Reeve's POV
"Naku, anak. Strickto ang ama ni Senyorita. Basta ang alam ko, ay may malalim na dahilan kung bakit nandito si Senyorita Melissa sa naiibang bahagi ng mundo. Malambing at mabait na bata si Senyorita Melissa. Parang anak ko na iyan. Kaya nga nang pinakilala ka sa akin na kasintahan, ay nabigla ako. Hindi ko inakala na may iniibig pala siya rito," si Manong Paeng.
Tipid ang ngiti ko at babad kaming dalawa sa init ng araw. Mataas na ang araw at mainit sa balat ito. Nakakapaso na parang hindi sanay ang balat ko. Naninibago lang siguro ako, dahil matagal din akong nagpahinga simula ng maaksidente.
I'm helping Manong Paeng reel the fishing net back into our little boat.
Napansin ko na sa bawat umaga lalo na sa Lunes at Huwebes ay abala siya, at umuuwi na maraming isda. Nalaman ko na lang kay Tiya Esperanza na nangingisda pala si Manong sa mga araw na ito. Kaya heto, sumama na ako.
"Manong, I guess there's a better way to catch the fish," I opted. "We can use a bigger net and puller after dropping them down the ocean. Mas mabilis ito at madali. Marami ka rin na makukuhang isda," suhesyon ko.
Tumango siya at masaya ang ngiting ginawad sa akin.
"Tama ka, anak, Reeve. Meron nga. Pero mahal iyon, dong. Kailangan din natin ng malaking bangka. Iyong yate na pangmayaman. Iyon! Bagay na bagay iyon sa mga ganoon. . . pero okay na ako sa ganito. Makaluma ito, at pagod at pawis nga lang ang puhunan mo."
I nodded. I couldn't disagree because he was right. Manong was right.
We finished at nine-thirty and got back to the island at ten o'clock. The black bucket was full of different kinds of fish. We walked uphill and down. I carried the bucket. It's better for me to do it because Manong carried more than enough.
Pero bilib ako sa lakas ng katawan ni Manong. Nakakamangha ang buhay niya rito, at hindi ko maalis ang tingin ko sa tindig at kulay ng balat niya.
Life is hard, and you need to work hard. You have strived hard in order to have money. If you don't do anything, then there's nothing.
"Wow ang dami ah!" si Melissa.
Una siyang sumalubong sa amin, at sa isda na bitbit ko una siyang tumitig. Ibinaba ko ito at masaya niyang hinawakan ang mga nahuli namin ni Manong Paeng.
"Ako na maglinis," si Manong Paeng kay Melissa.
"Ay hindi puwede. Ako na, Manong. Kumain muna kayo ni Reeve. Sigurado ako na gutom na kayong dalawa."
She looked at me and her smile took away my tiredness. Pinunasan ko ang pawis sa mukha gamit ang towel. Tinitigan niya ako sa mata na parang nag-aalala.
"Okay ka lang ba? Pinagpawisan ka na," malambing na boses niya.
Mabilis ang ginawang pagpahid niya sa pawis ko sa mukha. Kinuha niya ang towel na hawak ko, at siya na mismo ang gumawa nito. Tumikhim si Manong Paeng na nakangiti. Kumindat siya at nag-approve ng lihim.
"Ako na ang maglilinis nito, Senyorita Melissa," sa magalang na boses ni Manong. May halong kapliyohan ang titig niya.
"Manong naman eh."
"Okay na. Sige na. Alagaan mo na iyang mahal mo. Mestiso na masyado dahil ang pula na ng balat at pati na ang mukha. Mukhang hindi sanay na ibabad ang kutis ni Sir Reeve," pagbibiro ni Manong. At humakbang na siya palayo.
I bit my lower lip, and my gaze landed on Melissa's eyes. Both my hands were still on my hips, and I felt hot.
Somehow, what Manong Paeng has said was true. Iba ang pakiramdam ko sa balat na parang hindi sanay mabilad sa araw ang ito.
BINABASA MO ANG
The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 The story of Reeve Ranger Mondragon and Melissa Beau Green Sadyang pantay nga ba ang pusong nagmahal kung sandaling nakalimutan mo ang nakaraan mong buhay? Paano kung nagsimula ka nang magmahal sa k...