CETACEAN vs PHOENIX

780 35 1
                                    

Napa-lingon ang lahat ng makita ang bagong dating na nilalang sa lugar. Samantala, napansin naman ni Jenny ang panginginig ng vampire sa kanyang tabi habang naka-titig sa kanya.

    "What?! Are you that surprise to see me like this?" Naka-taas ang kilay na tanong niya dito.

Sunod-sunod ang ginawang pag-tango ng lalake habang palipat-lipat ang tingin sa kanya sa nilalang na bagong dating. Maaring kilala ang sea mammal na ito sa tawag na whale pero sa mundo ng spirit beasts, they called it Cetacean. Ang kapangyarihan ng Cetacean ay tubig subalit kaya din nitong gawing yelo ang tubig.

     "W-why is he here?"  Tanong ng vampire na ang boses ay nanginginig pa.

     "Hmmm? Sino?"  Tanong ni Jenny.

      "That..."  Sinundan ng tingin ni Jenny ang itinuturo ng vampire.

Ahh.. Isang lalake ang kasalukuyang naka-upo sa ibabaw ng uluhan ng Cetacean. Maaring ito ang spirit Master ng nasabing spirit beast. Naka-suot ito ng kulay puting roba na parang may kulay blue na guhit sa may dibdib. Ang mga mata ng lalake ay kulay puti na ang gilid ay kulay blue. Parang naka-eyeliner ng blue.

     "He has that powerful thing, pero bakit ang itsura mo pinag-halong apoy na ibon at tao?"  Tanong ng vampire sa kanya.

Hindi umimik si Jenny, busy siya sa pag-masid sa lalakeng ngayon ay gumalaw na tumayo sa ibabaw ng ulo ng whale. Ilang sandali pa, bigla na lang pumatak ang ulan at sinundan ng pag-ulan ice.

  "He came here to fight that talk. I see.."  Bulong ni Jenny sa hangin.

Ikinumpas niya ang kamay at umangat ang vampire sa kanyang tabi. Pagkatapos ay inilabas niya ang fire door at ibinato doon papasok ang vampire na sumisigaw pa ng "no!"

    "Para namang susunugin sa impyerno kung maka-sigaw." Sambit ni Jenny habang pinapag-pag ang mga kamay.

Tiningnan niya ang area kung saan naroroon ang kanyang nobyo kasama ang kanyang ama at ang kambal. Mabuti naman at nai-secure na ang mga civilians. Ang problema na lang ngayon ay kung saan niya ilalagay ang mga ito pansamantala. Maaring aabutin sa 60,000 katao ang na sa loob ng danger zone ng mga oras na iyon.

     "Master, we're here."  Narinig niya ang salita sa kanyang communication device.

Mukhang maayos na sa Tagaytay dahil naroon na ang grupo nila Lucian. Inilibot niya ang tingin at hinanap ang mga ito. Nasa kabilang building ang grupo kasama ang mga spirit masters na kasama din nito.

    "Help others to evacuate all civilians away from here. And Cain, connect me to the white palace."  Sagot ni Jenny.

White palace.. Well, it's Malacañang Palace of course. Kailangan niyang maka-usap ang acting president ng Pilipinas upang ipaalam dito ang kasalukuyang sitwasyon ng buong Manila.

     "Yes, little boss. Saglit lang."  Sagot ni Cain.

     "I'll also have to work with others too now, master."  Sagot din ni Lucian.

     "En. Go ahead."

Sa ibaba ay dinig na dinig ang ilang iyakan ng mga bata at ilang mga may edad na alam niyang natatakot sa nangyayari ng mga sandaling iyon. Gustuhin man niyang madaliin ang pag-resolba, hindi niya magagawa dahil unang-una, kapag pinaliyab niya ang buong area, baka sa halip na superhero, maging kalaban pa siya ng sarili niyang bansa.

     "Damn!"   Namutawi ng kanyang bibig dahil sa inis at frustration.

Naramdaman niya ang pag-lamig ng kanyang kinatatayuan kaya napa-tingin si Jenny sa kanyang paanan. Napa-flinch siya ng mapansin ang ice na unti-unting bumabalot sa kanyang benti. Ilang sandali pa lumitaw ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi kasabay ng kanyang pag-sulyap sa lalakeng naka-tutok ang mga kamay sa kanya.

