Mine 40

1.3K 43 7
                                    

Mine 40
Mark

"Hyung sino nanaman ba yang katext mo? Nakakaselos ka na!" Reklamo ni Youngjae kay Junior na nagtetext nanaman.

"Regalo ko kay hyung to 'wag kang maarte dyan" Junior

"Kahit naman hindi birthday ni hyung may katext ka!" Bambam

Nagpareserved si Manager hyung sa isang restaurant na hindi madaling mapapasok ng fans. Gusto rin kas nain ng privacy.

"Hyung libre mo naman lahat diba?" Yugyeom

"Oo orderin nyo lang lahat ng gusto nyo" Sagot ko

"Wow ang generous mo naman" JB

Busy kaming lahat kumain ng dumating ang isang babae na mukhang isa ata sa staff ng restaurant at may ginuguide na baby na may hawak na parang libro.

Lumapit sakin ang baby at inabot ang librong hawak nito. Nalilito man ay binasa ko ang nakasulat sa libro.

Andrei

Napanganga ako sa nabasa at kusa na lang tumulo ang luha ko habang tinitignan ang mga litrato sa librong inabot ang batang buhat na ng stafd at niyakap.

"Hyung!" Sigaw nila ng makitang yakap ko na ang bata.

Inabot naman nila ang scrapbook na hawak ko kanina at napanganga din sa nakita.

Nakita ko pang tumayo si Junior at umalis pero wala akong oras para tanungin pa sya. Gusto ko na lang yakapin ang batang 'to. My baby Andrei.


----
Junior

"So finally pinakilala mo na din sa kanya" Nakangiting wika ko sa babaeng nakatingin sa mag-ama nya.

"Ofcourse he deserves to know his son. I am very happy that they already met each other, Junior." She wiped her tears and smiled. "Tara lapitan na natin sila"

Bago pa man sya makalapit sa table namin ay niyakap ko na sya. Alam kong ito na ang huling pagkakataon ko para mayakap sya at masabi sa kanya ang nararamdaman ko.

"Junior, maraming salamat sa lahat ng tulong mo. Sa mga pinapadala mong gamit para kay Andrei, pagdalaw sa ospital at pagbibigay ng mga gusto ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya kasi nandyan ka lagi sa tabi ko at pinapagaan lahat ng mabibigat na bagay. Salamat."

"Kassandra, mahal kita." Bulong ko sa kanya. Ramdam kong nagulat sya pero hindi sya bumitiw sa yakap ko. "Mahal kita kahit alam kong mali. Kahit alam kong hindi mo ako mamahalin. Wag kang mag-alala nandito pa rin ako para sayo. Magiging masaya ako para sa inyo ni hyung." Unti unti ko syang binitawan at tumalikod.

He's mine (Got7's Mark Tuan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon