11.

2.1K 52 2
                                        


Reeve's POV


It's easy as it looks, but I did the job perfectly. I helped Manong Paeng, and instead of him carrying the heavy things, I carried them.

Wala akong reklamo dahil mukhang sanay ang katawan ko sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay, at madali lang sa akin ito. Napapadali rin namin ni Manong ang lahat at mabilis ang delivery namin. 

We delivered the goods to different little stores around the small town. We picked up and delivered it in four batches, and we finished it in a day. Manong told me he would do this for two days if I weren't helping. 

Hindi kaya ng katawan niya na gawin ito ng isang araw lamang. Pero dahil nandito ako at tumutulong sa kanya, ay napabilis ang lahat ng gawain niya.

Hapon na nang makabalik kami sa islang bundok at isang kilong karneng baka ang bitbit ko. Parte ito ng komisyon ko kay Manong at may pera bang sobra. Ibibigay ko ito kay Melissa.

"Naku, huwag na. Sa 'yo iyan eh. Itago mo nalang, love, meron pa naman ako."

She refused to take the money and continued with what she was doing. I followed her. It's not the first time she refused cash from me.

"Hindi ba asawa na kita. Dapat sa 'yo ko ibibigay ang bawat pera. Don't worry, love. I will try my best to find a decent work to earn more money. I promise, Mel. I will look after you."

Yumakap ako sa katawan niya mula sa likod at isinandal ang panga ko sa balikat niya. Ngumiti siya at amoy ko ang sarap ng niluto niya.

"Okay, next time, I will take the money from you. But as for now, keep it. And whenever you need to buy something for yourself, use it. And if I need something, I will ask it from you." She said and faced me.

"Maligo ka na, dahil malapit ng matapos ito. Kakain na tayo."

I could only nod as I planted a kiss on her forehead. I'm over the moon to have such a wonderful woman like her. She's the best that has happened to me. I may have forgotten my past, and my memories are broken, but not my feelings towards her. I love her. That's what my heart tells me.


"May pinag-iipunan ka ba, Dong Reeve?" si Manong Paeng sa akin. Napansin niya siguro ang pag-iipon na ginawa ko.

It's been three weeks, and I wanted to buy an engagement ring for Melissa for the consecutive Saturdays and Sundays with Manong Paeng.

She looked after me after the accident, and now that I'm fully recovered, I want to do my part as a man. I know she loves me for who I am, regardless of the money.

Alam kong iba ang katayuan namin sa buhay dahil may kaya ang pamilya ni Melissa. Samantalang ako? Heto, galing sa isang kahig na pamilya at walang memorya sa nakaraan ko.

I'm still having a hard time remembering everything, and I have no memories of what was my previous family looked like. I have no recollection, and I don't want to push myself for that. Sumasakit lang ang ulo ko kung pipilitin ko ang bawat ala-alang gusto ko. Hindi ko kaya ito, dahil nasusuka ako at nahihilo.

"Gusto ko sanang bigyan ng singsing si Melissa, Manong."

"Ganoon ba? Bilib na talaga ako sa 'yo, Dong. Ikaw lang ang nag-iisang lalaki na nangahas sa babaeng iyon. Huwag mo sanang sasaktan ang anak-anakan ko. At sana huwag mo siyang bitawan kung makilala mo na ang ama niya."

I nodded and smiled at Manong Paeng. Meeting Melissa's father is my biggest fear. She already told me that her father is a perfectionist terror. 

"I will not retreat nor surrender, Manong. Wala sa isip at puso ko ang pag-suko sa kanya. Kahit pa butas ng karayom ay kaya kong pasukin para sa nag-iisa kong Melissa."

Tumayo si Manong at tinapik ang balikat ko. Tumayo na rin ako.

"That's the spirit! Mala Robin tayo 'di ba, at pagdating sa babaeng gusto natin ay hindi tayo basta-basta natitinag. Kaya huwag bibitaw!" Akbay ni Manong at natawa lang din ako sa pa-ingles niya.

"Nakakahawa pala ang ingles mo, Dong. Spoken dollar na walang dolyar tayo." Tawa ni Manong at natawa na ako.

