Mine 5
Raymond Tuan (Papa Tuan)
Pagkatapos ng concert ay nag-aya si Mark na kumain dahil libre daw niya. Aba mayabang na tong anak ko palibhasa kumikita na ng pera!
"Bakit ba hindi nakasama si Kassi? Sayang may isang ticket pa namang pinadala si Mark" Tanong ng isa sa mga anak kong babae na si Tammy
"Busy daw siya eh." Sagot naman ni Joey habang busy sa pag-oorder ng pagkain
"Kassi just tweeted" Sabi ko na naging dahilan kung bakit sila napalingon sakin.
"OMG she's so pretty with that hair!" Tammy
"Wow magbabakasyon pala kaya hindi nakasama" Segunda naman ni Joey
Pasimple kong sinilip si Mark at busy siya sa pagkalikot ng kung ano sa cellphone niya. Mukhang kanina pa inip na inip tong batang to ah?
"Papa, I can't send a message. Can I try using yours?" Mark na parang kinakabahan
"Sino ba itetext mo, si Kassi?" Tanong ni Mama Tuan
"Uh, wag na papa." Mark at balik nanaman sa pagkalikot sa cellphone
Alam ko namang may nangyaring di maganda sa samahan ng dalawang batang iyon. Pero hindi ko na sila pakikialaman dahil matatanda na sila.
"Oh tara selfie muna tayo ipapadala ko kay Kassi" Sabi ko at tinapat ang cellphone sa amin
Kitang kita ko pa sa screen ng cellphone ko na nag-ayos pa ng buhok ang anak ko. Aba aba nagpapapogi kay Kassi?
"Oh ayan isesend ko muna kay Kassandra to sa line tapos magtext ka na"
To : Kassandra Liu
Dinner with family. Wish you were here
"Oh Mark"
Agad namang kinuha ni Mark ang cellphone at parang galit na galit pa habang nagtetext. Pagbalik naman niya sakin ng cellphone ay burado na ang messages namin ni Kassandra. Hm...
"Hello? Managerhyung? Opo bukas ng umaga gusto ko umuwi na. Dapat by 4 nasa bahay na ako. Sige po thank you" Narinig kong usapan ni Mark at ng Manager nila ng magpaalam syang mag-cr.
Sinundan ko kasi siya sa banyo dahil medyo napatagal sa loob. Tsk tsk tsk ang anak ko bagito pa talaga
A/N
Papa Tuan's special chapter :) the picture is from papa tuan :)