Melissa
.
"This is Reeve, anak. Kaibigan ko siya. Mabait siya at mapagkakatiwalaan mo."
I smiled as I introduced Madison to Reeve. The two looked at each other seriously and Madison's brows crossed as he met Reeve's serious gaze. I swallowed hard. Kinakabahan ako sa titigan nang dalawang ito. Wala yatang gustong magsalita sa kanilang dalawa, at parehong titig lang ang nasa mga mata nila.
"And what do you do, Mr Reeve?" Nagtagpo ang kilay ni Madison kay Reeve. "Ikaw ang bumili sa poop painting ko 'di ba?"
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa ngumiti na si Reeve.
"Yes, that was right. That was me." Kumindat si Reeve kay Madison at tahimik lang din ako sa gilid nilang dalawa. Parang wala ako sa kwartong ito at sila lang yata.
"I run the studio, and I have two more in the Philippines."
"So, you run a business painting? Is that so? Are you making enough money for that?"
Bahagyang ngumiti si Reeve at saka mahinang tumango. "A little bit. Enough to cater my needs and some of my employees." Tumitig si Reeve sa akin. "And more than enough to pay your mother too." Tumingin siyang pabalik kay Madison.
"I see. . ."
Madison took a deep breath and looked away. He is now looking at the whole place. Tumikhim ako at umisang hakbang para malapitan siya, at isa-isa niyang nilapitan ang mga paintings na naka-display rito.
"Ang galing mo pala talagang mag pinta, Mama. I'm so proud of you!"
"Thank you, anak. Para sa iyo, gagalingan ko." Ngumiti ako at bahagyang napaluhod para mas matitigan ko ang mga mata ni Madison. Hinawi ko ang mahabang bangs niya at inosente nga naman ang titig niya sa akin.
"A-Are you happy here, Mama? Are you happy in what you are doing?"
"Yes, baby. I am happy."
Yumakap siya sa akin at saka tumango na.
"Okay. If that's what makes you happy, then I am okay with this. Maybe I can help with painting too, Mr Reeve. You will buy my painting Mr. Reeve, right?"
I slightly laughed and looked at Reeve behind us. Mahina ang ginawang pagtango ni Reeve kay Madison at saka ginulo niya ang buhok ng bata.
"I will as long as it's no longer a poop," ngiti ni Reeve.
"Okay. Deal, Mr. Reeve!" siglang boses ni Madison at nag-apir na ang dalawa.
"I will show you your room. You will stay here with your mother for three more days."
Napakurap ako. Hindi ko inaasahan ito, at wala kaming napag-usapan na ganito.
"Really? Is that right, Mama?" Titig ni Madison sa akin.
"H-Ha? Ah, e, uhm."
Sumenyas nang kindat ang mga mata ni Reeve sa akin at wala na akong nagawa kaya tumango na rin ako kay Madison.
"I'm okay with it."
Ngumiti si Madison at agad na tumkbo papunta sa isang kwartong puno ng laruan. Mukhang alam niya yata kung saan siya papunta, at mukhang alam niya agad kung ano ang bawat laman ng kwarto.
Masaya si Madison sa loob ng napakaraming laruan. Aminin ko man ay ngayon ko lang napagmasdan si Madison na masayang -masaya sa lahat.
"Let him be, Melissa. . . It's beautiful to see him like this, love," bulong ang pagkakasabi ni Reeve sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...
