Mine 45
KassiDito na namin napagdesisyunang magpalipas ng gabi at saka kami babyahe sa isang private resort na nirentahan ng manager ng got7 para sa kanila. Gusto daw kasi matry ng got7 na matulog ng payapa sa ibang lugar.
Ng bandang alas 4 ng umaga ay bumyahe nanaman kami. Halos lahat sila ay bagsak na maliban kay Junior na parang balak ata lusawin si Halle sa mga titig niya. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap ng matino ni Junior. Kahit na kating kati na ako ay pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Magkukunwari pa rin kayong nagshoshoot sa resort okay? Baka maghinala ang staffs ng resort pag nalaman nila na nirentahan natin ang resort para lang magsaya kayo at may mga babae pang kasama. Pwede naman kayo mag-enjoy ng bandang hapon dahil aalis ang staffs ng resort." Bilin ni manager bago kami bumaba.
"Grabe naman hyung!" Reklamo ni Jackson
Kasama ko nanaman sa kwarto si Halle. Kagabi nga pala ay hindi sa kwarto natulog si Halle. Napag-alaman ko din na solo ni Junior ang kwarto niya kaya malamang, magkasama silang natulog kagabi.
"Ano nanamang iniisip mo?" Tanong ni Mark habang tinutulungan akong bihisan si Drei
"Wala naman" sagot ko at ngumiti
"Naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan. May kasalanan din naman ako eh. Kaya matatanggap ko kung ano man ang gusto mong mangyari" wika nito at lumabas ng kwarto kasama si Drei
Nasa parang isang bahay kasi kami na may mga kwarto. Kaya malamang hanggang sala lang sila ni Drei dahil baka kapag lumabas sila, may makakita na staff.
Gaya ng napagkasunduan, nagshoot pa din kami kanina. Isasama daw nila sa ginagawang show ng got7. Para din daw hindi masayang ang footages. Masayang masaya naman ang members na nagshoot.
Bandang lunch ay umalis na ang staffs ng resort. Pinakain lang kami at aalis na daw sila. Binayaran din kasi ng management ito para daw sa privacy naman ng members.
"Magnight swimming tayo mamaya!" Suhestyon ni Bammy
"Sige! Gusto ko nga masubukan na magnight swimming kasama ang girlfriend ko pero wala naman akong gf" yugyeom
"Ang daya kasi eh! Sa susunod na outing natin magsasama na ko ng babae!" Jackson
"Oh Halle isama mo na daw si Thalia" JB na nagoonline shopping nanaman
"Hyung hanggang dito ba naman online shopping pa din?" Youngjae
"Puro pa pambabae yang binibili mo!" Junior
"Wala kayong pakialam" JB
"Alam mo konti na lang maghihinala na ako na may anak ka na din" wika ni BamBam na ikinaubo naman ni JB
"H-ha?! Na...nako wala! D-dyan na nga kayo!" Kumaripas ito ng takbo papasok ng kwarto na ikinatawa ng lahat.
"Napakadefensive naman nun" junior
"Hintayin na lang natin na ipakilala satin. Atleast hindi tayo clueless diba" mark
"Base naman sa mga pinamimili nya ay nasa 4 years old na ang bata. Ano kaya itsura at sino ang ina?" Youngjae
"Sino ba kaibigan ni JB hyung dyan simula pagkajejemon? Edi si Junior hyung! Malamang may alam yan" Yugyeom
"Wala akong kilala na naging girlfriend niya. Asawa meron pa" napatingin naman kami lahat sa sinabi ni Junior. "Wag nyo ko tignan ng ganyan! Wala kayong malalaman sakin. Tanungin nyo si hyung"
May asawa na si JB?
-----
"Naalala mo dati madalas din tayo magswimming nung nasa LA tayo tapos madalas din tayong nauuwi sa ganitong posisyon?" Tanong ni Mark
Nasa malalim na parte kami ng pool. Nasa harapan ko sya at nakayakap ako sa kanya mula sa likod. Hindi naman kami lulubog dahil may kinakapitan na bakal si Mark
"Oo naman. Naalala ko pa sabay pa tayo nag-aral magswimming nun"
"Sabay din tayo nalulunod hahahaha. Napakarami na nating pinagdaanan, Kassandra. Siguro naman hindi tayo basta basta magtatapos sa wala?" Humarap sakin si Mark. Umiiyak nanaman siya. "Kung may chance lang ako na bumalik sa nakaraan, pipiliin kong wag na lang mawalay sayo." Yumakap ito ng mahigpit at binaon ang mukha sa leeg ko. "Mas pipiliin kong mamuhay ng normal kasama ka. Kassi sorry..." lalo itong umiyak na para bang may nagawang kasalanan
"Bakit ka ba nagsosorry? Pangarap mo naman ang tinupad mo diba? Tahan na. Nandito na pa rin naman ako diba?" Umiling iling ito
"May nagawa ako, Kassi. At hindi ko alam kung mapapatawad mo ako pag nalaman mo kung ano yun. Hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako" niyakap ko na lang din ito at inalo alo.
Napatulog ko na si Drei at Mark. Oo kasama si Mark dahil panay ang iyak nito sa akin kanina. Hindi ko naman alam kung bakit sorry ito ng sorry.
Lumabas ako saglit upang magpahangin at isip isip. Pero parang mali ata ang desisyon ko. Nasa harapan ko kasi si junior. Tangka itong aalis sa kinauupuan ng pigilan ko ito at yakapin. Ang sarap sa pakiramdam..
"Junior, nahihirapan ako" bulong ko dito at nagbabadya ng tumulo ang luha ko. "Ang sakit sakit na" niyakap din ako nito ng mahigpit. Pakiramdam ko sasabog na ko sa sobrang nararamdaman ko. "Junior, nalilito ako...hindi na ako masaya" ngayon ay nakatingin na ako sa mata nito ng sabihin ko yun. "Junior gusto na ata kita" halatang nagulat ito sa sinabi ko.
Nagkatinginan kaming dalawa at parehong napangiti. Walang nagsasalita sa amin ngunit ang mga puso namin ang naguusap para sa amin. Unti unting bumaba ang mukha ni Junior upang halikan ako. Iba sa pakiramdam ang paghalik ni Junior sa akin kaysa sa paghalik ni Mark. Puno ng ingat at pagmamahal ko ding sinagot ang mga halik ni Junior. Sobrang saya ko sa nangyayari sa amin ngayon.
Lumayo si Junior sa akin at hinila ako papasok sa tinutuluyan naming bahay. At papasok sa kwarto na kanyang tinutulugan.
Duon namin ipinagpatuloy ang maling pagmamahalan namin. Ang pagmamahal na nagpabago ng lahat. Ang pagmamahal na lubos na nagpapasaya sa aming dalawa.
A/N.
So yung video ay yung shinoot nila kunwari. Hahahaha another update hihi.