Reeve's POV
.
The town is big enough to get all the things you want. Medyo tumili na ang ulan sa bahaging lugar na ito, pero basang-basa parin ang bawat kanto at lupa sa paligid. Medyo magulo ang palengke. Maraming nagtitinda at nagrereklamo ang halos lahat sa kanila.
Mataas ng presyo ng isda, dahil walang angkat dahil sa bagyo. Bumili ako ng dalawang kilong isda at tig iisang kilong karne ng baka at baboy.
May prutas pa naman, pero may iilang prutas dito na wala sa bahay kaya bumili na rin ako.
Inilagay ko ito sa isang ice chest na paglalagyan at ito ang bitbit ko sa kamay.
As I observed the scene, the joyful grins of the children playing in the mud and water triggered a familiar feeling within me. Pausing, I closely examined the group of boys who engaged in rough play with one another.
Wala silang pakialam sa klase ng laro nila kahit na parang wrestling na ito. Ang mahalaga ay masaya sila.
As I gazed upon them, I couldn't help but wonder if I had a close circle of friends. If I do, where are they? Do they miss me? These thoughts crossed my mind.
Sandali akong napailing sa sarili at hahakbang na sana pabalik sa kung saan nakaparke ang motorsiklo ko. Pero nahinto ako, dahil sa isang batang lalaki sa harapan ko.
"Kuya, marunong ka ba magbaril?"
My forehead creased at his question. Another boy approached us, and it looked like he was a friend of his.
"Ano ba, Ondoy. Bawal yata si Kuya. Kita mo naman na abala. Halika ka na. Hanap nalang tayo ng iba!" Hawak niya sa kamay nito.
"Teka lang! Puwede na ito si Kuya. Sa tingin marunong siya eh. Marunong ka, kuya, 'di ba?"
Silang dalawa na ngayon ang nakatitig sa akin at ngumiti akong bahagya.
"Anong klaseng baril-barilan ba?"
"See? Alam ni kuya! Halika ka, Kuya madali lang naman ito!" Sabay hila at hawak niya sa kamay ko. Sumunod ako at sumunod ang mga batang lalaki kanina na naglalaro. Mukhang ka-grupo rin yata ng batang ito ang mga bata na sa likod ko ngayon.
"Dito po!" saad niya at binitawan na ang kamay ko.
The atmosphere of the place is appealing, with many individuals partaking in the various games and amusements provided by the carnival.
Isang peryahan na pambayan at lahat ng mga naglalaro rito ay pawang mga kalalakihan. Medyo maingay at hindi nila inaalintana ang ulan. Maputik din, pero parang walang problema ito sa mga bata na kasama ko. Ang iba sa kanila ay nakapaa lang at walang problemang tinatapakan ang bawat putik na madadaanan.
"Heto, kuya. Gusto ko sanang mapanalonan iyong malaking teddy bear, Kuya. Ibibigay ko kay Mama. Birthday niya eh. Kaso naubos na ang bente pesos ko at sampung peso nalang meron ako." Inosenting titig ng mga mata niya sa akin.
"Sinong maglalaro, Ondoy, ikaw na naman?" Tanong ng matandang tindero sa kanya. Tinitigan niya ako na parang nagdududa sa hitsura ko.
"Ako, Manong. Kapatid ko po ito. Alin ba ang gusto mong tamaan ko?" Bahagya ang ginawa kong pagluhok at masigla siyang ngumiti.
"Iyong bullseye, Kuya!" Turo ng kamay niya.
Tumayo ako at dumukot ako ng pera. Ibinigay ko ito sa tindero at binigay niya ang airgun sa akin. Laruan lang ito nang mahawakan ko, at yari sa kahoy. Halatang ginawa ito at napansin ko agad ang kakaibang estillo ng baril-barilan na ito sa isang tingin ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...