Mine 54
KassiKahit na nakakahiya ay sa bahay pa rin ako ni Dahyun at JB nagstay. JB insisted dahil baka daw ano ang mangyari sa akin pag mag-isa lang ako.
"Wala pang isang buwan simula ng manganak ka aalis ka na agad?" Puna ko kay Dahyun na bihis na bihis
"Mahalaga 'tong pupuntahan ko, unnie. Ikaw na bahala sa mga bata ah? Magdadala na lang ako ng pagkain mamayang gabi"
Dumalas pa ang pag-alis ni Dahyun hanggang sa minsan isang linggo syang hindi uuwi. I am already on my 7th month at mahirap na para sa akin ang mag-alaga ng tatlong bata.
Ayos lang sana dahil medyo malaki na si Areum at Drei ngunit ang bunso ni JB at Dahyun ang nagpapahirap sakin. Ang bigat bigat kasi ni Iseul at pag umiiyak, wala akong magawa kundi buhatin ito.
"Kailan po uuwi si umma?" Tanong ni Areum habang pinapakain ko sila ni Drei
"Hindi ko alam, Areum eh. Siguro bukas pag-gising mo nandito na si umma. Kaya kumain ka na at matulog ha?"
Hindi ko masabi kay JB ang ginagawa ni Dahyun na pag-iwan sa mga anak. Dahil pag dumadalaw naman si JB dito, tinitiyak ni Dahyun na nasa bahay siya. Siguro may sapat na rason si Dahyun para gawin ito.
"Oh bakit nagiimpake ka ng mga damit mo? Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Dahyun na inilalagay sa maleta ang mga damit
"Pasensya ka na, unnie ha? Hindi ko na kasi talaga kaya eh. Pakibigay na lang ito kay JB pagdating niya" Hindi ko na napigilan ang pag-alis nito
Ibig sabihin ba nito, sa akin maiiwan si Iseul at Areum?
----
"Kailan pa nangyayari ang pag-alis alis ni Dahyun?" Seryosong tanong ni JB
"Mga dalawang linggo pagkapanganak niya kay Iseul. Pasensya na JB hindi ko agad nasabi sayo"
"Ayos lang, Kassi. Pwede bang ikaw muna ang tumingin tingin sa mga bata? Magpapadala na lang ako ng magiging kasama niyo dito sa bahay para hindi ka mahirapan" tumayo na si JB at nagpunas ng luha. "Mauuna na ako, Kassi ha? May trabaho pa kasi ako. Ikaw na muna bahala sa kanila"
Tuluyan na ngang naghiwalay si JB at Dahyun. Hindi na ulit nagparamdam pa si Dahyun sa kanila. Hindi manlang nito binibisita ang mga anak at halos wala na akong maisagot kay Areum pag nagtatanong ito kung nasaan ang ina.
"Magkakaroon nanaman po ba tayo ng bagong baby sa bahay, unnie?" Tanong ni Areum ng makitang nag-aayos ako ng crib sa sala.
"Oo, Areum magkakaroon na tayo ng bagong baby sa bahay. Kaya dapat maging mabait na noona ka sa kanya ha?" Parang anak ko na rin kung ituring si Areum at Iseul. Hindi naman ito pinababayaan ng sustento ni JB at dumadalaw pa rin paminsan minsan.
"Kailan po siya lalabas unnie? Excited na po ako na lumaki sila ni Iseul! Tapos magsasalita na rin si Drei!" Napangiti na lang ako. Hindi na hinahanap ni Areum si Dahyun. Sabi sakin ni JB hindi daw talaga malapit ang bata sa ina dahil noon pa man lagi na itong iniiwan ni Dahyun mag-isa.
Mabilis lumipas ang panahon at nabalitaan ko na lang na nagkabalikan na si Junior at Halle. Good thing narealize na rin niya na si Halle talaga ang mahal niya.