Chapter 33:

118 2 2
                                        

"Happy birthday" nakangiti kong turan sa babaeng kasama ni Calem.

Maganda ang asawa nito, at mas lalong gumaganda kapag ngumingiti siya.

"Pasensiya ka na, pre. Hindi kami nakabili ng regalo sa misis mo." Saad naman ni Rashid.

"Bawi na lang kami pag nabigyan na kami ng off." Dagdag ni Brennan.

"Naku! Wala namang problema iyon, buti nga nakapasyal kayo dito." tugon naman ng asawa ni Calem.

Ngumiti lamang kami, inaya naman kami ni Calem sa isang lamesa, pagkatapos ay tinuro na rin nito ang mga pagkaing nasa mahabang lamesa, sa harapan namin. Kumuha naman kami ni Canna ng plato at sabay kaming kumukuha ng pagkain.

Napalingon ako kay Canna ng sikuhin niya ako, muntik pang mahulog ang plato sa aking kamay.

"What?!"

"Andiyan na sila Tenyente Koronel, Jem."

Lilingon sana ako nang pigilan niya ako, " Huwag ka ng lilingon. Kasama niya girlfriend niya."

Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Canna, "May problema ba kapag lumingon ako at tignan sila? " Natawa ako sa reaksiyon ni Canna.

"Wala namang problema kung si Zandro lang, pero iyong girlfriend mukhang mananakmal." aniya pa nito habang natatawa.

Napailing na lang ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain. Nakaramdam ako ng presensiya sa aking tabi, nang lingunin ko ito ay hindi na ako nagulat nang makita ang fiancee ni Zandro.

Sinulyapan ko lamang ito ng saglit at hindi na pinansin. Pero, lintik talaga! Nakulangan siguro 'to ng aruga at nagpapansin sa akin. Bigla ba naman niya akong naitulak at sasabihing natisod lang siya. Buti na lamang ay maigi kong nahawakan ang plato sa aking mga kamay dahil kung hindi, agaw eksena na naman kami dito.

"Nananadya ka ba, ha?!" Mariin kong tanong sa kaniya.

Ngumisi ito, "I don't know what you're talking about?"

I mocked her. Nilagpasan ko na íto, kung minamalas ka nga naman ay tinisod pa ako. Ang kinalabasan tuloy ay basag ang plato at natapon ang mga pagkain. Para tuloy akong naligo, ang kinaibahan nga lang ay hindi tubig ang ginamit kong panligo. Agad naman akong dinaluhan ni Canna at tinulungang tumayo. Agaw eksena tuloy kaming tatlo ngayon.

"You should be careful." Saad ng impakta.

I scoffed, continuing to take out all the foods in my shirt. Binigyan naman ako ng tissue ni Canna.

"Papansinin ka rin eh , no? Hindi ka ba binibigyang pansin ni Tenyente at ganyan ka na lang umasta? Alam mo, deserve!" saad ni Canna.

"Shut up! Wala kang alam!" Bulyaw ng bruha.

Lahat tuloy ng tao ay nagbubulungan na at nakatingin na sa aming lahat. Lumapit naman sila Rashid sa akin, nagtatanong ang mga matang nakatingin na sa akin.

"Anong nangyari?" Wesley asked.

"That girl happened." bulalas ulit ni Canna.

"Iyong pagkain kinakain, hindi nililigo." Rashid jokingly said.

Sinamaan ko ito ng tingin na ikinangisi niya lang sa akin. Ba't ba lagi akong dinadapuan ng kamalasan sa buhay? Bwisit!

Agad kong dinapuan ng tingin itong babae, "Wala ka bang magawa sa buhay ha! Nanahimik ang tao sulpot ka ng sulpot! Ano bang problema mo sa akin, ha?!" Iritable kong saad .

"I do have many problems with you! Inaagaw mo sa akin si Zandro, and a flirt like you should go to hell and live there!" She shouted.

Nasaan na ba ang Zandro'ng iyon? Ba't hindi niya asikasuhin itong girlfriend niyang insecure.

Ngumisi ako, "Kahit si satanas ay tinatanggihan ako. Hindi na ako magtataka, sa ganda ko ba naman na 'to. No wonder, inggit na inggit ka. Wala pa nga akong ginagawa triggered na triggered ka."

Masama na niya akong tinitigan ngayon. No one can intimidate me, not even her. Tinitigan ko rin ito, at nginingisihan.

Mamatay ka sa inis!

