Mine 52
Kassi"Gusto ko na magshopping ng mga gamit ng baby unnie!" Excited na wika ni Dahyun
"Alam niyo na ba ni JB ang gender ng baby?"
"Uhm unnie..."
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya
"Hindi ko pa talaga alam ang gender ng baby eh. Nagastos ko kasi yung bigay ni oppa. Pero sigurado naman ako na lalaki na ang anak namin" nakangiting wika nito
"Gusto mo bang magpaultrasound tayo ngayon? Para naman makasigurado tayo" Suhestyon ko rito
"Hindi na unnie! Ayos lang"
Pinabayaan ko na lang si Dahyun sa kagustuhang huwag malaman ang gender ng anak nila ni JB.
Days passed by at nahihirapan na rin kami ni Dahyun. We are both pregnant at hindi maiwasan na minsan umiinit ang ulo namin ng sabay. May mga araw rin na tamad na tamad kaming kumilos at nagtuturuan kami kung sino ang mag-aasikaso kay Areum at Drei na humahantong sa away namin.
"Pagpasensyahan mo na lang si Dahyun alam mo naman na manganganak na yun baka mastress pa" magkasama kami ni Junior ngayon sa dati naming tagpuan
"Eh alam naman niya na may anak rin akong inaasikaso gusto niya pati si Areum alagaan ko!" Nagmamaktol kong sumbong dito
"Syempre malaki na ang tiyan niya nahihirapan na siyang kumilos eh ikaw kaya mo pa naman. Iwasan niyo na lang na mag-away ni Dahyun"
"Ay nako basta ayoko muna umuwi ngayon baka lalo lang ako mainis sa kanya"
"Eh pano si Drei?"
"Di naman siguro papabayaan ni Dahyun si Drei."
Ilang minuto pa ang lumipas at nakatitig lang ako sa mukha ni Junior. Ang pogi pogi talaga niya! Magiging kamukha niya kaya ang anak namin?
"Bakit ganyan ka makatitig?" Naiilang na tanong nito
"Iniisip ko lang kung magigibg kamukha mo rin kaya ang anak natin" nakangiting sagot ko rito na nangpangiti rin sa kanya
Lumapit ito sa akin at itinapat ang mukha niya sa mukha ko na halos maduling na ako sa sobrang lapit.
"Titigan mo pa ako para maging kamukha ko talaga ang baby junyoung natin" nakangiting wika nito
"Junyoung?"
"Oo Junyoung magiging pangalan ng anak natin" sagot nito habang nakatingin sa tiyan ko
"Eh pano pag babae ang anak natin?"
"Basta nararamdaman ko lalaki yan. Junyoung ang pangalan niya"
"Syempre siya si Park Junyoung" nakangiti kong sagot sa kanya.
-----
It's already February at kabuwanan na ni Dahyun. Hinabaan ko na lang ang pasensya ko sa kanya dahil baka mapaano pa ang baby pag nag-away kami.
"Bakit ba panay lakad mo dyan nahihilo ako sayo ah!" Puna ko kay Dahyun na kanina pa paikot ikot sa sala at himas ng himas sa tiyan