Melissa's POV
"You behave, okay? Dito ka lang at diyaan lang din si Mommy sa kwarto na iyan." Turo ko sa pribadong kwarto na kaharap lang din ng mesa rito. Hindi kalayuan ito.
"Yes, Mommy. You won't be long, right?"
"No, baby. I will meet a client who is so precious to us." I smiled and brushed his hair using my fingers.
"Is that client the one who bought all your paintings, Mommy?"
"Yes, baby. Kaya magpapasalamat lang si Mommy sa kanya. Mabilis lang din dahil sa tingin ko ay abala siya. Hindi rin daw siya puwedeng magtagal dahil marami siyang gagawin. Kaya mabilis lang ito, okay? Dito ka lang at huwag kang aalis, okay?"
"Yes, Mommy. I will behave, and I will not go anywhere."
"Good boy. You have your food and your toys here. I will also let you watch your favorite cartoon."
Ini-on ko na ang paboritong cartoon movies ni Madison sa Ipad at tiningnan ko kung ano pa ang kakailanganin niya. Ngumiti ang isang staff na nasa likod ko nang mailapag niya ang pancakes at ice cream na ini-order ko.
"Miss, can I add chicken nuggets."
"Wow! Thank you, Mommy!" sigaw ni Madison. Masayang masaya siya dahil hindi madalas itong kinakain ng bata. Bawal kasi sa bahay. Strikto si Frank pagdating sa mga pagkaing ganito sa kanya.
Bumalik ang staff na bitbit ito at pati na ang tubig. Inayos ko na ang bill at binayaran. Tiningnan ko ang oras at oras na para pumasok ako sa loob.
"Okay, Madison, I will go inside in that room, okay? Don't go wander around."
Tumango siya at tahimik lang din. Abala na ang mga mata niya sa pinapanood na cartoons habang kumakain. Lumapit ako sa isang staff na nag-serve sa amin kanina at pinagbilin ko si Madison. Kilala na ako ng mga staff rito, dahil madalas naman na dito kami kumakain ni Frank. Pagmamay-ari ng pinsan ni Frank ang restaurant na ito.
Kabado sa sarili ay nilakasan ko ang loob para makapasok. Ang nakangiting mukha agad ni Montreal ang sumalubong sa akin, at alam kong katatapos niya lang ma-met ang isang kliyente niya rito. Nakita ko itong lumabas kanina.
"Thank you for coming, Melissa. Anything you like to order?" Halik niya sa pisngi ko.
"No. Thank you. I have Madison outside. Nasa table nine at katapat lang din ng table na ito at marami akong na-order para sa kanya. I'm sure hindi niya iyon mauubos. Kaya huwag na. Okay lang." Naupo na ako sa katabing silya niya.
"Okay then, let me offer you some drinks."
"Thank you, as long as it's not alcohol, okay?" Pagbibiro ko.
Bahagya siyang natawa. "No, not. Baka mamaya pa. Anyway, I know you like apple juice?" Sabay bigay niya sa sealed bottle drink na apple juice. Binuksan ko ito at tinikman lang din.
"Anyway, are you going to paint more? I believe Mr Mondragon wants more of your painting."
My eyes widen a scant. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng kaisa-isang kliyente ko at isang Mondragon pa.
Back in the Philippines, I remembered Ethan—that time he wanted to tie up to one of the Mondragons. Hindi ko lang alam kung natuloy ba iyon, pero sa tingin ko ay hindi. Iba na rin kasi ang may ari ng lupain na pagmamay-ari ng pamilya ni Ethan. Ibang pangalan iyon, at sila rin ang nakabili sa Isla.
"Why do you think Mr Mondragon likes my painting, Mont? Eh, simpli lang naman ang mga iyon."
"I know, right? You have yet to use half of your talent, Melissa. You are still hiding, my girl. I still remember when your mother was still alive. You did well with her and. . ."
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...