Castro
Nakakatuwang pagmasdan ang nangyari kanina sa hospital. Laro'ng-laro ni Sarhento. Kung tutuusin may gusto pa sila sa isa't- isa, ayaw lang nilang umamin. Napangisi ako sa tao'ng pumasok sa headquarters na kinaroroonan ko. Nakakunot ang noo niya at minsan pa ay napapairap.
"Problema mo?"
Umismid ito, "Bwisit na bwisit talaga ako do'n sa Zandrong iyon. Ako lagi pinag-iinitan." aniya
Ngumiti ako, "Baka gusto niya pansinin mo siya? Sa iba kasi atensiyon mo, eh."
"Ano siya, gold? Pagkatapos niya akong pagsalitaan ng masasakit na salita, sa tingin mo ganun-ganun na lang?"
Napahalakhak ako sa tinuran ni Jem sa akin. May point naman siya, kahit siguro ako ay matagal ko pang mapapatawad si kuya Zandro. Kagaya ng kilala kong siraulo diyan sa tabi-tabi, hindi pa din ako kinakausap ng maayos. Alam ko namang mali ang ginawa ko, pero may rason naman ako kung bakit ko ginawa iyon. Ayaw niya lang makinig. May pinagmanahan talaga, dahil ganoon din ang Bossing niyang pinaglihi sa sama ng loob.
"Hoy!"
Napasigaw ako ng makitang tinungga nito ang isang pitsel. Akala niya siguro ay tubig.
"Jem, alak iyan." turan ko pa sa kaniya.
Nanlaki ang mata nitong nakatingin sa akin, maya't-maya pa ay ngumiti at lumapit sa akin.
Conrad Fujimoto
Nasa headquarters kami ngayon, buti na lang ay kaagad nakauwi si Bossing. Napalingon ako sa direksiyon nito, malalim ang iniisip, minsan pa ay bubuntong-hininga. Pagkalingon ko naman kay Rashid, malayo ang tingin, si Wesley na busy sa laptop nito, si Brennan naman ay nililinis ang baril na hawak.
Bakit parang mga problemado mga tao ngayon? Ako lang siguro ang hindi, kasi pogi ako. Napangisi ako.
Naistorbo ang aming tahimik na paligid nang marinig ang hagikgikan sa intercom na konektado sa megaphone.
Ano kaya iyon? Napatayo ako sa aking kinauupuan ng marinig ang boses ni Jem. Nagkatinginan kami ni pareng Brennan.
Ano na namang ginagawa ng babaeng iyon?
🎶Akin ka na lang, akin ka na lang
🎶 Ang dinadashal sha araw-araw
🎶Akin ka na lang, akin ka na lang
🎶 At maghihintay hanggang akin ka na, giliw
What the hell! Anong masamang espirito ang sumapi na naman kay Jem?!
Nilingon ko si Bossing, napatanga lamang ito, hindi pa siguro nagsisink-in sa utak niya ang nangyayari ngayon.
Yari na!
Nadinig pa namin ang sinok, at hagikgikan. Mukhang may kasama pa siyang iba. Nakita ko na lang bulto ni Bossing na tumatakbo papalabas, sumunod naman si Rashid. Aba'y sumunod na rin kami. Makiki-tsimis lang.
Nang marating namin ang kinaroroonan ni Jem. Nagsasalita na ito ng kung ano-ano.
"Lagi. . .aissshhh. . .kita mo Canna, lagi na lang galit sha akin shi Tenyente. . .h-hindi ko naman sha inaano. . .aisshhh. . ."
Dinig ko ang tawa ni Canna, "Parehash lang tayo, Shem. . .iyong Rashid na iyon. . .lagi rin galit sha akin. . .akala mo hindi ko pinashaya dati. . .bwishit lang. . .shilang lahat!"
YOU ARE READING
A Hot Night with You
AksiShe gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
