Mine 21

1.6K 46 3
                                    

Mine 21
Kassi

"How's the issue?" Tanong ko kay Mark sa skype

"Okay na medyo wala na dahil sa comeback namin" Nag-papatuyo ito ng buhok sa harapan ko. "Ikaw kamusta ka na? Ayaw mo na ba mag-aral? Balita ko tambay ka dyan ah?"

Dalawang buwan na mula ng bumalik sila ng Korea. Masaya naman ako dahil wala na ang issue tungkol saming dalawa at marami pa rin na fans na nagmamahal at sumusuporta sa buong grupo.

"Gusto mo after ng promotions namin umuwi muna ako dyan kahit isang linggo lang?" Tanong nito na nakapag-pagulat sakin

"Wag!" Tanggi ko dito

"Ayaw mo ba akong makita?" Nagtatampong tanong nito

"Magpahinga ka na lang dyan ha? Magkita na lang tayo pag pumunta ako ng Korea"

"Kailan ka ba pupunta dito? Diba sabi mo mag-uusap muna kayo ng daddy mo?"

"Oo basta magkikita din tayo" ngumiti na lang ako sa kanya

"Ayaw mo ba munang ipagpatuloy ang pag-aaral mo? Balita ko tambay ka ha?" Natatawang tanong nito

"Tinatamad pa ako mag-aral feeling ko wala ng space yung utak ko sa dami ng nangyari" nataw ito lalo sa sagot ko

"Halos matatapos ka na tatamarin ka pa? Dahil pa rin ba 'to sa issue?"

"Ano ka ba tapos na yun! Gusto ko lang talaga magpahinga"

"Kakapahinga mo baby tumataba ka" halos nailuwa ko ang kinakain kong cereal dahil sa sinabi nito. "Puro ka kain tapos wala kang ginawa kundi mahiga."

"A-ayaw mo ba sa mataba?" Nakayukong tanong ko dito. Napakagat labi ako habang hininihintay ang sagot nito

"Fat or sexy, you're still mine." Napatingin ako rito. "Cheer up, baby! Ikaw lang naman ang iniisip ko kasi diba ayaw mo tumaba?" Napangiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

-----

"Gusto daw umuwi ni Mark ha?" Tanong sakin ni Mama habang naglilinis siya sa kusina

"Oo nga po, mama. Pero napigilan ko naman. Okay lang naman po diba?" Tanong ko dito habang umiinom ng gatas at choco

"Ayos lang naman saakin dahil makikita naman namin siya sa susunod na linggo para sa sa concert nila" Mama

"Mama ikaw na bahala magdahilan kung bakit hindi ako makakasama ha?"

"Oo naman basta mag-iingat ka lang dito. Ano bang gusto mong pasalubong?"

"Ramen at Kimchi, mama" ngumiti na lamang ito.

Nakagawian ko na na bago matulog, kukuhanan ko ng litrato ang sarili ko. Hindi ko naman ipopost sa kung saan. Remembrance lang habang tambay pa ako.

He's mine (Got7's Mark Tuan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon