Mine 33

1.5K 47 6
                                    

Mine 33
Kassi

"You should eat and stop staring at me" sita ko kay Mark na nakatingin lang sa akin

"Maumay ka hyung" BamBam

"Wag ka makialam dyan" Junior

"I still can't believe you're here" Parang timang talaga 'tong si Mark

"Wag ka bumanat ng english di namin maintindihan" JB

Ngumiti na lang ako at kumain. Bahala ka dyan, Mark.


"Noona mas maganda sana kung dito ka muna magstay. Marami ng fans sa labas ng ganitong oras kasi madalas may schedule kami ng madaling araw" Yugyeom

"Oo nga, noona. Bukas ng maaga ka na lang umuwi. Isasabay ka namin kasi may schedule kami ng 8 am" Youngjae

"Parang nakakahiya naman yun kasi puro kayo lalaki tapos pag may nakakita nanaman sakin, panibagong balita yun" Syempre kailangan ko ng mag-ingat. Ayoko ng maulit yung nangyari dati


"Yun na nga noona kaya maaga ka na lang aalis bukas. Para na rin makapagkwentuhan tayo!" BamBam

"At sa itsura ni Mark mukhang hindi ka na talaga pauuwiin niyan" JB at nginuso si Mark na parang ahas kung makalingkis sa akin


"Bukas dun na lang ako didiretso sa apartment mo tulad ng dati" Bulong ni Mark

"Tatakas ka nanaman?! Tapos kami nanaman lagot kay manager hyung?!" BamBam

"Parang hindi kita pinagtatakpan pag umaalis ka kasama si noo---" bago pa matapos ni Mark ang sasabihan ay napigilan na siya ni BamBam

"Sabi ko nga ako na bahala hyung eh kulit mo talaga"

Napangiti na lang ako. Alam ko na kasi ang ibig sabihin nila.

Sinabi na ni Crissa sakin ang relasyon nila ni BamBam. Masagwa man tignan dahil sa edad nila ay nakakatuwa pa ring isipin dahil ang batang si BamBam, patay na patay kay Crissa.

----

"Wala akong damit paano ko magbibihis?" Tanong ko kay Mark ng utusan ako nitong maligo


Napakamot ito sa ulo na ipinagtaka ko. Anong problema nito?

"Baby kasi ano... bago ako umalis sa LA nagnakaw ako ng damit mo para pag namimiss kita aamuyin ko lang yun" Mabilis na saad nito at yumuko


"Hahahaha sabi na hyung damit ni noona yung idinadamit mo sa unan mo at niyayakap gabi gabi eh!" Pang-aasar ni Jackson dito na nagtotoothbrush sa banyo

"Heh tumahimik ka akala mo di mo gawain?! Dali na baby ligo na" itinulak ako nito papasok at saka hinila si jackson palabas na hindi pa tapos sa ginagawa

"Teka hyung nagsisipilyo pa 'ko eh! Sabi sakin ng mommy ko wag daw ako matulog ng di nagsisipilyo!" Halos matawa ako ng makitang nagiinarte si Jackson. Ang cute!

"May lababo naman dun ka" Pinalabas na ni Mark si Jackson at lumapit sakin. "Bilisan mo lang maligo ha? Mamimiss kita" Ani nito bago ako halikan.

Bakit ba napakasweet mo?!

-----

Patay na ang mga ilaw at nakahiga na kaming lahat. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Mark at Jackson.

Si Mark nasa tabi ko at tulog na tulog na. Nakayakap pa nga ang loko! Si Jackson, busy nanaman sa cellphone niya.

Gusto pa nga ni Jackson na sa ibang kwarto na lang lumipat pero sabi ko ayos lang kahit kasama namin siya. Aba dapat safe na baka gapangin pa ako ni Mark! Hahahaha

"Noona sigurado ka ayos lang na nandito ako?" Tanong ni Jackson pero sa cellphone pa rin nakatingin

"Oo naman no. Ako nga ang dapat mahiya. And besides protection na rin kay Mark hahaha alam mo na" natawa rin ito sa sinabi ko


"Noona alam mo mahal na mahal ka ni hyung. Kaya sana wag kang bibitaw kasi handa siyang ipaglaban ka sa lahat. Hindi na siya tulad ng dati. At kung ano man ang rason ni hyung kung bakit ka niya iniwan noon, sana matanggap mo at patawarin mo siya. Lalaki lang kami noona, nagkakamali at nalilito rin. Pero tapos na yun at alam ko na..naming lahat na ikaw talaga ang mahal ni hyung. Noona, sana mapatawad mo din ako sa nagawa ko" Gustuhin ko mang tanungin si Jackson kung bakit siya humihingi ng tawad ay nahiya na ako.


Mukhang tulog na kasi ito at ayaw paistorbo. Ano nga bang dahilan kung bakit iniwan ako ni Mark noon?

He's mine (Got7's Mark Tuan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon