18.

1.2K 35 2
                                    


Reeve's POV


Dammit.

I bite my lower lip and wrap the piece of cloth on my wound. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may isang matulis na bagay sa gilid ng puno at tumama ito sa paa ko. Mabuti nalang at hindi malalim ang sugat.

"Okay ka lang ba, Dong Reeve?" si Manong Paeng sa likod.

"Okay lang, Manong."

"Nasugatan ka ba?"

"Wala ito, Manong, galos lang."

Gumalaw na ako at tinali nang mabuti ang mga ito. Iilang basket ng tuyong isda ang delivery ngayon papuntang kabilang isla. At mamaya ay sasama ako sa kampo nina Ethan sa shooting range sa kabilang bundok.

Melissa is not around. She's with her father down the city. Inaayos nila ang iilang papelis at importante raw ito, dahil pangalan naman ni Melissa ang nakasulat sa titulo.

"Ako na ang tatapos, Dong. Ihanda mo na ang sasakyan, at ng sa ganoon ay makababa na tayo. May lakad ka pa ano? Di ba sasama ka kina Ethan sa shooting range?"

"Oo, Manong." Mabilis ang kilos ko at hindi ko na inantala ang sugat ko sa paa.

For the past five days with Ethan around here with Melissa and her father, I was like a slave following their orders. Kahit na ayaw ni Melissa, ay wala rin siyang nagagawa kung ang ama na niya ang mag-uutos sa akin.

Ethan and her spend more time than how she spends her time with me, and she's sorry for that. Ethan is a visitor, living under here, under their care.

Seeing the two of them together hurt the hell out of me. They ate, laughed, and did business together. I wish it were me. I wish I had more than enough to show to her family.

AKO lang yata ang hinintay ng ka-grupo nina Ethan nang makarating ako sa lokasyon na binigay niya sa akin. I looked at the three of them. They all have their gears in combat. Kompleto sila sa lahat at pati na sa damit. May sariling bitbit na mga baril at iilang gamit.

"Come here, buddy!" Akbay ni Ethan sa akin at natawa ang dalawang kaibigan niya.

"So, this is your new boy?" Pabirong tanong ng isa sa kasama niya.

"Yes, this is Reeve, Melissa's boyfriend," pagpakilala ni Ethan sa akin sa kanila.

"Oh, dude! Akala ko ikaw ang boyfriend ni Melissa. Iba pala!?" kantyaw ng isa sa kania. Natawa na sila.

"Don't laugh at me, Kurt. Hindi pa naman sila. Puwede ko pang maagaw." Pilyo ang tingin sa akin ni Ethan at tinapik lang ulit ang balikat ko.

"Joke lang, Reeve. Hindi ka naman mabiro." Bahagyang tawa niya.

"By the way, these are my friends. Kurt and Whisky," pagpatuloy ni Ethan ng pagpapakilala sa akin sa kanila.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Napaigting ang panga ko sa kakaibang titig ni Ethan sa akin.

"Ready? Take my stuff, Reeve. Magaling ka na naman na assistant 'di ba? Don't worry, babayaran kita." Kindat niya.

Nauna na silang tatlo na humakbang at purong kantyaw ang naririnig ko. Malalakas pa ang tawa nila.

I gritted my teeth ang grabbed Ethan's things. It's pretty heavy, but it's manageable.

"Reeve, sa kabilang bundok ka nalang dumaan, okay? Hindi na tayo magkakasya sa sasakyan ko. Magkikita nalang tayo roon, okay!" Taas ng kamay niya at napakuyom kamao ako sa sarili.

The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon