Mine 57
KassiWe spend our second day in Hong Kong with Mark. And it was a blast
"Kailan ka ba babalik sa LA, Mark?" Mama
"2 weeks pa po, mama tapos magkakaroon kami ng break. Pupunta agad ako ng LA, ma. Namimiss ko na si Drei"
"Eh si Junior ba hindi dadalawin ang anak niya?" Papa
"Magulo po ang buhay ni Junior ngayon eh. Pero lagi niya rin nababanggit si Drew. Dadalaw daw siya pag okay na ang lahat"
"Nako may problema ba si Junior?" Mama
"Nako ma tungkol lang sa kanila ni Halle. Nothing to worry about"
"I thought okay na sila ni Halle?" Tam
"Akala din namin okay sila eh. Parang si JB at Dahyun lang yan papa. Magulo"
"Dahyun? Parang faniliar yung pangalan niya ah" Tammy
"Magdedebut na siya sa Twice" sagot naman na ikinagulat ko
"Twice?! Yung bagong grupo na ilalabas ni JYP?" Naguguluhang tanong ko
"Oo. Kaya nga nasasaktan si JB pag nagkakasalubong sila sa agency eh"
Grabe talagang tinupad ni Dahyun ang pangarap niyang maging idol. Napagkwentuhan namin ni Dahyun na simula maging idol si JB, gusto na rin niyang maging idol. Nagseselos daw kasi siya sa mga babaeng ipinapareha dito.
"Teka sino ba yang dahyun na yan?" Mama
"Yung asawa po ni JB" sagot ko
Nagpatuloy pa ang pagtatanong nila tungkol kay Dahyun at JB. Hindi pala nila alam na may asawa at mga anak si JB. At lalo silang nagulat ng malaman na underage pa si Dahyun.
After two weeks
Two weeks na ang nakalipas simula ng bumalik kami sa Korea galing Hong Kong para sa concert nila. At mamayang gabi ang ineexpect namin na arrival ni Mark dito sa LA para sa bakasyon niya.
"Nako ma'am sigurado ba kayo hindi niyo kami kailangan ngayong araw?" Tanong ng isa sa mga katulong ko sa bahay
"Oo naman. Tulog na naman sila habang bumabyahe panigurado eh"
First time kong magdadrive ng walang kasamang katulong ang mga bata. Pero dahil sa Tuans naman kami magistay, alam ko namang kakayanin ko.
Sa airport na kami maghihintay para sa arrival ni Mark. Hindi nito sinabi kung may isasama itong kamember dahil gusto din ng mga ito na makita ang kanya kanyang pamilya.
Pagdating ko sa parking lot ng airport, hindi ko na inisip kung paano ko ibababa ang mga bata dahil hinihintay na ako ni Joey dun.
"30 minutes pa bago ang arrival ni Mark. Excited ka na ba? Ito ang unang beses na magtatagal si Mark sa LA pagkatapos niya maging idol" Joey
Nagexpire na ang kontrata ni Mark sa JYP at pinagiisipan pa daw nito kung pipirma pa siya para sa contract renewal o hindi na. At habang wala pa siyang sagot, malaya siyang pumunta sa LA para magbakasyon.
"Tingin mo pipirma pa si Mark?" Tanong ko kay Joey ng naglalakad kami papasok ng airport
"Sabi niya sakin ayaw na daw niya eh ipagpapatuloy niya na lang daw ang pag-aaral niya. At magpofocus muna siya kay Drei"
Halos isang oras kami naghintay sa paglabas ni Mark. At hindi naman kami nabigo ng lumabas ito at nakangiti. Lalo itong pumogi dahil wala itong makeup. Nagbalik na ang Mark na minahal ko dati. Ang Mark na lagi kong kasama noon. Ang Mark na lubos na nagpapasaya sa akin.