Melissa
Heartbeat. Check.
Breathing. Check.
Both eyes. Check.
Nanginig ang kamay ko at handa ko na sanang bigyan siya ng CPR. Pero sa pagkakataong ito, ay natatalo ang puso at isip ko.
Kaya mo 'to, Melissa! You need to save him. You have to save him no matter what.
Humugot muna ako nang malalim na buntonghininga at saka sinimulan ko ang pag CPR sa kanya.
One, two, three, four, five, blow, and again. And repeat.
Lumabas ang tubig sa bibig niya at pinagpatuloy ko ito. Mukhang wala siyang buhay pero nang ma-e-check ko ulit ang pulso niya, ay tumitikbo na nang mas okay kaysa sa kanina. Nakatulong din ang paglabas ng tubig mula sa tiyan niya at napapansin ko ang paghinga niya.
May tama siya, at natulala ako nang mahaplos ko ang bahaging ito.
I swallowed hard while looking into my hands, that was covered in blood. And without thinking twice, I ripped the edge of my clothes and tied the piece of it onto his wound.
Napansin ko rin na hindi lang isa, dahil dalawang sugat ang mayroon siya. Sa bandang hita at sa bandang gilid ng dibdib niya. Mukhang daplis ang nasa bahaging dibdib, at malalim ang sa bahaging hita.
Malamig ang katawan niya at kinakabahan ako, dahil pakiramdam ko ay hindi kakayanin ng katawan niya ito. Tumayo ako at tumakbo patungo sa unahang bahagi. Nandoon kasi ang trolley cart, na ginagamit namin ni Manong Paeng sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay at pamilihin.
"Pulgosos. Halika rito."
Una ko siyang nilagay sa puwesto niya, dahil wala na akong oras kung maglalakad pa kami. At dahil na din siguro sa sobrang kaba, ay nabuhat ko ang katawan niya at hindi inantala na mabigat ito. Nailapag ko siya nang maayos sa trolley.
Matangkad siya, at labas ang paa. Pero bahala na. Ang importante ay maidala ko siya sa bahay at magamot ang sugat niya.
Ini-on ko ang makina at tumunog ito. At mabilis ang ginawa kong pagtulak nito, kasama si Pulgoso.
Maituturing na isang malaking himala kung paano ko siya naipasok sa loob ng bahay ko. Ang malaking kumot ko ang ginamit, at pinalupot ko ito sa katawan niya. At mula sa baba, ay pahila ang ginawa ko sa katawan niya para maipasok ito sa bahay.
Naalala ko tuloy ang eksenang ganito sa mga horror crime series na pinapanood ko. Ganitong-ganito ang ginagawa ng mga killer. Hinihila nila ang patay na katawan ng biktima at nililibing sa bakuran.
Dios ko naman oh! Hanggang sa ganitong eksena ba naman ay ang killer ng mukha ng pelikulang iyon ang naaalala ko.
Dios ko nama, Melissa oh! Isip ko.
"Alis, Pulgosos. Hindi iyan magigising. Dito ka nga!"
Binuhat ko si Pulgosos dahil panay ang pagdila na ginawa niya sa mukha nito. Akala yata ni Pulgosos ay lollipop ang mukha niya. Naamoy lang yata ng asong ito ang tubig alat sa balat niya, kaya panay ang pagdila na ginawa ni Pulgosos sa kanya.
Kompleto ang lahat ng gamit ko sa gilid, at tinitigan ko muna itong mabuti.
Ilang taon na ba ang nakakalipas simula nang ginamot ko sila? Hindi ko na maalala. Dalawang taon at kalahati na yata.
At heto na naman. Pilit na bumabalik sa akin ang lahat sa tuwing natitigan ko ang mga gamit na ito. Napalunok ako, at nagsimula ang kakaibang kaba sa puso ko. Natulala ako sa sarili, dahil hindi ko kayang hawakan ang bawat instrumento. Hanggang sa tumahol na si Pulgosos at naibalik ko ang utak sa kasalukuyan.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...