SPARRING

1.1K 62 0
                                    

   Alas dyes na ng gabi nang makabalik ang tatlong helicopters na sumundo sa grupo nila Jenny sa GPH. (Golden Phoenix hotel)
        Alas kwatro sila sinundo doon at ibinaba sa private airport ng mga Fuero sa Manila. Pagkatapos ay lumipat sila sa tatlo din helicopters na sasakyan nila papunta sa Isla Trio.

        10 helicopters and 5 private yacht ang pag-aari ng mga Fuero. And they also owned 2 private planes na ginagamit ng mga ito sa paglabas-pasok ng mga ito sa bansa.

       Sinalubong sila ng kanyang Lolo ng lumapag ang kanilang sinasakyan. Ito ang unang pagkakataon na makarating si Margaret bilang Jenny sa Isla Trio. Dahil gabi na kaya hindi nya na nakita ang itsura ng mga Isla habang nasa himpapawid.

            "My Apo!" Sinalubong sya ng yakap ng matanda.

            "You're still up?" Tanong nya dito habang nakayakap dito.

     "Ohh.. I'm waiting for your arrival. I'm so happy to have you here. You see?" Anito. Napatingin sya sa mga tauhan at katulong nito na nasa likuran lang ng matanda at naghihintay ng ipag-uutos ng matanda.

       "Hello, Jeniva!" Bati nito sa Mama nya.

        "Hello, Sir, magandang gabi po. Pasensya na sa istorbo." Hinging paumanhin nito sa matanda.

       "Don't mentioned it. As long as I helped my Apo." Sabi pa nito sa nilingon ang mga tauhan at utusan ang mga ito na tulungan na silang bitbitin ang konti nilang gamit.

Dinala sila ng matanda sa mala-palasyong bahay nito. Dinig nya pa ang pag wow ng mga kasama nya. Napangiti naman si Jenny. Hindi na bago sa kanya ang makapasok sa mala-palasyong bahay dahil sa nung nasa New York sya ay halos ganito din kalaki ang bahay na tinutulayan nya.

         Sa loob ng mansion ay naghihintay din sa kanila ang mga katulong na nakahanda na rin para dalhin ang mga kasama nya sa kwartong tutuluyan ng mga ito.
   Pagkatapos ay bumaba ulit para kumain ng hapunan. Tanging si Jenny lang hindi muna pumasok sa kwarto na nakalaan sa kanya. Nakikipag-usap kasi sya sa matanda.

      Nang matapos silang maghapunan bumalik na ulit ang mga ito sa ipinahiram na kwarto sa mga ito. Ginagamit ni Jenny ang Phoenix eyes para suyurin ang kabuan ng Mansion.

         "Jenny! " natigilan siya biglang pagtawag sa kanya ng Phoenix.

          "What?"

           "My partner's energy..nararamdaman ko."

Napakunot ang noo ni Jenny.
     
            "Sinong partner?" Aniya.

             "I sense the dragon in this Islands."

Natigilan si Jenny. Ibig sabihin, sa Pamilya Fuero may nag-ma-may-ari ng Dragon spirit beast?  Sino?

         "Are you sure?" Paniniguro nya sa sinabi ng kanyang Spirit beasts.

          "Yes! Yes! Im sure ! Energy ni Yuso ang nararamdaman ko."

          "Yuso?"

          "That's his name."

         "Ohhhh.. So may pangalan ka rin?"

Natigilan ang Phoenix. Antagal na nilang mag kasama subalit hindi manlang nito nabanggit ang pangalan nito. Kung pwede lang sya ngayon pumasok sa mind space nya nadagukan nya na ito.

           "Banawa." Maya ay sambit ng ibon.

           "Yan ang pangalan mo?" Hindi naman na sya sinagot pa ng ibon. Dahil nag salita na ulit ang kanyang Lolo sa tabi nya. Nag-paalam na itong matulog na una. Pumayag naman sya at sinabing matutulog nadin sya. Saka nya lang nalaman na ang kwarto nya ay nasa parehong palapag ng kwarto ng matanda. Nang maihatid sya ng kasambahay ay parehas na pag galang sa matanda ang ibinigay nito sa kanya.
           Gusto nya pa sana kontahin pero hindi nya na tinuloy.
  Pumasok na lang sya sa loob ng kwarto at saka namahinga.

REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon