Mine 44
Kassi2 am pa lang ay gising na ako upang ayusin ang mga dadalhin namin mamaya. Plano kasi namin na 4 am kami aalis dito para wala masyado makakita sa amin. Dito na rin ako natulog sa dorm nila dahil tinulungan ko sila ayusin ang mga gagamitin.
Dun ako sa kwarto ni Mark at Jackson natulog kasama si Andrei. Si Jackson ay sa kwarto ni Junior natulog dahil hindi naman ito umuwi kagabi. Mukha namang hindi nag-aalala sila JB dahil madalas naman daw itong gawin ni Junior. Umuuwi naman daw ito sa umaga.
Kasalukuyan akong nagluluto ng agahan ng may narinig akong bumukas na pinto. Hindi ko na lang pinansin dahil baka ang manager lang nila ang pumasok.
"Pakisabi kila JB hyung gisingin na lang ako pag paalis na tayo tutal ayos na naman ang gamit ko. Iidlip muna ako saglit" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na ito ng kwarto. Si Junior!
Agad kong tinapos ang niluluto ko at ginising ang got7. Well got6 kasi matutulog daw muna si Junior. Huli kong pinuntahan ang kwarto nila Mark. Lumipat na pala uli dito si Jackson. Nakahiga na kasi ito sa kutson nito habang si Mark naman ay tulog din. Ang cute nila tignan ni Drei kasi natutulog si Drei sa likod nya. At pareho pa silang nakadapa!
"Baby, wake up. Breakfast is ready" bulong ko dito dahil baka magising si Jackson at Drei
Umungol lang ito at niyakap ako. Na siya namang nakita ni Jackson pagdilat nito.
"Oo na noona sa sala na ko matutulog hahaha." Tumayo na ito
"Breakfast is ready na you eat na para mauna ka na maligo sa iba. It's 2:30 in the morning" ngumiti na lang ito sa akin
"Baby alisin mo muna si Drei sa likod ko I wanna cuddle you" malambing na wika ni Mark at ngumiti sa akin habang nakapikit
Inalis ko naman si Drei sa likod nya at inayos ng higa sa tabi nya. Pagkaalis ko naman ay agad na dumagan si Mark sakin at yumakap. Oh damn I missed this. I missed my sweet baby
"Baby I love you so much" bulong nito. "I know that something is wrong but always remember that I love you so so much. I love you and Drei" I just smiled at him and caress his hair. "Please don't ever leave me"
----
"Noona dito ka na nga lang tumira para lagi kami may pagkain!" Yugyeom na busy sa pagkain
"Hindi ko ba kayo pinapakain?!" Manager
"Eh hyung iba pag alaga ka ng babae!" Bambam
"Lalo na pag mas matanda no?" Pang-aasar ni JB kay Bammy. Parang may alam ata si JB?
"Oo tapos kakantahan mo gabi gabi no? Noona you're so pretty~~~" dagdag pa ni Jackson
"Wag nyo na nga ipaalala yan! Bata pa ako nun" naiinis na wika ni Bammy
"Hoy ano yan?!" Manager
"Wala po!" Got7
Pagkatapos kumain ay nagkanya kanyang ligo at ayos na sila. Dahil kanina pa ako naligo, nagbihis na lang ako. Nalinis ko na din ang kusina sa kakahintay sa kanila. At saktong 3:30, naisipan ko ng gisingin si Junior.
Dahil kailangan muna dumaan sa kwarto nila BamBam at Yugyeom bago makapunta sa kwarto ni Junior, no choice ako.
"Uy noona gigisingin mo na ba si Junior hyung? Nako noona kanina pa gising! May katelebabad lang. Palabas na din yun" pigil sakin ni Yugyeom ng akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Junior.