      "Tarakul, estibusrad Phoenix un dayghostu kul."  Wika ng lalake na umabot sa kanyang pandinig.

Ano daw?!

Napa-ngiwi si Jenny nang ilang segundo pero natigilan din pagkatapos ng bigla na lang niyang naintindihan ang sinabi ng lalake. Dahan-dahang ipinilig niya ang ulo pakanan kasabay ng pag liyab ng kanyang mga mata.

    "Ahh... So yung master mo pala ang pumatay kay Banawa during great war. So lucky I am.. Hindi ko na kailangang hanapin pa ang taong gusto kong makita."  Mas malamig pa sa antartika ang boses ni Jenny nang mag salita.

Nakita niyang biglang natigilan ang lalake nang makita ang pagbalot ng balahibong ibon sa kanyang katawan na lumiliyab sa apoy.

   "Dapor?!"   Sambit nito.

   "How?! Well, I'll tell you.. I am a Demi-God that will punish you for killing my Banawa."  Sagot ni Jenny na unti-unting lumulutang sa ere palapit sa Cetacean na ngayon ay parang ice na unti-unting natutunaw.

    "No!!!"   Sigaw ng lalake.

Natigilan naman si Jenny na napa-nganga sa gulat.

    "You dimwit! Marunong ka naman palang mag-english, nag-sasalita ka pa ng lengwahe ng spirit beasts!"  Isang bolang apoy ang ibinato niya sa lalake na mabilis ding naka-iwas.

Lumabas sa butas na nasa uluhan ng whale ang tubig na deritsong papunta sa kanya at biglang naging Ice. Naiinis si Jenny hindi dahil sa pag-ka-counter ng lalake sa kanyang apoy, kundi dahil sa natuklasan niya na ang master ng lalake ang pumatay kay Banawa noon. She needs to avenge her death!

    "I'm gonna kill you until you tell me, kung saang fermament nagtatago ang Master mo!"  Galit na inilabas ni Jenny ang apat na pintuang apoy na kulay itim.

Parang na-corner ang Cetacean sa posisyon ng mga pinto kaya lalo itong natakot.

    "Iniisip mo ba na normal lang spirit master ang sinugod mo?! Well, you're wrong! Because, I'm gonna evaporate you until your fucking soul will reach your Master!!"   Sigaw ni Jenny  saka binalot ng kulay puting apoy ang buong palibot ng lalake kasama ang Cetacean.

Ang tatlong apoy ni Jenny ay may kanya-kanyang katangian.
Puti- Soul eater, Black- Fear unleasher and the Red orange is the body breaker. Ang tatlong kulay ng apoy na kapag nag-sama-sama ay tinatawag na eternal flame.

     "Stop! Don't kill me! Please!! I'm wrong, I'm wrong!"  Sigaw ng lalake na pumipilit na labanan ang apoy na ibinalot ni Jenny dito gamit at tubig at ice.

     "I can't hear you..!!!"  Sa isang snap ng daliri ni Jenny, nag-mix ang tatlong kulay ng apoy.

Sa ibaba, naka-tinngala ang lahat habang nanonood ang lahat nang may takot at pagkamangha sa nakikita. Ang hindi pa alam ni Jenny, ay kasalukuyang na sa headlines na rin siya ng news na ngayon ay naka-live broadcast na pinapanood na ng ilang milyong Pilipino sa buong Pilipinas.

     "If you kill me, my, my master will avenge me! She will destroy this entire fermament!" Sigaw ng lalake.

     "Oh! Hindi na niya kailangang bumaba pa dito, because I'm going to find her up there!"  Sagot ni Jenny kasabay ng tuluyan niyang pag-patay sa lalake.

Umulan ng snow ilang sandali pa ng mawala ang apoy na pinakawalan ni Jenny. Lumuluhang naikuyom niya ang mga kamao habang naka-tingala.

    "Wait for me up there, sisiguruhin kong mag-sisimula na ang totoong Revenge Journey of the Phoenix, I will fucking kill you.. Just wait for me."   Bulong ni Jenny.

Meanwhile, somewhere outside the fermament, a girl with Blue hair and brown eyes smile.

     "I'm excited to meet the person who is now occupying my body in that place." Wika ng babae habang naka-titig sa isang water mirror.

Author note: Hindi ko kayo matiis. Nakaka-excite na ba ang eksena? (Evil smirk)

REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon