Melissa's POV
.
"Salamat talaga, Dianne, kung hindi dahil sa inyo ni Montreal ay hindi ko masisimulan man lang ang - "
"Oh don't say that, Mel. It's nothing," she cuts me off. Hindi man lang niya ako pinatapos sa gusto kong sasabihin,.
"I want you to spend some time with Reeve. I'm sure he will ask you many questions, and it's up to you to tell him your story. Take it slow so that you won't hurt each other. Ano? Okay lang ba ang unang araw mo sa kanya?"
Kinagat ko na ang pang-ibabang labi at napangiti ako sa sarili. Hindi ko makuhang sabihin kay Dianne na nandito pa rin ako sa studio art ni Reeve at hindi ako umuwi sa bahay namin. Alam ni Montreal at Dianne na privately ay kinontrata ako ni Reeve ng tatlong araw. Pero hindi nila alam na ang tatlong araw na iyon ay ang hindi ko pag-uwi sa sariling bahay namin ni Frank.
"Yeah, all good. I started the painting," I sighed while looking at the one I just started.
"Okay. That's great! Take it easy, okay? Don't worry about Madison. He is happily playing with the nanny. Sa katunayan nasa theme park ang dalawa."
"Salamat talaga, Dianne. Ang laki ng utang ko sa inyong dalawa ni Montreal."
"Ano ka ba. Don't say that. You are my sister, remember that, okay? And I love you, sis."
"I love you too, sis," I express lowly, saying it from the bottom of my heart.
"I know," she laughs and bids her goodbye.
Pinatay ko na rin ang tawag nang matapos at tumayo ako pansamantala. Inikot kong muli ang tingin sa paligid at napangiti ako. Gustong-gusto ko angamoy studio room ni Reeve. Ang ganda nga naman nito.
Lagpas isang oras na aytwala pa si Reeve, kaya kinuha ko rin ang pagkakataon na ma-tingnan ang bahaging lebel na ito. Nasa panghuling lebel and raw studio ni Reeve. May sariling kwarto at maliit na kusina para isang tao. Napansin ko rin na nandito sa lebel na ito naka stock ang iilang painting na mga nabili niya. At kilala ko ang halos lahat ng mga gumawa. Mga sikat na gawa ito ng mga sikat na artist sa bawat sulok ng mundo.
Lumawak ang ngiti ko nang mahanap ang lagusan palabas sa mismong rooftop, at napaawang ang labi ko nang makita ang isang pribadong helicopter na naka-parke sa hellipad.
"RRM?" Nagtagpo ang kilay ko at bahagya akong lumapit rito. Maliit lang ng helicopter, pero halatang bago. Kayang maisakay ang apat na katao kasama na ang piloto.
"Ibang-iba ka nga naman ano? Sinong mag-aakalain na isa ka palang Mondragaon, Reeve," salita kong mag-isa habang pinagmamasdan ang helicopter.
Napalunok ako at bahagyang napaatras sa sarili. Nilingon ko ang buong paligid at walang ibang bagay na nandito maliban nga lang sa helicopter na ito at iilang upuan na nasa bandang gilid. Humakbang ako sa bandang ito, at napailing ako sa sarili nang makita ang iilang bote ng beer at alak na nakalinya sa gilid.
Mga lalaki nga naman ano? Napailing ako. Hindi lang isa o dalawa, kung siguro mga tatlong dosena.
Lahat ba ng ito nainom na niya?
I pouted and thought for a while. The rooftop relaxes you like you are closer to the clouds. It's feels good and calming. Siguro sa mga panahon na iniwan ko si Reeve noon sa Islang bukid ay alam kung nasa tuktok siya palagi ng bundok na kung saan nakalibing si Pulgusos Palagi raw siya sa bahaging iyon sabi ni Tiya sa akin. Walang araw at gabi raw na hindi ako inisip ni Reeve at naghihintay siya sa pagbabalik ko.
Huminga ako nang malalim at pinikit ang mga mata. . . Kasalanan ko nga naman ang lahat, at magpahanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pagsisisi sa lahat. Masakit, at alam kong walang katumbas na sakit ito para kay Reeve. Pagkatapos nang nangyari kagabi ay hindi ko siya masisisi kung hindi na siya magpapakita sa akin.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...