Sometimes, I wonder why I talk like this. I have no idea, but as Melissa has told me, I am the best in what I do when it comes to my working profession and studies. Melissa told me that I was good at everything and that I was a manager in a food chain company back then.

Naging manager raw siya at iyon daw ang una naming pagkikita. That was funny every time I think about how we met.

I would like to know more but she refused to go on for more details. Hindi na raw mahalaga dahil maalala ko rin daw ito sa tamang panahon. At kung hindi man, ay bubuo kami ng panibagong masasayang alaala sa buhay namin ngayon.

"Nakuha mo na ba ang sukat niya sa daliri?" si Manong ulit. Nasa loob kami ngayon ng isang pawnshop at namimili ako ng singsing na para sa aming dalawa.

"Oo, Manong, sinukat ko noong nakaraang gabi."

I took it out of my pocket and gave it to the female in charge. I pointed to the ring that had a crystal stone on top. The price is just enough for it.

"Ang ganda. Tiyak magugustuhan iyan ni Inday Melissa. Magkano ba ito, Miss?" Tanong ni Manong sa tindera.

"Six thousand five hundred ninety-nine po, Sir."

Napaigting ang panga ko dahil kulang ang pera ko. Gustong-gusto ko pa naman ito.

"Can I reserve this, Miss? I can do a down payment."

"Sure, Sir. Pero hindi pa po ninyo ito makukuha. Saka na po kapag na fully payment n'yo na."

"Okay," I said and nodded.

"Magkano ba ang kulang mo, Dong?" si Manong sa akin.

Binilang ko na ang pera ko kanina at five thousand pesos lang ito. May plano pa sana akong bumili ng cake ibili dahil month-sarry namin ngayon. Pero mukhang hindi ko yata magagawa ito dahil kulang ang pera ko.

"Heto, idagdag mo na. Saka mo nalang bayaran kapag may pera ka na," si Manong sa akin. Inabot niya ang two thousand pesos sa tindera at binilang ng tindera ito.

"I received seven thousand pesos, Sir. Thank you."

I looked at Manong and didn't know what to say to him. He's such a good person and was like a father to me.

"May raket tayo sa Linggo, kaya huwag kang mag-alala. May extra pa ako." Kindat ni Manong at napayuko akong bahagya.

Nakakahiya, pero nagpapasalamat ako sa kabaitan niya.

"I will work hard, Manong. Thank you so much." Yakap ko sa kanya.

"Okay lang, Dong. Parang anak na kita. Maliit pa ang mga anak ko, at parang ikaw na ang kuya," pagbibiro ni Manong at natawa na kaming dalawa.

My extra pa akong pera at dalawang chiffon cake ang binili ko. Ibinigay ko kay Manong ang isa para pasalubong niya sa mga bata. Naghiwalay na rin kami nang makarating sa islang bundok. Wala pang tao nang makauwi ako at si Pulgosos palang ang sumalubong sa akin.

I know Melissa and Tiya Esperanza are still doing their thing. Kada hapon ang gawain nila sa pagbabalot ng mga tuyong isda para madeliver ito ni Manong Paeng bukasa sa kabilang isla.

I did the routine and fed the chooks. I cleaned the yard and cooked for dinner. Sinabay ko na sa pagluluto ang ulam namin dito sa dirty kitchen at nilinis ko na rin ang buong paligid. At insaktong natapos ako, ay naligo ako at nagpalit ng damit sa sarili.

The table was set, and here I was with Pulgosos waiting, sitting at the front door for the woman who captured me blindly. I felt nervous, and my hands were cold. Polgosos kept licking my hand.

 Napaliguan ko na rin siya at malinis na malinis na. Binilihan ko pa nga ang aso ng dalawang kilong dog food. Mas hiyang kasi ito sa kanya, kaysa sa kanin na sobra.

"I'm scared, Pulgosos. Sana sagutin ako ng mommy mo." Haplos ko sa ulo ng aso. Tumahol siya at panay ang pagdila sa kamay ko. 

.

c.m. louden

please vote for support. thanks :)

The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon