Hindi rin nag-tagal ang pag-sukat sa kanya kaya, nakapag-paalam siya agad na mag-papahinga. Pero bago siya umakyat sa kanyang kwarto ay ibinilin niya sa kaibigan na doon na patulogin ang nag-sukat sa kanya para hindi na ito bumyahe pabalik sa Manila ng gabi.
"What are you thinking?" Si Zion, nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama habang tinutuyo ang buhok niya.
"My mom. "
"Wala ka bang ideya kung sino ang kinatagpo niya sa bayan?"
"En.wala siyang nabanggit sa akin. "
Hindi na rin sumagot pa si Zion dahil wala rin itong alam sa ibang personal na bagay sa buhay ng mag-ina. Ang alam niya lang, lumaki si Jenny na hindi pa nakikita ang sariling ama. Sandali, hindi kaya..
"Jen, hindi kaya nakipag-kita ang mama mo sa Papa mo?"
Si Jenny naman ang hindi naka-kibo. Ganun nga kaya?
"I don't know."
"What will you do, kung dumating ang Papa mo sa birthday mo?"
Ano nga ba ang gagawin niya? Wala naman siyang maramdaman dahil unang-una, hindi naman niya ito na kita. At isa pang dahilan, she's also Margaret, wala siyang pakialam sa kung sino man ang ama niya.
"Let's just wait and see.." Sagot niya.
Ipinag-patuloy ni Zion ang pag-tutuyo ng buhok niya. Ilang sandali pa ay kinatok na siya niya Lui para daw maghapunan.
"Naka-balik na ba si Mama?" Tanong niya dito.
"En!" Sagot naman ni Lui habang busy sa cellphone.
"Si David ka text mo?" Tanong niya ulit.
Namula naman ang mukha ng kaibigan, pababa na sila ng hagdan ng muli siyang nag-salita.
"If gusto mo rin si David, wag mo ng pakawalan. He also like you tho."
Wala siya pakialam kung nangingialam ba siya sa relasyon ng dalawa. Ayaw niya lang na mauwi pa sa misunderstanding ang dalawa dahil sa tagal ng proseso ng pag-liligawan ng mga ito.
"Well, okay lang sayo?" Tanong ni Lui na nagpatigil sa kanila ni Zion.
"What do you mean okay lang? "
"You and him are friends, so maybe.."
"Lui, both of you are my friends. So syempre isusuport ko kayong dalawa."
Napalunok naman si Lui saka hinawakan ang kamay niya. Nag-patuloy sila sa paglalakad pababa ng hagdan.
"Actually, sinagot ko na siya kagabi pa."
"Good" sagot niya dito.
Nilingon niya si Zion na naka-ngiti rin. Pag-pasok nila sa dining area ng bahay ay naroon na ang lahat kasama ang kanilang bisita na nag-sukat sa kanya kanina.
Sinulyapan niya ang kanyang ina na tumayo pa sa kinauupuan nito para salubungin siya ng yakap."Kumusta ang pananatili mo sa Manila, anak?"
"Na miss kita." Yun lan ang isinagot niya dito.
Ayaw niyang itanong sa ina kung saan ito galing. Ang gusto niya ay ito ang mismong magsasabi sa kanya.
"Na miss din kita." Sagot nito sa kanya.
Mukhang wala itong balak na sabihin sa kanya ang lihim na inasikaso nito sa bayan kaya hinayaan niya na lang muna. They just eat their dinner and rest after.
One week later, Birthday celebration.
"You look so beautiful." Hindi inaalis ni Zion ang tingin sa nobya.
3 days ago, umuwi siya sa Isla trio kasama ang kanyang pamilya para makapag-handa rin sa pag-attend sa birthday celebration ng nobya. Hindi nga sila nagkamali, ang daming inimbitang mga kilalang tao ang dalawang matanda.
"Should we stay in my room instead?" She teased.
"We can't, even if we want." Natatawang umiling-iling pa ang kanyang nobyo.
Natawa na rin si Jenny. Pinadalhan niya ng inbitasyon si Betty para kahit papano ay makita na rin siya nito. Hindi ito maka-paniwala na pwedeng mangyari ang pag-swap ng kaluluwa. Pero dahil marami na siyang patunay dito ay naniwala na rin ito sa huli.
"Let's go out." Yaya niya kay Zion.
Naka-suot siya ng kulay red sill na gown na talagang pinalutang ang angkin niyang ganda.
"Wow!" Bulalas ng mga bisita ng tuluyan na siyang naka-labas sa bahay at dumating sa venue na kung saan ay sa kanyang covered gym.
"Happy Birthday Jenny!" Sabay-sabay na sigaw ng mga taong naro-roon kaya natawa si Jenny.
Bahagya siyang nag-bow bilang pasasalamat bago siya hinila ng nobyo para isayaw ng tumugtog ang mga musikerong binayaran ng kanyang Lola Fammy.
Nag-patuloy ang selebrasyon hanggang alas onse ng gabi dahil nagkaroon pa ng greetings and messages from her families na nauwi pa sa iyakan ng iilan."Master!" Pabulong na tawag sa kanya ng kambal ng makalapit sa kanya.
Sabay silang napa-lingon ni Zion sa mga ito.
"Happy birthday, Miss Jenny." Bati sa kanya ng mga magulang ng mga ito.
Inabot din sa kanya ang dala ng mga ito na regalo. Naka-ngiting tinanggap niya iyon at saka inabot kay Zion para ipatong sa lamesa na puno na rin ng mga regalo.
"Thank you Mr. & Mrs. Perida." She said.
Pagdating ng ala-una ng gabi ay unti-unti na ring nagsi-alisan ang mga bisita papunta sa hotel na tinawagan nilang mag-nobyo para doon patulugin ang kanyang mga bisita.
"Master, may regalo din kami ni Hilbert sayo. Pero pinalagay na namin kay Lui doon sa kwarto mo." Ani Gilbert.
"Oh? Hindi ba pwedeng makita ng iba?"
"Yesss!" Sabay pa na sagot ng dalawa.
Natawa sila ni Zion. Akmang lalapitan niya ang kambal ng biglang may tumusok sa leeg niya. Nakita niya pang isa-isang bumagsak sa sahig ang kanyang buong pamilya. Nanghihinang nilingon niya si Zion, she feels weak and scared for the first time.
"Jenny.."
"Zion.."
Nag-dilim ang paningin ni Jenny ng makitang bumagsak na rin si Zion.
Bago tuluyang mawala ang kanyang ulirat, narinig niya pa ang isang lalake na nagsalita.
"Happy Birthday, Phoenix master."
BINABASA MO ANG
REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2)
ActionPHOENIX pangalan ng grupo na pinakamagaling pagdating sa assassination, grupo na kinabibilangan ni Margaret Reyes. Isa sa tinaguriang eyes of Phoenix dahil sa pambihira nitong galing. Subalit ang titulo din nyang iyon ang nagdala sa kanya sa pintuan...