Mine 51
Kassi"Ayos ka ba ba? Sorry sa ginawa ni Tam, ha? Huwag ka mag-alala bukas magpapabook na ako ng flight pabalik ng Korea" hindi ko sinagot si Mark at nakatulala lang
"Hyung dito na lang kami makikitulog sa kwarto nyo" pumasok bigla si Jackson kasunod ang ibang members.
Hindi na sila napigilan ni Mark ng maglatag sila sa sahig.
"Mark nakausap ko na si Dahyun pwede magstay dun si Kassi kasama siya habang buntis siya. Atleast may katulong siya mag-alaga kay Drei." JB
"Pano yan diba manganganak na si noona, hyung? Edi parang si kassi-noona ang tutulong sa kanya" Bammy
"Ayos lang sakin" pag-sang ayon ko.
Kinabukasan ay maagang nagpabook ng flight si Mark para sa amin. Tutol man ang mga magulang niya sa maaga naming pag-alis, wala pa rin silang nagawa.
"Sana maayos niyo na ni Tammy ang alitan niyo, Mark. Hindi maganda sa magkapatid ang nag-aaway." Paalala ni Papa ng ihatid kami sa airport. "Alagaan mo ang sarili mo, Kass. Wala kami dyan ng mama mo pero tawagin mo pa rin kami kung may kailangan ka"
----
"Sigurado ka bang ayos lang sayo na magstay kila Dahyun?" Tanong ni Mark habang nasa byahe kami papunta kila Dahyun.
"Oo naman. Mas maganda nga yun may makakasama ako eh"
Maganda ang apartment na kinuha ni JB para kay Dahyun. Unang beses pa lang pala makikilala ng grupo si Dahyun bilang asawa ni JB kahit na nakita na nila ito noon ng maging lead ito sa music video nila. Wala raw silang kaalam alam noon na ito pala ang kinakasama ni JB.
"Mahal!" Bungad ni Dahyun ng buksan niya ang pintuan nila.
Ang bata pa pala ni Dahyun at ang bilog na ng tiyan. Sabi ni JB ay kabwanan na raw nito sa susunod na buwan.
"Mahal ang buong got7 nga pala. Tapos ito si Kassi, girlfriend ni Mark. At si drei ang anak nila" Pakilala ni JB sa amin habang todo yakap kay dahyun
"Ang saya may kalaro na si Areum!" Mukhang bibong bata itong si Dahyun at may mataas na mararating kung hindi lang binuntis ng maaga ni JB.
"Hyung naman makayakap! Wala kaming partner oh!" Reklamo ni Youngjae
"Nako Dahyun hindi ka ba nagsisisi at pinatulan mo si JB hyung? Aba dalawa agad oh! Balak niyo ba paramihin lahi niyo?" Jackson
"Ayoko sagutin baka masaktan ang mahal ko hahahaha" Grabe ang cute cute ni Dahyun! At halatang mahal na mahal siya ni JB base sa mga kilos nito.
Maya maya pa ay may isang magandang bata na lumabas galing sa kwarto. Ito na ata ang anak ni JB at Dahyun
"Appppaaaa!!" Sigaw nito at agad na tumakbo at tumalon papunta kay JB.
"Prinsesa ko, miss na miss mo ba ako?" Grabe ang sarap nila tignan. Ang saya saya ng pamilya nila.
"Appa sino sila?" At tinuro ang got7
"Sila yung mga kagrupo ko, anak. Diba alam mo yung got7? Kami yun anak. Si Mark, Jackson, Junior, Youngjae, BamBam at Yugyeom. Ito naman si Kassi ang girlfriend ni Mark at ito si Drei anak nila" Ngumiti naman si Areum sa amin at ang ganda ganda niya! Maliit rin ang mga mata nito na halata namang nakuha kay JB at Dahyun. Mataba rin ang pisngi nito na ang sarap sarap pisilin.
---
"Pasensya na kayo hindi ako marunong magluto ha? Lagi kasi si oppa ang nagpeprepare ng kakainin namin at puro reheat lang kami" panghihingi ng pasensya ni Dahyun ng ipaghanda niya kami ng mga pagkain na bili sa kalapit na restaurant. "Wala na rin kasi kaming stock dahil hindi nag-grocery si oppa this week"
"Nako hyung kasalanan mo pala eh!" Natatawang sisi rito ni Yugyeom
"Hoy baka gusto mong sa labas kumain? Dami mong reklamo dyan! Mamaya mahal maggo-grocery ako para may stocks kayo ni Kassi dito."
"Ay unnie ako na dyan" pagpigil sakin ni Dahyun ng makitang nililigpit ko ang pinagkainan namin
"Nako ako na ayos lang naman. Ang laki na ng tiyan mo dapat nagpapahinga ka na lang"
"Kaya ko pa naman eh. Tsaka excercise ma rin 'to para hindi ako mahirapan manganak. Kay Areum kasi nahirapan ako dahil premature baby. Ikaw unni ilang buwan na yang tiyan mo?"
"Uhm, hindi ako sigurado eh. Hindi pa kasi ako nagpapacheck"
"Ay feeling ko around 4 months na yang baby niyo ni Mark-hyung. Ay unni wag mo pansinin kung bakit hyung tawag ko kay Mark at hindi oppa ah? Kasi gusto ko si JB oppa lang ang tinatawag ko na oppa" Nakangiting wika nito
"Mahal na mahal mo talaga si JB?" Hindi ko maiwasang tanong
"Oo naman unnie no! Kaya nga siya pa rin ang ama ng pangalawang anak ko. Ay unnie sama ka sakin next week sa check up ko para malaman din natin kung ilang months ka na"
Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa sinabi ni Dahyun. Hindi ba ganun katibay ang pagmamahal ko kay Mark kaya hindi siya ang ama ng pangalawang anak ko?
----
"Sabi sayo noona, four months na yang tiyan mo eh!" Pauwi na kami ni Dahyun ngayon galing check up at iniwan lang namin ang mga bata sa pangangalaga ng kaibigan nito na binabayaran niya tuwing kailangan niya umalis.
Four months na ang tiyan ko ibig sabihin unang beses pa lang naman ginawa iyon ni Junior, nagbunga na agad.
----
A/N
Hi guys belated Happy New Year! I have a gift pero tom na lang hihibels. Iloveyou guys! So muuuch! Feedbacks please?
Mwaaaah :*
Votes and comments ;)