Mine 49

1K 45 34
                                    

Mine 49
Kassi

"I am the father." Matigas na wika na ikinagulat ng lahat lalo na ni Mark

"Putang ina mo!" Bago pa mapigilan ng ibang members si JBay nasugod na nito agad si Junior at pinagsusuntok. "How could you do that?! You are a family wrecker!"


"Hyung tama na! May event pa tayo bukas mahirap takpan ng make-up yan!" Bammy

Hindi ako makatingin sa kanila sa sobrang takot ko sa kanila lalo na kay Mark. Kanina pa siy tahimik at hindi kumikibo. Kinuha niya lang si Drei at pinatulog pagtapos ay tahimik nanaman at nakatulala.

"Noona kumain ka muna makakasama sayo yan pag iyak ka ng iyak" Youngjae at inabutan ako ng pagkain. Ngumiti lang ito at umupo sa tabi ko na parang may gustong sabihin. "Alam mo noona nagagalit ako sayo kasi nagawa mo yun kay Mark hyung. Lalo na si Junior hyung pa? Sobrang lapit nila sa isa't isa. Pero wala na nangyari na at hindi naman ako ang dapat na magdesisyon ng dapat niyong gawin. Saka isa pa buntis ka na kaya noona, para sa bago naming pamangkin, kumain ka na. Kung may gusto ka man kainin, wag ka mahiya magsabi sa akin" ngumiti ito sa akin bago ako iniwan.

-----
Junior

"Ano na ngayon gusto mong mangyari?" Nandito kami ni JB ngayon sa kwarto ko at umiinom. Oo uniinom din kami lalo na pag hindi na namin alam ang gagawin namin

"Ano pa syempre pananagutan ko" sagot ko na ikinailing nito

"Kung mahal mo si Kassandra, pababayaan mo siya kay Mark. Ipauubaya mo siya lalo na may anak sila" Sa pagkakataong ito, ako naman ang umiling.

"Eh paano naman yung anak namin?" Napangisi ako sa sobrang tuwa dahil magkakaanak na kami ni Kassi

"Iisipin mo pa ba yang sarili mo, Jin Young?! Alam nating lahat na ikakasal na sila pagtapos ng kontrata ni Mark sa JYP. Alam din nating lahat kung gaano nila kamahal ang isa't isa bago mo pa sirain ang pamilya nila. Junior, huwag mo naman sirain ang buhay ni Kassandra dahil lang sa pagiging makasarili mo" Mahabang litanya nito na naging dahilan ng pagtawa ko.

"Huwag ko sirain ang buhay ni Kassandra? Eh ikaw nga sinira mo ang buhay ni Dahyun. Inanakan mo ng dalawa" Sagot ko at uminom

Sabay kaming napatawa ni JB dahil sa mga kagaguhan namin.



-------
Kassi

Mark treated me as if I am no one that day. He does't even talk to me. And that night, I slept on the couch.

"Mag-ayos ka sumama ka sa schedule namin ngayon. May radio guesting kami" Malamig na wika nito na ikinagulat ko kaya napabangon ako agad. Mukhang mali ata ang pagbangon ko dahil agad akong nahilo.

Agad akong napatakbo sa lababo ng may parang humahalukay sa tiyan ko at may gustong lumabas sa akin.

Suka ako ng suka ng may maramdaman akong humihimas sa likod ko. Napangiti ako ng malingunan ko si Junior

"Ayos ka na?" Halata sa boses nito ang pag-aalala. "Gusto mo ba dalhin kita sa ospital?" Nag-aalalang tanong nito.

Umiling na lang ako at ngumiti upang mabawasan ang pag-aalala nito.

Babalik na sana ako sa sala ng malingunan ko si Mark na nakatingin sa amin. Kitang kita sa mga mata niya ang sakit dahil sa nakita niya.

He's mine (Got7's Mark Tuan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon