CAN I COURT YOU?

1.3K 70 0
                                    

          Dahil sa pag tuon ng pansin nga mga tauhan sa taas ay Napa tingala narin sina Jenny at Zion.

      Sa itaas, kanilang nakita ang kanilang Spirit beasts.  Hindi nila tinawag ang mga ito kaya ang ibig sabihin ay kagustuhan ng mga ito ang lumabas at magpakita sa isat-isa.  
      Si Jenny ang unang nabahala.  Sa laki ng anyo ng dalawang spirit beasts ang sino mang tao na maglalayag malapit sa Isla trio ay siguradong makikita ang dalawang nilalang. And that is bad.

       "Damn it! " napamura talaga si Jenny.   "Banawa!" Sigaw nya sa pangalan ng Phoenix.    "Conceal your size you idiot!"

       Napatingin ang lahat kay Jenny. Ganun din si Zion. Hindi nya akalain na parehas sila ni Jenny makipag-usap sa kanilang Spirit beast. Tiningala nya rin ang kanya.

           "Yuso!,  you aren't wanted to be exposed, are you?"  Aniya dito.

Nang marinig ng dalawa ang sinabi ng kanilang mga Master ay mabilis namang lumiit ang mga ito. Pero talagang nainis si Jenny sa ginawa ng kanyang Phoenix. Patuloy sya sa pag sermon.

        "You ungrateful little thing! Paano kung may nakakita sa inyong dalawa ha?!  Gusto nyo bang dalawa na muling maghintay nanaman ilang libong taon bago muling magkita ha?! Pwede naman kayo mag-paalam sa amin kung gusto nyo mag date na dalawa!!!!" Go back now! Bulyaw nya dito.

Natatawa sa kanya si Zion palihim yun. Nag-e-enjoy syang manood sa cute na ginagawa ng kanyang gusto.

         "Shut up you talkative little girl!" Resbak naman ng Phoenix.

       "Oh! Really.. So you don't want to go back now? Let me Get all your Ruby then! " ani Jenny na nagsimulang pumikit!

     "No!!! Those are from Yuso!" Sigaw ng kanyang Phoenix.
Mabilis itong nagpaalam sa dragon at bumalik na nga sa sarili nitong space.

      "Hmp!" Maktol ni Jenny. Tiningnan nya ang dragon na nagpahaplos kay Zion. Inaalo ito ni Zion. "You guys can meet and talk later." Ani Jenny.. "But in private place. "

Ramdam ni Jenny ang tuwa ng kanyang Phoenix.. Napangiti na rin sya.

       Samantala, pagkatapos ng eksenang yun. Bumalik narin ang dragon ni Zion sa space ng nito. At pinili narin ni Jenny ang sampung tauhan na hihiramin nya.
    Pagkatapos ay bumalik sila sa Mansion.
     Halos butasin ni Mia ng tingin ang katawan nya. Bahagya pang nagtaka si Jenny pero ng marealize nyang suot nya nga pala ang damit ng binata ay natigilan sya.
        Mabilis syang nagpaalam sa mga ito para magpalit ng damit. Si Zion naman Ay kinausap ng kanyang Lolo. Matagal nag-usap ang dalawa tungkol marahil sa Dragon blood ng binata.
      
      Samantala kinausap din ni Jenny ang mga kasama nya na maghanda narin sa kanilang pag-alis. Bago mag alas trees ay lilipad na sila pabalik sa manila.

       Bumaba si Jenny pagkatapos kausapin ang mga kasamahan. Hawak nya ang cellphone at nag dial. Tinawagan nya si Betty.. Ipinaalam nya dito na ipapadala nya dito ang magiging bodyguard nito. Betty keeps calling her Margaret, at sa tuwing tatawagin sya nito sa pangalan yun ay normal syang sumasagot. Nang sabihin nya dito saka na sya makikipagtagpo dito ay tuwang-tuwa ang kausap.
   Tinapos nya ang tawag dito. Sinunod nya si David.

        "Finally, you decided to call me after so many years!"  Halatang nagtatampo ito sa kanya. Napatawa naman si Jenny.

       "I'm sorry," aniya. "I'll treat you to anywhere you want to eat once I go back ."  Natatawang pag-aalo nya dito.

       "You sure?"    Paniniguro naman nitong natatawa narin

Lumakad-lakad si Jenny habang nakikipag usap dito.

REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon