Mine 46

1.3K 36 39
                                    

Mine 46
Kassi

I woke up with a smile plastered on my lips. I looked at the person beside me and caressed his face. His eyes opened and gave me a weak smile. Damn him for having those dimples!

"Napakasarap talaga gumising sa umaga kapag may nakahain ng pagkain pag-gising mo pa lang." Yugyeom

"Goodmorning noona!" Bammy

"Kumain na kayo dyan para makapag-swimming ulit tayo. Maya maya bubuksan yung wave pool" nakangiti kong wika sa kanya.

"Saan ka nga pala natulog kagabi, Kassi? Pinuntahan kita sa kwarto mo para sana makipagkwentuhan pero wala ka naman" Napatigil ako sa ginagawa kong pagliligpit ng pinagkainan dahil sa narinig.

"H-ha? Ah..nagpahangin kasi ako kagabi" tumingin ito sa akin ng matagal. Ang mga tingin nito ay parang sinasabi sa akin na may alam siya.

"Oo nga noona pumunta din kami ni Yugyeom sa kwarto mo kagabi para sana magpaluto pero wala ka. Si Mark hyung na lang tuloy inistorbo namin" Bammy

"Uh..sorry. Medyo napasarap kasi yung pagpapahangin ko kaya nakaidlip ako." Ngumiti na lang ako sa kanila at itinuloy ang paghuhugas ng pinggan.

----

Maraming nangyari sa isang linggong bakasyon namin. Hindi lang kami nagpunta sa mga waterpark kundi sa mga theme park din. Nagawa din naming lumabas sa gabi ng walang nakakakilala sa buong got7.

Balik na ulit sa schedule nila ang got7. Hindi na ako masyado dumadalaw sa dorm. Nagkikita na lang kami ni Mark pag may oras. At hanggang ngayon hindi pa din namin napaguusapan ang tungkol sa pagpapakasal namin. At kung iopen man niya ang topic tungkol doon, baka wala akong maisagot.

Kasalukuyan akong nag-luluto ng tanghalian ngayon dahil may espesyal na tao na dadating. Basta may oras at pagkakataon ay lagi niya aking pinupuntahan dito para dalawin kami ni Drei.

Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko at dumating na siya. Ngumiti muna kami sa isa't isa bago nagyakap. Iba talaga ang kabog ng dibdib ko

"Maupo ka muna dyan maghahain na ako" Nako naman 'tong tao na 'to kitang nagluluto ako panay ang yakap

"Naglalambing lang naman ako eh! Hindi na nga kita nakikita dahil sa schedule namin" pagmamaktol namin at umupo na sa harap ng lamesa

"Eh anong magagawa natin, sikat ka? Kumain ka na dyan. Tapos mag-uwi ka nitong mga niluto ko sa dorm sabihin mo kila Yugyeom pinadala ko. Baka kasi magtampo pag nalamang nagkita tayo"

Ang saya saya ko ngayon dahil kasama ko siya. Hindi man kami nag-uusap, dama ko din sa sarili ko na masaya din siya dahil magkasama kami.

"Alis tayo bukas?" Biglang tanong nito na ikinalingon ko

"Bakit naman bigla mong naisipang umalis bukas?" Kunot noong tanong ko dito

"Gusto ko lang mamasyal kasama ka. Yung tayong dalawa lang" halos mapatili ako ng ngumiti ito sa akin. Nakasandal ito sa sandalan ng sofa at nakalingon sakin. Perpektong perpekto ang mukha nito dahil sa pagngiti.

"Alam mo namang iba na ang sitwasyon ngayon diba?" Parang hinati-hati ang puso ko ng makitang bumalatay ang sakit sa mga mata nito.

Napaupo ito ng tuwid at nagsalita. "Oo nga pala, iba na ang sitwasyon ngayon. Aalis na ako" bago pa ako makapagsalita ay tumayo na ito at dinampot ang pagkaing inihanda ko para sa mga members at saka lumabas. Napasandal naman ako sa sofa dahil sa sobrang panghihina.

-----

"Oh noona!" Gulat na bati ni Youngjae ng makita ako sa labas ng dorm nila.

"Wala kayong schedule?" Tanong ko dito ng makapasok sa loob

"Wala kaming schedule ngayon dahil tapos na kaninang umaga. Akin na si Drei, noona" binigay ko naman agad dito si Drei at ibinaba ang mga pagkaing inihanda ko para sa kanila.

"Sabi na nandito ka noona eh! Naamoy ko yung pagkain!" Yugyeom

Isa isa ng naglabasan ang members mula sa kwarto. Ng makita niya ako ay nanlaki ang mata nito dahil sa gulat. Ngumiti lamang ako sa kanya at tumayo.

"Uhm, pwede ko ba iwan saglit si drei? May aasikasuhin lang ako na importante. Kukunin ko din siya manayang gabi o sa madaling araw" halos magdugo na ang mga labi ko sa kakakagat ko dahil sa nerbyos

"Oo naman noona! Enjoy lang!" Napabuga ako ng hangin at napangiti sa narinig.

Binilinan ko lang sila sa mga gagawin at umalis na rin. Nagpunta ako sa lugar kung saan kami nagkikita noon. Sa lugar na kami lang ang nakakaaalam. Agad ko naman itong tinext pagkadating ko doon.

Magkita tayo sa dating tagpuan. Hihintayin kita ;) ingat! :*

Pagkaraan ng isang oras ay dumating din ang taong hinihintay ko. Malamig pa din ang mga tinginging ipinupukol nito sa akin.

"Hindi kita matiis kaya gumawa ako ng paraan para magkita tayo. Sorry na please?" Kahit anong pagpapacute ko dito ay hindi ako nito pinapansin. "Uyyy! Sorry na nga eh! Ano ba gusto mo gawin ko mapatawad mo lang ako?" Halos mapaiyak ako sa kakatawa dahil nakanguso ito ngayon sa harapan ko. "Gusto mong halikan kita? Hahahahahaha!" Hindi pa rin ako natitigil sa kakatawa


Umirap ito sa akin at lumayo. "Tatanungin mo ako kung ano gusto ko para mapatawad ka tapos ngayong gusto ko ng kiss tatawanan mo lang ako? Wag na!" Lumayo pa ito sa akin at lalong naginarte.

Unti unti akong lumapit dito at tumingkayad. Agad kong hinawakan ang mukha nito at hinalikan. Sa una ay ayaw nitong sagutin ang mga halik ko ngunit sa kalaunan ay hindi na rin ito nakatiis.

Unti unti kaming dinala ng mga paa namin sa isang tent na itinayo namin noon. Pumasok kami doon at itinuloy ang aming halikan.

"Ang ganda ganda mo" bulong nito habang hinahalikan ako at unti unting tinatanggal ang damit ko.

Inumpisahan ko na ding tanggalin ang pagkakabutones ng polo niya at pilit na pumaibabaw sa kanya.

"I want to be on the top" bulong ko dito at kumindat.

"I'm all yours" binigyan nanaman ako nito ng isang ngiting nakakapanghina saka ako hinalikan ulit.

-----

Kasalukuyan akong nakatingin sa lalaking katabi ko. Kapwa kami walang saplot at magsisinungaling ako kapag sinabi kong wala kaming ginawa at walang nangyari sa amin.

Nakatingin lang din ito sa akin at nakangiti. Masayang masaya ako dahil nandito siya sa tabi ko. Nahahawakan, nahahalikan at nayayakap ko.

Umusod ito papalapit sa akin at niyakap ako. Nakita akong pumikit ito marahil ay inaantok.

"I love you, Kassandra Andrei" Inaantok nitong turan na nakapagpangiti sa akin.

"I love you too" Sagot ko kahit na alam kong hindi nito maririnig.

Hahaplusin ko na sana ang mukha ng taong katabi ko ng mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong inabot at sinagot. Ilang segundo pa nagsalita ang taong tumawag bago ako makasagot.

"Papunta na ako dyan, Mark."




-------
Hi guys more votes and comments please? Para naman ganahan ako magupdate. Hahahaha labyu guys

He's mine (Got7's Mark Tuan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon