52.

2K 46 1
                                        

Reeve

.

"I want you to know, Tiya Esperanza, that the owner of this land trusted you with all his life," Glenn spoke to Tiya formally. I was behind him, listening to everything.

"Naku, Engr Glenn, nakakahiya naman po sa may ari ng lupaing ito. Pero nagpapasalamat kami sa kanya, dahil nandito pa rin kami hanggang ngayon sa lupain na ito. Malaki ang utang na loob namin sa may ari," si Tiya Esperanza kay Glenn.

"Pakisabi sa kanya, Engr, na taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng kabaitan niya. Sana bigyan pa siya ng maganda at maginhawang buhay ng Panginoon," saad ni Manong Paeng.

Glenn smiled and turned around to see me. His brows raised, waiting for me to say something. I nodded.

"Honestly, Tiya and Manong Paeng, the land owner is here with me."

"H-Ha? S-Sino?" si Tiya. Sabay silang dalawa ni Manong Paeng na napalingon sa paligid at pabalik-balik ang tingin nila sa bawat banda. Bahagya akong napangisi sa kanilang dalawa.

"Eh, si Dodong Reeve lang naman ang nandito. May aakyat pa ba?" si Tiya kay Glenn.

Umatras si Glenn at lumapit sa akin. Nahinto siya nang magkatabi na kaming dalawa.

"Tiya and Manong, I would like to introduce to you the owner of this land. . . Engr Reeve Ranger Mondragon." Akbay ni Glenn sa balikat ko.

"Damn, Glenn, what an introduction ai?" lihim na saad ko at bahagya siyang napailing.

Parang statwang nakatayong tulala sina Manong at Tiya sa harapan namin at titig na titig silang dalawa sa akin. 

"Dong? S-Sayo itong lahat, Dong?" si Tiya Esperanza. Parang hindi siya makapaniwala. Humakbang siya. Mahina ito hanggang sa huminto siya sa harapan ko.

"Dong. . . Salamat!" Agad na yakap ni Tiya. Humagulgol na siya sa pag-iyak. Iyakain talaga si Tiya pagdating sa mga bagay na ganito. 

"Reeve, dong," si Manong Paeng. He also came forward and hugged me. The two of them are crying again.

"Hindi ko lubos akalain na sa 'yo pala ang lahat ng ito, Dong? At mag pinsan kayo ni Engr Glenn. . . Mondragon ang apelyedo mo? Mondragon din si Engr Glenn," Tiya Esperanza looked at Glenn and she hugged him. It was confusing for them, but they finally understood everything. 

"Ang swerte namin sa inyo. Maraming salamat."

--

IT WAS BRIEF, and after a few hours, Tiya Esperanza served us steamed bananas partnered with dried fish.

Masarap ang kain ko, dahil na miss ko ang pagkain na ganito. Wala ring kaartehan si Glenn pagdating sa ganito, dahil wala namang pinagkaiba ang mukong na ito sa akin.

We laughed, joked, and listened to their stories. It was fun, and I forgot about my worries and heartache for a moment. 

"Alam mo ba, Engr Glen, na baliw na baliw si Dodong Reeve kay Inday Melissa?" si Manong Paeng.

Nahinto akong saglit sa pagsubo ng saging, at nasaksihan ko ang mga mata ni Tiya Esperanza kay Manong Paeng. 

They both paused and went quiet. The two of them looked at me like they were waiting for something. I cleared my throat and just smiled.

May mga bagay na hindi ko pa kayang e-kwento sa kanila sa ngayon kaya hahayaan ko muna hanggang sa matapos ang laban ni Melissa kay Frank. 

I just smiled and shook my head lightly. I continue eating. 

"Don't worry, Tiya, Reeve is tough as a bull," Glenn winked at them, "When it comes to Melissa, he well wait and still waiting for her no matter how long will it takes. At tama ka, Manong! Baliw nga naman ang pinsan kong ito sa babaeng mahal niya," Glenn smirked and I just shook my head.

The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon