32

1.2K 48 3
                                    


Melissa's POV


"Thank you so much, Dianne. I couldn't do this alone on my own without your help."

"Sino pa ba ang magtutulungan, eh, tayo-tayo lang naman."

"Did you have fun, baby?" Ngiti ko kay Madison at isa-isang niligpit ito. Uuwi na kami dahil tapos na ang lahat. Gabi na rin at pagod na ang katawan ko ngayon, dahil sa ginawa ni Frank sa akin.

"Yes, Mommy. I made new friends. They even treated me, and I sold my painting!" Pinakita niya sa akin ang pera.

"This is for you, Mommy. That customer I had was very kind."

"Oh my, God. Really? You paint?" Tingin ko kay Dianne at mahina siyang tumango. Ngumiti lang si Dianne at sapat na sa akin ito. Alam kong nagmamasid si Madison sa mga ginagawa ko, lalo na sa pagpipinta.

"Can I play a little bit more, Mommy? On the swing while you clean my things?"

"Sure, baby. Go  on."

Tumakbo agad siya at malapit ang naman ito, sa harapan lang namin ngayon. I looked back at Dianne and she smiled while staring at me.

"Pinoy yata iyong lalaki na bumili. Kasama ang alaga niya na sa tingin ko ay kalahating Italyanang bata. Zio kasi ang tawag sa kanya. It means Tiyo, right?"

"Oo." Napangiti ako kay Diane at naglilipigpit na din siya katulad ko. 

I couldn't believe it. I am still looking at the money in my hand. Hindi ako makapaniwala na galing ito sa anak ko.

"Magaling sa marketing ang anak mo. Naubos ang paninda ko at naibenta pa niya ang sa kanya! Akalain mo, may pinagmanahan nga." Bahagyang tawa ni Dianne. 

"Mabuti nalang at nasiyahan siya. I'm glad it worked well with him." Titig ko kay Madison ngayon na naglalaro.

"Your son is easy to go along with, Melissa. Madali rin makipagkaibigan sa iba. He's mature at his age. Strikto ba si Frank sa bahay?" 

Huminga ako nang malalim at mahinang tumango sa kanya.

"I told you, right? You could have said no when Frank offered you the marriage. Ba't mo naman kasi tinangap?" She twisted her lips, and my shoulder dropped.

How can I explain to Dianne everything? I can't. Hindi rin naman niya maiintindihan. Umiwas na ako at hindi siya sinagot.

"By the way, Mr Montreal dropped in earlier. May pinabibigay siya sa akin para sa 'yo. He will call you tonight, too." Kindat ni Dianne habang binibigay ang plastic bag sa akin.

"Thank you, Dianne." 

I looked at the plastic bag from Montreal. Mga vitamis ito ni Madison. Naalala niya ang pangako niya sa akin sa bawat buwan. Simula pa lang noon ay siya na talaga ang nag-su-supply ng mga bitamina ni Madison sa akin. 

Mas napangiti akong lalo nang makita na may iilang bote ng bitamina na para kay Papa. Ang bait talaga ni Montreal. Isa siya sa mga kaibigan ko na hindi ako iniwan. Silang dalawa ni Dianne. 


IT WAS dark when we arrived home. Wala si Frank ngayon dahil out of town siya ng isang linggo. Kaya isinama niya ako kanina dahil sa mga consignment at papelis.

Frank couldn't do anything without my signatory. It may sound bitter as it is, but he needs me as I need him. We are benefiting each other with our arrangements.

Iyon nga lang pagdating kay Madison, ay ako lang ang tanging may oras sa bata at hindi siya. Mailap siya kay Madison at alam ko naman ang dahilan. Hindi ko siya mapipilit na ilapit ang loob niya kay Madison. 

The Lost Billionaire (MBBC#9) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon