Reeve's POV
"Reeve? Love?"
My eyes came open, and her beautiful face was the first vision I saw. My brows furrowed.
I'm feeling disoriented. Where exactly am I, and what is this place? What the hell happened to me? My mind speaks.
"Okay ka lang ba? M-Masakit pa ba ang ulo mo? Mabuti nalang at nagising ka na. . . Salamat."
She hugged me tightly, and her heart pounded against my chest. I blinked repeatedly, struggling to make sense of the situation.
Ang huling alaala ko ay sina Diego at Cariena. I need to save them, I have to. . . But what is this? Where am I? And who. . .
"Dalawang araw kang hindi nagising at nag-alala ako, Reeve. Gutom ka na ba? Nagluto ako ng paborito mo. T-Teka lang, ihahanda ko lang, okay." Haplos niya sa pisngi ko at hinalikan niya ako sa labi. Nagtagal ito rito at sa hindi ko maintindihan ay nagwala ang tibok ng puso ko.
It feels like I want to hug and kiss her damn hard. The feeling that you have the most beautiful being in your front right now is what I felt by looking at her in the eyes.
"I love you, Reeve. . . thank you for coming back to me." Ngiti niya at haplos sa pisngi ko.
Humalik ulit siya sa labi ko at saka mabilis na tumayo. Bahagya na akong naupo at umayos sa puwesto. Naramdaman ko pa ang sakit sa ulo na parang may kung anong tumama sa bahaging ito. Hanggang sa maalala ko ang huling nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay.
I fell down the cliff, and that was it. I have no recollection after that.
"Gising na si Reeve, Inday Melissa?"
Isang boses mula sa labas, at nang makita ko kung sino siya ay naalala ko agad ang mukha niya. . .si Tiya Esperanza.
"Oo, Tiya. T-Teka lang, Tiya, ipaghahanda ko muna si Reeve."
"Sige, sige, ako muna ang magbabantay."
Lumabas si Melissa mula rito at ang nakangiting mukha ni Tiya Esperanza naman ang nakatitig sa akin ngayon. Pumasok siya sa kwarto at tulala akong nakatitig sa kanya. Tulala pa ako sa sarili, at blanko ang isip ko. Hindi ko alam, kung ano ang sisimulan kong isipin. . . ang ngayon ba o ang nakaraan na.
"Dios ko, Dong, mabuti nalang at okay ka na. Alam mo ba na walang tulog si Inday Melissa habang nagbabantay sa 'yo. Kung hindi ka nakita ni Paeng sa kabilang bundok, ay tiyak baka patay ka na ngayon! Sinabi ko na sa 'yo 'di ba? Huwag ka ng sumama kina Ethan. Nakita mo na! Dios ko bata ka."
She sat down on the edge of the bed and grabbed the white face towel. She wiped it on my face. I let her wipe me. It smells minty, but I don't mind it. That smell reminded me of someone when I was a child. . . the scent of my mother.
"Nakatulong nga naman ang iilang dahon na pinakuluan ko. Mabuti nalang at nagising ka na." Haplos ni Tiya sa buhok ko, "Thank you Lord," ngiti niya.
"Inutusan mo ba si Manong Paeng, Tiya?"
Bitbit sa kamay ni Melissa ang pagkain, ay mariin kong tinitigan ang mukha niya.
"Oo, pinakuha ko si Teban na Albularyo sa kabilang bundok. Nag-aalala na ako eh. Dalawang araw rin hindi nagising si Dodong Reeve. Mabuti nalang at gising na. Hayaan mo, Dong. Magaling na mangagamot si Teban."
"Kain ka muna, love. Mainit pa ito."
Naupo siya sa gilid ng kama at saka inayos ang iilang kumot na nasa paanan ko. Hinayaan ko muna siya at hinintay lang na matapos. Ibinaba ko ang paa at ng sa ganoon ay makaupo ako sa maliit na upuan rito.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...