Mine 48
KassiDahil gusto daw makabonding ni Mr. Liu si Drei, sinama niya ito sa office leaving me alone with Junior. May kanya kanya din kasing lakad ang mga step siblings ko lalo na ang half sister ko na si Harmony. She wants to be a singer in Korea pala and she wants Junior to help her audtion in JYP.
"What do you want to do today? Do you want to go shopping? Or we can just eat outside if you want. I'm not really familiar in this place but we can manage." Napatawa ako ng lingunin ko si Junior na nakanganga at halatang walang naintindihan kahit isa sa mga sinabi ko.
"Nakakalimutan mo nanaman na hindi si Mark-hyung ang kausap mo at napapaenglish ka dyan." Nagtatampong wika nito at tinalikuran ako.
Hindi pa rin ako tumigil sa katatawa dahil halatang may hinihintay itong gawin ko.
"Ano hindi mo ba talaga ako susundan?! Nakakainis ka naman nagtatampo ako!" Lumapit na ako dito at ikinulong ang mukha nito sa mga palad ko.
Ang gwapo ni Junior. Sobrang gwapo...
"Junior, listen to me. Iba ka, iba si Mark. Wag mo ikukumpara ang sarili mo sa kanya okay ba yun? I love you, Park Jin Young" i leaned closer and kissed him. I am very happy to have him here with me.
----
YugyeomBusy ang ibang hyung dahil sa kanya kanyang schedule. Kami ni Bammy nakatambay lang sa dorm at inutusan na maglinis. Nakakahiya na daw kasi kay Kassi-noona kasi siya lagi ang naglilinis ng dorm namin.
Inuna naming linisin ang kwarto ni Junior hyung.
"Wow himala iniwan ni hyung yung phone niya" Bammy
Dahil mga likas na chismoso kami, pinakialaman namin ang cellphone ni hyung. Sakto! May nagtext
From : Umma
Kailan ka ba pupunta dito? Miss ka na naminNagkatinginan kami ni Bammy sa nabasa.
"Akala ko ba nasa bahay ng parents niya si hyung?" Nagtatakang tanong ko
Lalo kaming nagulat ni Bammy ng makita ang mga text message ni hyung at Kassi-noona. Bakit ganito sila mag-usap?!
Agad din namin binuksan ang gallery ni hyung at puro picture din ni noona ang laman. May mga litrato din sila nung malaki pa ang tiyan ni noona hanggang sa bagong panganak ito.
So alam ni Junior hyung ang lahat ngunit hindi nito sinasabi kay Mark-hyung? At may relasyon ba ang dalawa base sa mga litrato nito ng magkasama at mga sweet text messages nito?
"Yugyeom sabihin mo sakin na mali yung nakita natin" hindi rin makapaniwala si Bammy sa nakita.
"Bakit naman lolokohin ni noona si hyung? Eh alam natin na mahal na mahal ni noona si hyung! Sumunod nga si noona dito para magkasama sila eh" Ayokong paniwalaan yung nakita ko. Ayokong tanggapin ang katotohanan na baka nga may relasyon sila. Gusto ko si noona para kay mark-hyung at para kay mark hyung lang.
"Bakit naman si junior hyung pa..."
Naiinggit ako kay mark hyung dahil sa sobrang pagmamahal ni noona kay hyung hindi pa rin siya iniiwan ni noona. Gusto ko si noona para kay mark hyung at kay mark hyung lang. Ayokong madungisan ang magandang imahe niya sa akin dahil lang sa nagawa niya. Alam kong may malalim na dahilan kung bakit nila ginagawa 'to.
"Dapat ba natin sabihin kay hyung yung nalaman natin?" Bammy
"Mas mabuti sigurong huwag muna. Kausapin na lang natin si Kassi at Junior hyung pagbalik nila dahil paniguradong magkasama sila ngayon."