Mine 34

1.5K 46 1
                                    

Mine 34
Kassi

Nakatulog ako kakaisip sa mga sinabi ni Jackson. Kung ano man ang dahilan ni Mark, tingin ko hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga ay ayos na kami ngayon at mas matatag.

5 am pa lang ay gumising na sila. Pahirapan pa nga kaya pinakiusapan ako ng manager nila na gisingin sila.

"Mark wake up! Maligo ka na!" Sigaw ko dito dahil kauna unahan siyang bumangon pero dumiretso naman sa sofa at dun nahiga.

Maya maya pa ay lumabas na ng kwarto si BamBam at humiga sa ibabaw ni Mark na nakadapa.

"Dapat pagbalik ko gising na kayo dyan" Pumunta na ako sa kusina para tulungan ang manager nila na magluto.

"Ang tagal niyo na rin pala ni Mark" Napalingon ako kay manager na nagluluto

"Ah, opo." Sagot ko at ngumiti

"Ilang taon na ba kayong magkarelasyon?"

"7 years na po"

"Kaya naman pala mahal na mahal ka. I have a favor to ask, Kassi. Alam mo namang busy ang got7 at wala ng oras maglinis ng bahay. Pwede bang ikaw na lang ang gumawa nun para sa kanila? Kung magka-issue man ulit kayo ni Mark, madali ng mareresolba. At paraan na din ito para magkasama kayong dalawa"

"Uhm, pag-iisipan ko po muna"

"Magandang oppurtunity din ito para sa inyo ni Mark. Alam mo naman na hindi pa sila pwede mag girlfriend in public. Hindi naman ako masamang tao para pigilan kayo. Gusto ko lang makatulong"

"Goodmorning noona!" Wow ang taas ng energy ni Junior

"Tumulong ka na sa paghahanda ng almusal para makaalis na tayo" manager

"Hyung naman bakit pinaglilinis mo ng kwarto si Kassi?!" Rinig kong sigaw ni Mark mula sa labas

Inaayos ko kasi ang mga pinaghigaan nilang lahat.

"Tapos na naman ako, Mark. Kumain ka na baka malate pa kayo"

-----

Nauna ako pumasok sa kotse ng got7 at after 10 minutes pa sila sumunod para hindi mahalata ng mga tao sa labas.

"Sayo ako uuwi mamaya baby ha?" Bulong ni Mark bago sila bumaba

Hinatid ako ng manager nila at halos hindi ako makapagsalita habang nasa byahe kami.

"Mag-iingat kayo ni Mark, Kassi. Mainit ang mata ng mga tao sa got7 ngayon" Manager

"Oppa hindi ka ba galit sakin dahil sa kumalat na balita dati?"

"Hindi dahil naiintindihan ko naman ang mga bata. Basta mag-iingat kayo at kung sakali mang may lumabas na balita nanaman sa inyo, desisyon niyo naman yan kung idedeny nyo"

Kaya kaya akong ipaglaban ni Mark kung sakali mang may balita nanaman tungkol sa aming dalawa? Kaya kaya niyang aminin sa lahat ng fans niya?

He's mine (Got7's Mark Tuan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon