"Ayaw ko, Tiya! Never!" Sabay irap ko sa kanya. Mabilis akong lumabas ng bahay at alam kong nakasunod lang din siya.
"Dios mio marimar ka talaga, Melissa! Isipin mo nga ang sarili mo, anak. Wala na akong nakikitang solusyon sa problema mo kung 'di ito. Kaya kunin na natin ang pagkakataon na ito, hija."
Nahinto lang din ako at tinitigan ang lahat ng mga lalaking manok sa paligid. Lahat ng mga manok ay nakatitig sa akin na parang naghihintay sa sagot ko.
"Choo! Magsilayas nga kayo! Maghanap kayo ng mga babae, okay? Marami roon sa gubat! Alis!"
Lahat sila ay patakbong umalis nang mahawakan ko ang walis tingting. Nagsi-ingay lang din ang mga ito at nawala na sa paligid. Napangiwi ako, dahil puno na naman ng mga dumi ng manok ang bakuran ko.
"Tiya naman eh! Ilang beses ko na ba'ng sinabi na huwag mong pakawalan ang mga manok ni Papa! Malaki ang bakuran nila sa kabila. Ba't mo na naman pinakawalan!" Padyak nang paa ko. Nagkalat na naman kasi ang mga dumi nila rito.
"Oo na, oo na. Kailangan kong pakawalan dahil iniipon ko ang dumi nila para sa fertilizer ng mga halaman ko sa baba."
Kinuha niya agad ang malaking plastic na timba at maliit na pala. Isa-isang niyang pinulot ito habang nagsasalita mag-isa. Huminga agad ako nang malalim at nilapitan na siya.
Niyakap ko lang din ang likod niya.
"Sorry na, Tiya. . . Pasensya na." Subsob ng mukha ko sa likod niya. Inamoy ko pa siya nang bongga, at ngumiti ako sa sarili.
Si Mama lang din ang naamoy ko sa kanya. Gumaan agad ang pakiramdam ko, at humarap na siya.
"Kapakanan mo lang din kasi ang iniisip ko, anak." Sabay haplos niya sa buhok ko.
"Alam kong nahihirapan ka sa kondisyon ng ama mo dahil malapit na ito. Kaya sana, huwag kang magalit sa akin kung desperada na ako para sa 'yo."
Ngumuso ako at niyakap ulit si Tiya. "Alam ko po, Tiya. Pasensya na rin po talaga. I'm sorry," sa mas mahigpit na yakap ko sa kanya.
"So, ano? Payag ka sa suhesyon ko?" Baliw na ngiti niya. Nawala ulit ang ngiti sa labi ko at ngumiwi sa kanya.
"Tiya, hindi po natin alam kung anong klaseng tao po ang lalaking iyon. Baka serial killer po. Mahirap na. Virgin pa naman ako." Sabay takip ko sa dibdib.
Napatingin si Tiya sa dibdib ko at sa kanya.
"Ay, ako rin. Birhin pa ako." Takip niya sa pang-ibabang bahagi.
Natawa ako. Nakakatawa ang hitsura ng nag-iisang tiyahin ko.
"Tiya, kahit kailan ba ay hindi ka nagmahal? Imposible naman kasi na wala kang naging kasintahan noon? Maganda ka naman, tiya. Kamukha mo si Maria Clara," pilyang ngiti ko.
Maganda naman talaga si Tiya sa totoo lang. Pero mas maganda ang Mama ko. Magkapatid nga naman sila ni Mama ano!
"Ay, ba't ba natin napag-uusapan iyan? Syempre, marami! Tama na iyan at tatapusin ko na ito. At nang maikulong ko pabalik ang lahat ng manok ng ama mo," sagot niya. At tinalikuran na ako.
Sa tuwing nagtatanong ako tungkol sa love life niya ay umiiwas siya. Kawawa naman si Tiya, dahil magpahanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya.
Bwesit talaga kayong mga lalaki kayo! Dapat sa inyong mahilig magpaasa ay mataman ng kidlat at mamatay na!
Tinitigan ko nang tahimik si Tiya, saka ako bumalik na sa loob. Sa kusina ako nagtungo at inimon ang kape na ginawa niya para sa akin.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...