Melissa's POV
Panay ang pili ko sa mga damit na panglalaki. Tatlong piraso isang daan ang benta ni Manang Atasha. Ukay-ukay na. Maraming mura at bente lang ang shorts na mga paninda niya. Ang pantalon lang ang medyo mahal.
"Magkano ito, Manang?" Pakita ko sa pantalon na kulay itim. Tantya ko ay kakasya ito kay Reeve.
"Two hundred, Inday Melissa."
"One fifty, Manang," tawad ko.
"One seventy. Huling presyo na iyan, Inday. Bente na lang akin."
Napanguso ako sa sarili. Five hundred pesos lang kasi ang pera ko at bibili pa ako ng iba. Kung bibilhin ko ang pantalon na ito, ay tiyak makukulangan na ako sa budget.
"Puwede ko ba'ng e-reserve ito, Manang. Babalikan bukas. Promise," ngiti ko.
"Kung 'di lang kita suki ay hindi. Pero ikaw ito. Kaya sige. Pumili ka pa ng iba, baka may magustuhan ka. E-re-reserve ko," lambing na ngiti niya.
Napalundag ako sa tuwa. "Talaga po, Manang? The best ka talaga, Manang Atasha!" Approve signal ko sa kanya.
Namili agad ako, at ginawa ko ng dalawang pantalon ang reserve. May nakita rin akong jacket na babagay kay Reeve at masusuot niya sa ito sa tuwig lalamig ang gabi.
Anim na damit at apat na shorts lang muna ang binayaran ko. Pina-reserve ko ang dalawang pantalon at isang jacket. Medyo may kamahalan ang jacket. Pero alam kong babagay ito sa kanya.
I move forward to a different stall. A store that sells brief for the boys and undies for girls. Katabi lang din ng tindahan na ito ang isang maliit na mini-grocery store. Pagmamay-ari ng isang negosyanteng intsik and tindahan na ito, kasama na ang grocery store sa gilid.
Namili ako ng brief para kay Reeve. Hindi ako sigurado sa sukat niya, pero alam kong kasya sa kanya ang hawak ko ngayon. Nalabhan ko na kasi noon nang makailang beses ang brief niya. Kaya alam ko na ang sukat niya.
Uminit ang pisngi ko nang maisip ang pribadong parte niya.
Hindi ko kailanman nakita ito. Dahil sa tuwing binibihisan ko siya noon ay tinatakpan ko ang bahaging ito sa kanya. Mahirap na. Ayaw kong magkasala.
"Dios ko, dai Melissa, ano na? Nasukat mo na ba ang itlog niya at mukhang alam na alam mo ang sukat ni Dodong Reeve ah?" si Tiya Esperanza. Nabigla ako sa presenya niya.
"Hindi pa, Tiya. Susukatin ko pa lang," pagbibiro ko. Natawa agad siya sa sagot ko.
Nasa tabi ko na siya. Tapos na yata sa mga pinamimili. Napatingin ko sa dalawang hawak niyang basket. Puno na ng gulay at prutas ang mga ito. Gulay lang din naman ang sinadya namin ngayon at prutas, dahil bukas pa kami bibili ng karne. May ibang klaseng gulay kami na tanim, at ibang gulay lang din ang pinamili namin. Hindi season ng prutas ngayon at walang bunga ang mga manga. Saging lang ang meron sa amin, kaya namimili si Tiya ng ibang klase.
"Iyan yata ang kasya sa kanya ano?" suhesyon ni Tiya sa hawak ko.
"Sa tingin mo, Tiya? Meduim ba ang itlog niya?" Titig ko sa gitna ng brief. Para kaming mga baliw dalawa. Dahil itinaas ko ito para matitigan namin pareho ng husto.
"Large yata si Reeve mo, Inday Melissa."
"Large? Hindi extra large?" Taas ng isang kilay ko. Nagdududa ako at hindi ako sigurado.
"What the-- sino ba ang susuot ng brief na iyan mga babae kayo!"
Mabilis kong naibaba ang brief na hawak at umayos ako sa pagkakatayo. Ang boses ni Manong Kanor ito at kung magsalita ay halong ingles. Nagtitinda siya ng buko at melon sa gilid. Tulak-tulak niya ang bawat paninda niya gamit ang lumang cart.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...