng kasalakuyang natutulog sa mga bisig ni Steven. "Kahit nahihirapan na siya noon, hindi siya sumuko na papag-aralin ang anak nyong dalawa. Well, honestly, I just knew them just a month ago."
"Oh! Thank you for helping my family. I owe you a big one this time." Mabilis na sagot ng bilyonaryo.
"Haha, no! Nagkakamali ka, I honestly owed your daughter for helping me. That's why I'm close to her." Sagot ni Fammy.
"I see, I think there's still a lot of things na dapat kong malaman tungkol sa mag-ina ko." Sambit ng lalake. "I need to fulfill my lacking." He also added.
Patuloy silang nagkwentuhan ng bigla na lang may humarang na tatlong sasakyan sa harap ng kanilang dinaraanan.
"Oh my god! Ang mga bata!!!" Sigaw ni Fammy.
Napabalikwas din ng bangon si Jeniva ng marinig ang tili ni Fammy. Napatingin siya sa unahang bahagi ng kanilang dinaraanan.
"Just continue to sleep, those people is just playing with fire." Ani Steven sa babaeng katabi.
"Oh! Nagulat lang ako sa sigaw ni Fammy." Sagot naman ni Jeniva na hindi na rin bumalik sa pagkakatulog.
Kunot naman ng ang noo na marahas na lumingon si Fammy sa dalawang katabi na busy na sa paglalambingan! Seryoso?! Ina-ambush na sila wala pang pakialam ang mga ito?
"Jeniva, ina-ambush tayo. Dito pa naman tayo sa daan kung saan bihira lang ang dumadaang sasakyan." Pigil ang pag sigaw ni Fammy.
"Oh! Much better!" Napa-palakpak pa si Jeniva. "Let's go out Steven. Gusto ko makita yung hindi ko nakita that time." Pang-aaya ni Jeniva sa asawa.
Napa-tawa naman ang lalake na nailing pa. Si Fammy naman ay napa-nganga. Anong nangyayari sa paligid niya? Bakit parang siya lang ang hindi normal?
"Let's go, let's go! Bumaba na rin sila sa kabilang sasakyan." Si Jeniva ulit.
Nakatingin ito sa likuran ng sasakyan na kung saan nakita niya na bumaba ang lolo ni Zion at ang mga kasama nilang dumating sa Pilipinas kanina. Mga bagong tauhan ni Jenny.
"Jeniva, ina-ambush tayo, okay ka lang.?" Hindi na napigilang tanong ni Fammy.
Naguguluhan talaga siya sa kinikilos ni Jeniva.
"Hehe, I'm okay. Don't worry, come down, let's watch something interesting." Sagot naman ni Jeniva na hinila ang kamay ng matanda at isinabay sa pagbaba kasunod si Steven.
Samantala, sa kabilang sasakyan na sinasakyan nila Jenny, bumaba na rin ang mga sakay kabilang si Jenny at Zion. Humihikab pa si Jenny dahil bigla rin siyang nagising sa sigaw ni aling Sely.
"Jenny! Zion!" Sigaw ng Lolo ni Zion habang lumalapit kasabay ng mga tao sa dalawang sasakyan.
Si Jeniva at Steven ay parang nag-dedate lang habang naglalakad, habang si Fammy ay naka-simangot na nanonood sa dalawa. Ang lolo ni Zion ay halatang excited habang si Aling Sely naman ay naka-hawak ng mahigpit sa anak na si Lui.
"Inaantok pa ako, 50 heads lang mga kalaban, mga normal na tao. Gusto ko pa matulog lolo." Padyak ni Jenny.
Natawa naman sina Zion, Steven, Jeniva at ang mga may alam sa tunay na katauhan ni Jenny. Habang si Fammy lang ang talagang hindi normal!
"Don't worry, Ma'am, we'll do it ourselves." Banggit ng leader ng bagong grupo na inampon ni Jenny.
Nilingon niya ito at saka niya tinanguan. Pagkatapos ay nilingon niya ang mga tao na armado ng mga de-kalibre ng baril sa di-kalayuan.
"DeCordova's loyal dogs and... Phoenix assasins." Sambit ni Jenny.
Nilingon niya si Fammy na halatang nagulat sa sinabi niya.
"May bagong secret organization ang mga magulang ni Laura?" Tanong niya sa matandang Reyes.
"Hindi ko alam..." Sagot naman ng matanda na talagang nagulat nga.
"Hmm.. Palagay ko, dapat nating salain ang Phoenix. Marami ng virus na nakapasok." Makahulugang sabi ni Jenny.
Napasigaw si Lui ng bigla nalang umalingawngaw ang isang putok. Napa-tingin si Jenny sa pwesto ng kaibigan na yakap-yakap ni David. Nanginginig ito marahil sa takot.
"Ahh.. Fuck! Those people are getting on my Fucking nerves!! Get them for me!!!" Galit na utos niya sa 15 spirit masters na bago niyang mga apprentices.
Author note: Guys, may bago akong sinulat na revenge fantasy. Paki-basa yung chapter one then vote para hindi ko kayo ipa-burn kay Banawa Okay?! Tara, kape! Love you all!
BINABASA MO ANG
REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2)
ActionPHOENIX pangalan ng grupo na pinakamagaling pagdating sa assassination, grupo na kinabibilangan ni Margaret Reyes. Isa sa tinaguriang eyes of Phoenix dahil sa pambihira nitong galing. Subalit ang titulo din nyang iyon ang nagdala sa kanya sa pintuan...