"Your Group is DRAGON. " Sagot ni Jenny sa kanyang Lolo
Hindi sya pwedeng mag salita ng basta-basta tungkol spirit beasts. Hindi nya pwedeng ibunyag basta-basta na mayron syang spirit beast. Lalo at hindi nya pa kilala ng masyado ang matanda. At higit sa lahat hindi nya alam kung kakampi ba nya ito O hindi.
"Just that?" Tanong nito sa kanya.
Inosenteng tumango naman si Jenny dito. Napabuntong hininga ang kanyang Lolo. Saka sya hinawakan sa kamay.
"Let's have breakfast together. " Aya nito sa kanya.
Nakangiting sumang-ayon sya. Magkahawak kamay na bumalik sa mansion.
Kumain nga sila ng mag ka kasabay. Natuwa naman sya matanda dahil hindi nito binanggit sa Pamilya nya ang nangyari kaninang umaga.
Nang bandang alas nueve ng umaga ng dumating ang anak ng matanda na si Zoren at asawa nitong si Selena Fuero. Magulang ni Zion. Nakangiting nakipag kamay sya sa mga ito habang nakikipag-kilala.
Pagkatapos ay kinausap ng Mama ni Lui at Mama nya ang Mrs. Fuero, habang si Mang Leo naman kumausap sa Ama ni Zion.
Malapit ng mag-tanghali ng may dumating na bisita. Nasa hardin sila ng dumating ang mga ito."Mia... " bati ng Ama ni Zion sa bagong dating.
Napalingon si Jenny sa dumating. Nakaharap nya rin ang fiancee ni Zion sa wakas. Nakatitig din ito sa kanya ng ilang sigundo bago ito lumapit sa Pamilya ni Zion.
"Tita, Tito." Bati nito. Saka humalik sa pisngi ng mag-asawa. Nilingon din nito ang matanda. "Grandpa". Anito.
"En." Sagot ng matanda na nagpatigil sa paglapit ng babae dito.
Napansin ni Jenny na kailangan nyang umalis ng mga oras na yun. Tumayo sya saka nilingon ang kanyang Lolo. Yayayainnya na lang si Lui maligo sa dagat. Total naman ay hapon pa sya pipili ng 10 katao para hiramin nya sa Lolo nya.
"What are you all guys doing here?"
Parang ipinako si Jenny sa kinatatayuan ng marinig ang boses na yun. Natuyo din bigla ang kanyang lalamunan. Sobrang lakas ng kabog ng dindib nya. Lihim syang napamura. Anong nangyayari sa kanya?
So, magkasabay na dumating sina Zion at Mia. Nag bakasyon siguro ang dalawa. Bahagyang kumirot ang dibdib nya kaya napakunot si Jenny."We're here talking. " ang Mama ni Zion ang sumagot. "Kumusta ang byahe mo anak?"
"It's okay". Tipid na sagot ng binata.
"Zion.. I think you should greet grandpa too." Boses yun ni Mia.
"Jenny Apo, kung gusto mo mamasyal ngayon sa base, then let's go. I think, it's the right time to choose your people." We can get back here before lunch"
Napatingin si Jenny sa Lolo nya. Choose? Diba mamaya pa dapat sya pipili? Inilalayo ba sya nito kay Zion? Is it because Mia is here? Lihim na naikuyom nya ang palad saka muling ngumiti sa matanda.
"Okay"
Tumayo si Jenny sa pagkakaupo.
"Jenny? " tawag ni Zion sa pangalan nya. Mukhang naniniguro pa ito kung sya nga si Jenny na kilala nito.
Nilingon naman nya ang binata. Sa ito nginitian.
"Hi!"
Tipid ang ngiting ibinigay nya dito.
"Please excuse me.. " sabi nya pa. "I'll wait for you near the entrance Lolo." Lingon nya sa matanda.
Ngumiti naman ito sa kanya. Saka sya pinayagang umalis.
Nilampasan nya ang dalawang nakatayo.
"Wait!" Mabilis na nahawakan ni Zion ang braso nya.
BINABASA MO ANG
REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2)
AcciónPHOENIX pangalan ng grupo na pinakamagaling pagdating sa assassination, grupo na kinabibilangan ni Margaret Reyes. Isa sa tinaguriang eyes of Phoenix dahil sa pambihira nitong galing. Subalit ang titulo din nyang iyon ang nagdala sa kanya sa pintuan...