31

1.3K 40 0
                                    


Melissa's POV


My knees are still shaking and I'm trying to control it. Umalis na siya at sa hindi ko maintindihan ay sumang-ayon ako sa gusto niya. Hindi dapat ako sasang-ayon, pero dahil gusto ko siyang makita ulit ay sumang-ayon ako.

I just remembered that I am no longer available for him. I already have a husband and a child... In that quick span of time with him, I forgot myself because I listened to my heart. He is definitely my Reeve. But he seems to have no recollection of me.

Bumalik na yata ang alaala niya, at nakalimutan na niya ang mga tao sa Isla at kasama na ako.

No one knows what happened to him after that day. Naglaho lang siya na parang bula at hindi na siya mahanap nina Tiya at Manong.

I regretted it a lot because it was me who left him. That must left a devastating trauma on him. Siguro sa pagkakamali kong iyon ay bumalik ang ala-ala niya at nakalimutan na niya ako. 


"Mommy!" Ang boses ni Madison ang pumukaw sa isip ko, at nakangiti siyang tumatakbo palapit sa akin.

"What happen to you?" Akma akong napaluhod at pinunasan ang mukha niya gamit ang kamay ko. Medyo basa siya.

"I got wet, Mommy. I didn't mean it. I'm sorry."

Lumapit ang isang staff sa amin.

"Pasensya na, Madam. Wala namang masamang nangyari. Gusto lang ni Madison kanina na habulin ang pusa. Pero bitbit niya kasi ang inimon niya kaya ganoon po ang nangyari. Aksidente po niyang nabanga ang isang lalaki at pareho silang nabasa sa inomin na bitbit ni Madison.  Pasensya na po talaga, Madam."

"It's alright, Amy. Salamat." I nodded and grab the handky inside my bag. Wala akong extrang damit na dala para kay Madison dahil nasa loob ng kotse ito.

"Ito po, Madam, damit. Binigay po ng lalaking nabanga ni Madison kanina. Kaso ayaw po ni Madison na magpalit." 

"Mommy told me not to talk with strangers," sagot ni Madison sa kay Amy. 

Ngumiti ang staff na si Amy at kinuha ko na ang damit na ibinigay niya. May papel na nakatupi sa ibabaw nito at hindi ko muna binasa, dahil binihisan ko nang mabilis si Madison. Ayaw kong magkasakit siya.

"Salamat, Amy."

"Wala pong anoman, Madam." Yumuko siya at umalis na.

Napabuntong-hininga ako sa sarili at hinayaan na si Madison na tapusin ang pagkain. I saw Montreal ahead, waving at me. He is leaving now. Kakatapus lang niya sa isang kliyente pagkatapos ko.

I waved back at him and smiled.

I felt slightly better now, and my knees were no longer shaking like they used to. But still, my heartbeat is somehow bothered.

"We will go home after this, okay?"

"Yes, Mommy."

I grabbed the remaining toys he played with and put them inside the little bag I had with me until the last bit of paper was left.

Kinuha ko ito para mabasa. Ito ang binigay ni Amy kanina kasama ang damit. Mukhang galing raw ito sa taong nagbigay ng damit kay Madison.


On the note:

It's not your son's fault. So, please don't get mad at him. Take care of him.

-Reeve-

The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon