51.

1.2K 38 2
                                    

Reeve

.

"R-Reeve? D-Dong?"

Nanginig ang boses ni Tiya Esperanza nang makita niya ako. I know it's hard for them to believe that I am still alive, and here, standing in front of them in flesh. 

"Dios ko, Dong!" 

Mabilis ang hakbang ni Tiya Esperanza at agad akong niyakap. Umiyak siya at kinapa ang buong katawan ko.

"Totoo ito! Buhay ka, Dong? Buhay ka!" Ulit na yakap niya at iyak sa sarili. 

I gritted my teeth, and I couldn't contain the happiness I felt inside. I hugged Tiya Esperanza back.

"Tiya. . ." I whispered while hugging her. 

I looked at Manong Paeng, who stood a few feet before us, and he couldn't move. He blinked a few times and brushed his face using his palms. He seemed like he saw a ghost in me. 

Hindi rin siya nakatiis nang ngumiti ako sa kanya, at agad niya akong niyakap.

"Dios ko, Dong. . . Salamat, Dong, at buhay ka pa. Salamat." Yakap ni Manong Paeng sa akin. "Ang buong akala namin ay wala ka na, Dong. . . Salamt. Salamat at nagbalik ka."


We sat down, and Tiya Esperanza offered us a refreshing coconut drink. Glenn smiled and thanked Tiya.

"Sus, mag pinsan diay kayo, Dong? Hindi ko talaga akalain na isa kang Mondragon, Dodong Reeve. At talagang pinsan mo pa si Engr Glenn. . . Salamat, Engr," ngiting tugon ni Tiya Esperanza kay Glenn. "Kung hindi dahil sa 'yo, ay hindi mabibigyan nang panibagong buhay ang mga tao rito, Engr."

"No, Tiya, don't mention it. I was only doing what I loved to do, and someone here wants me to do the remaining job." Glenn eyed me. "Half of this is coming from Reeve, Tiya."

"Talaga, Dong? G-Galing sa 'yo?" Kumurap ang mga mata ni Tiya at napangiti na ako. Hindi ako umimik at naging tahimik silang tatlo na nakatingin sa akin ngayon. Bahagya na akong tumango. 

"Ang bait talaga ng Dios." Titig ni Tiya sa akin. "Teka lang kunin ko muna ang niluto ko." 

Umalis agad si Tiya at pumwesto na si Glenn sa tabi ko. Bumalik din agad si Tiya at bitbit na niya ang ginawang putahe.

"H-Heto kain muna kayo. Gawa ko ito, Dong. Hindi ba paborito mo ito?" Sabay bigay ni Tiya sa akin. 

"Salamat, Tiya," I said happily. I ate the delicious sticky rice wrapped in banana leaves she made, bringing back many memories.

"Hmm, nothing beats the traditional way of making it. And the fact that it's cooked in wood made it even better," Glenn complimented while eating. 

"A-Ano raw?" si Tiya Esperanza sa akin. Bahagyang ngumiti ako at napailing kay Glenn ngayon.

"Stop talking so fast in English, Glenn. Hindi ka maiintindihan ni Tiya."

"Oh, it's not like that! I can still understand him. See I tak English, but s.l.o.w. . ." Tawang tugon ni Tiya kay Glenn.

"I'm so sorry, Tiya. Magaling rin po ako mag tagalog. Nasanay lang po ang bibig ko sa bilis na salita dahil sa iba't-ibang klaseng kliyente ko."

"Ay, ganun naman pala! Alam mo ba, Dong Reeve, na kilalang kilala iyang pinsan mo rito lalo na sa mga dalaga sa lahat ng baryo. Sikat na sikat ka nga Engr. Glenn, lahat ng mga dalaga ay gustong-gusto ka." Naupo na si Tiya sa tabi ko at pinagbalatan niya pa ako ng saging na niluto niya.

"Kain ka pa, Dong. Masarap iyan kasi sariling tanim natin iyan sa ibabaw ng bundok. Naalala mo pa ba ang mga saging na tinanim mo? Iyan ang bunga," pagmamalaki ni Tiya. 

The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon