Mine 43

1.4K 46 4
                                    

Mine 43
Kassi

Sa araw araw na pagtakas ko para pumunta sa dorm ng got7, ramdam ko na iniiwasan ako ni Junior. Alam ko naman na dapat ng kalimutan ang mga nangyari sa amin pero hindi ko talaga kaya na hindi kami nag-uusap. Nasanay na ako na lagi kami naguusap kaya ngayong umiiwas siya, parang hindi ko ata kaya.

"Magbakasyon naman tayo, hyung! Isama natin si Drei para masaya!" Suhestyon ni bambam

"Sige pero kailangan muna natin magpaalam kay ceo at manager dahil baka madami pa tayong trabaho" JB

Dahil wala naman masyadong trabaho ang got7 ngayon, pinayagan sila na magbakasyon kahit isang linggo lang. Napagdesisyonan din namin na sa malapit lang pumunta para mas marami kaming oras na nagsasaya kesa bumabyahe.

Sa mga water park nila gusto pumunta kaya agad naman kaming naghanap ng magagandang water park sa malapit lang.

"Nako noona bawal ka mag-bikini dun!" Yugyeom na halatang excited na sa pag-alis namin bukas

"Oo nga noona yari tayo kay hyung!" Bambam

"Mas maganda sana kung mag-grocery na tayo ng mga kailangan natin para bukas" JB

"Nako hyung nagsha-shopping ka nanaman ng pambabaeng damit?! Hyung bakla ka ba?!" Yugyeom

"Siraulo! Layuan mo na nga lang ako" JB

"Aalis muna ako" napatingin kami lahat kay Junior na tumayo. "Babalik na lang ako mamayang gabi para mag-ayos ng gamit" wala ng nakapagsalita ng lumabas sya ng pinto.

"Nako pupunta nanaman kay Halle yan!" Jackson

"Oh bakit di mo sundan? Diba nababaliw ka dun sa kaibigan ni Halle? Ano pangalan nun?" Youngjae

"Nako hyung di rin alam ni Jackson hyung yung pangalan nung babae! Pero baliw na baliw sya dun lagi sinusundan!" Bambam

"Ang mabuti pa ayusin na lang natin yung mga dadalin bukas. Wag kayo mag-alala sagot ko na lahat" naghiyawan naman ang lahat dahil sa sinabi ni Mark. Napangiti na lang din ako.

Buo na kami pero bakit parang hindi ako masaya?

------

Yugyeom

Nasa grocery kami ngayon kasama si noona. Syempre naka-disguise kami ni Bambam kasi baka makita pa kami ng fans. Sanay na din kami sa mga ganito ni Bambam lalo na pag gusto namin lumabas. Para makipagdate hahaha.

Hindi alam nila hyung na lagi kami lumalabas ni Bambam para makipagdate. Syempre si Bammy kay Crissa-noona at ako naman secret! Hindi naman talaga date ang tawag dun kasi lagi nya lang naman ako pinipilit. Aba dahil nabuburyo din ako sa bahay, sumasama na ako. Libre naman nya eh!

"Noona ibili mo naman kami ng ice cream!" Bammy

"Sige kumuha na kayo dyan sagot naman ni Mark lahat" sagot ni noona na busy sa pagkuha ng mga kailangan namin.

Ang swerte ni Mark hyung kay noona kasi maganda, sexy, matalino at mabait. Masarap pa mag-alaga! Simula kasi ng bumalik dito sa Korea si noona, tuwing uuwi kami sa dorm galing schedule, may pagkain na kami agad. Pag naman may practice kami, magpapadala sya ng pagkain para sa amin.

Naglakad na kami ni Bammy para maghanap ng ice cream ng may mahagip ang paningin ko. Hindi ko na pinansin si Bammy na salita ng salita sa harap ko at lumapit dun sa nakita ko.

Teka si ano to ah? Bakit may kasama syang iba?

Parang may kung anong sumakit sa dibdib ko kaya napahawak ako dito. Akala ko ba ako yung gusto nya?



---
A/N

Hi guys for the nth time I'm sorry for the slow update. I don't know kahit naman inspired ako parang wala akong gana magtype haha. Maybe because wala ako masyado natatanggap na feedback galing sa inyo. Never ako nanghingi ng votes and comments galing sa inyo and I think pwede naman ako manghingi diba? I wanted to know what you guys think. Don't worry itutuloy ko pa din to kahit di kyo magvote and comment. Gusto ko lang talaga malaman mga reaction nyo :)

He's mine (Got7's Mark Tuan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon