Reeve
.
"Naku, Dong, okay ka lang ba sa ganito? Ako ang nahihiya sa 'yo, Dong eh."
"Tiya, you are like a family to me. Wala na po kayong pinag-iba sa ina ko. Kaya okay lang po. I'm doing this for Melissa. It will be best if they will stay in the same old house. I want them here, Tiya."
Emosyonal ang mga mata ni Tiya at mabilis niya akong niyakap.
"Salamat, Dong! God Bless you, Dong Reeve."
"Salamat, Tiya." Haplos ko sa likod niya. Bumitaw agad siya at mabilis niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya.
"Kailan ba ang alis mo, Dong? Kailan ka babalik?" Pinatuyo niya muna ang luha at saka ngumiti pabalik sa akin. Ininom ko na ang buko juice na ginawa niya.
"I will miss your buko juice, Tiya. Thank you for this." I put back the empty plastic cup on the table. I wiped my mouth and heard Manong Paeng still cutting some young coconut for Glenn.
"Siguro sa mga susunod na buwan, Tiya. . . I need to take care of my mother. She needs me."
Mahinang tumango si Tiya at saka hindi na siya nagtanong pa. Napaigting ang panga ko at sabay namin na pinagmasdan ni Tiya sina Glenn at Manong Paeng sa labas ng bahay.
I will be going to Italy with Glenn. My mother is sick and her treatment requires more attention and care. Sa Amerika ang pagpapagamot ni Mama, pero bago niya ito simulan ng pangmatagalan na gamutan, ay gusto niya munang pumunta ng Italya na kasama ako.
My father will follow and Linus and the kids will do the same. Mauuna lang ako kasama ang ina ko at si Glenn. Hindi rin naman magtatagal si Glenn sa Italya dahil babalik din naman siya para sa negosyo. Negosyo rin naman ang pupuntahan niya sa Italya.
Mas mabuti na ito. Pansamantalang magpapakalayo ako, para sa katahimikan ng lahat.
I heard from Carmella that Melissa is looking for a place to stay back here in the Philippines. Tapos na ang ruling sa divorce nila ni Franck at pareho na silang malaya.
I heard Melissa signed an agreement of taking only twenty percent from Frank's wealth. Carmella already told me this. Hindi habol ni Melissa ang pera sa pamilya ni Frank, at hindi niya habol ang sustento para kay Madison, dahil hindi naman anak ni Frank ang bata.
The story about Madisson's identity intrigued the hell out of me. I felt sorry for the boy. I saw my young self in him, and I understand him dearly.
Walang pinagkaiba si Madisson sa akin noon. Iyong nga lang ang pinagkaiba namin ay si Melissa at Frank ang kinikilalang magulang ng bata. Samantalang ako noon, ay kilala ko ang mga totoong magulang ko. Iyon nga lang. Wala akong alam masyado sa ama ko.
"Dong Reeve! Heto, Dong. Baon mo para sa Mama mo, okay?" si Manong Paeng sa akin. Tumango ako.
"Salamat, Manong," ngiti ko.
Nagustuhan ni Mama ang bawat pasalubong na galing rito, lalo na ang mga gawang minatamis ni Tiya Esperanza. At si Papa naman ay gusto ang gawang 'tuba' o lambanog ni Manong Paeng.
"Manong naman, ba't dalawang galon kay Reeve at isa lang sa akin?" pabirong reklamo ni Glenn.
"Ay, Engr. May lambanog akong inilaan para sa 'yo, Engr. Limang galon iyon!" Itinuro ni Manong Paeng ang galon ng preskyong lambanog.
"Thank you, Manong. Paborito mo talaga ako ano?" Pagbibiro ni Glenn kay Manong Paeng.
"Syempre, Engr! Nag-iisa ka. Ikaw ang paborito ko, at si Dodong Reeve naman ang anak ko." Approve sign ni Manong sa akin. Napailing na ako at bahagyang natawa sa inasal niya.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...