" I hate you! Sana hindi ka na lang nabuhay! Sana tuluyan ka na lang nawala sa buhay namin!" Sigaw na naman niya.

Nagpanting ang mga tenga ko sa sinabi niya, kumuyom ang mga kamay ko. Nanginginig ang mga ito, "Huwag kang gagawa ng eksena na pagsisisihan mo lang buong-buhay mo." Babala ko sa kaniya.

Aba at tumaas lang ang kilay at ngumisi, "Why? Afraid of me?!"

Pagak akong natawa, "Hoy! Gumising ka nga! Ako? Matatakot sa isang gaya mo? Patawa ka! Hindi sana kita papatulan kasi aksaya ka lang ng oras ko, pero iyang tabas ng dila mo hindi na tumutugma diyan sa mukha mo. Marami na akong nakaharap na mga tao'ng mga halang ang bituka, kaya kung ikaw, kung ako sayo, idistansiya mo iyang sarili mo sa akin, baka talaga hindi ko mapigil ang sarili ko at ibaon kita ng buhay."

Napansin ko ang takot sa mga mata niya, mas lalo akong ngumisi. Babala pa lang pero nababahag na ang buntot niya sa isang gaya ko. Kita ko naman ang pagngisi ng mga kasama ko, napansin ko ang mabilis na paglapit ni Zandro kasama si Calem at ang asawa nito.

"What happened here?" Tanong niya pa.

I rolled my eyes, and I know for sure, her fiancee will turn the table.

"She hurt me, hon. I was just asking and be friend with her. But, she told me many bad things." Maarte niyang saad.

Sabi ko na nga ba, magaling talaga na aktres. "Hoy! Script writer ka ba? Aping-api? Eh, ikaw naman 'tong naunang manakit. Pasalamat ka nga hindi ka pinatulan ni Sarhento. Dahil kung hindi, nakabulagta ka na diyan." Asik ni Canna.

Buti na lamang ay naging kaibigan ko ito. Sa bibig pa lang niya, hindi ko na kailangan magpaliwanag.

"Totoo ba 'yon?" Tanong ni Zandro.

Napataas ang kilay ko, aba't ayaw pa maniwala sa amin. Tsk! Love sick fools!

"Pagsabihan mo iyang fiancee mo, Sir. Nanahimik kami rito, sulpot siya ng sulpot kung saan naroon ako. Kung pwede lang ay itali mo siya diyan sa bewang mo para hindi na kung saan-saan tumatahol." Imbyerna kong saad sa kaniya.

Nadidinig ko na naman ang hagikgikan ng mga kasama ko. Tinaasan ko lang ng kilay si Zandro. Nakakabwisit sila!

"At isa pa, hindi ko na kasalanan na maganda ako, siya-" tinignan ko pa ito at ngumisi, "No comment. Ayoko ng gulo, ayoko ng imbyerna sa buhay ko. Kaya kung pwede lumayo ka sa akin at baka hindi ako makapagpigil at masapak ka. Distance yourself and we're all good!" Asik ko ulit sa kanila at naglakad na paalis.

Nag-thumbs up naman si Calem sa akin at humingin ako ng pasensiya sa asawa nito. Nasira ko pa ang selebrasyon ng kaarawan niya.

Pahamak talaga ang babaeng iyon.

Malakas na buntong-hininga ang ginawa ko habang nagmamaneho pauwi. Hindi na ako makatiis kaya iginilid ko muna ang kotse at malakas na hinampas ang manobela. Ano ba ang problema ng babaeng iyon sa akin? Napasandal ako at tulalang tumatanaw sa kawalan. Ba't ba ang hirap hirap mong kalimutan, Zandro?

Napasinghap ako ng malakas na tumunog ang teleponong dala ko. Only to my surprise, unregistered number ito.

Tahimik sa kabilang linya, paghinga lang nito ang maririnig, at ang malamyos na tugtog.

"Hello? ....... sino to?"

Hindi ito nagsalita, kumunot ang noo ko. Ibaba ko na sana ang cellphone ng magsalita ito," How are you, Jemina?"

Nanindig ang mga balahibo ko sa batok. I can't utter any single words. I am surprise, really surprise hearing his voice again.

Hindi ko namalayan na pinatay na nito ang tawag, tulala akong nakauwi at hindi pa rin mag sink-in sa utak ko na narinig ko ang boses niya.




Fcccccccckkkk!!!!!!

Why are you back?

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now