Chapter 31

26 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 31:
"REMINISCE: THE TASTE"


This is awkward.

Patuloy kaming dalawa sa paglalakad patungo sa bahay ko. Ayaw kong ihatid niya ako pero natatakot ako na baka may mangyari sa akin gaya nung nangyari kanina.

Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa madilim na daan pero binuksan naming dalawa ang mga flashlights sa aming mga phones kaya okay na. Naging mas okay ang paligid dahil bukod sa ilaw, kasama ko siya kaya napawi ang takot sa aking sistema. Ayaw ko na nandito siya, pero wala akong choice. Mas piliin ko na lang na may tao sa paligid ko (kahit yung pinakaayaw kong tao sa buong mundo) kaysa maglakad ako mag-isa sa isang madilim na daan. And as we walked, I realized na kahit may times na annoying siya, having him company isn't bad.

Tumingin ako sa kaniya at nakitang seryoso siya mixed with anger dahil kanina. Natakot akong kausapin siya dahil baka ikagagalit niya lalo or maybe he'll nag me for being so stubborn. But above all, nagguilty ako. Hindi ko siya pinakinggan dahil sa kagustuhan ko, sa babaw na rason kong ayaw kong makita siya ng pamilya ko at sa fact na galit na galit ako sa kaniya.

Nahiya na akong i-approach siya para magpasalamat dahil sa... concern niya or mag-sorry man lang dahil hindi ako nakinig sa kaniya.

I was about to approach him pero huli na ang lahat nang makita ko ang bahay namin.

"D-Diyan lang ang bahay ko." Sabi ko sa kaniya sabay turo sa bahay namin.

"Sige. Pasok ka na. I'll leave once you enter." Sagot niya.

Teka. Hindi ba siya papasok?

Napalunok ako at naglakas-loob na tanungin siya. "H-hindi ka papasok? Para at least... Uhm, magkape man lang?" Hiyang tanong ko sa kaniya, making excuses for me to at least thank him for escorting me home.

Umiiling siya. "We had an agreement, remember?"

Ay, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan.

"A-ay oo nga pala. So, paano ka makakauwi?" Tanong ko.

"Simple. I'll just walk my way back." Maikling sagot niya.

Natigilan ako. "Sure ka ba? Hindi ba natatakot na baka naghihintay sa'yo ang mga lasinggerong 'yon?" Alalang tanong ko sa kaniya. Pagkatapos sa nangyari kanina, natatakot na akong dumaan doon, lalo na sa gabi. At ngayon na babalik siya, posibleng ma-encounter niya ulit ang mga lasinggero. Nakakatakot yung nangyari kanina, pero mas natatakot ako para kay Leo.

Ngumisi siya at nilapitan ako. Sa hindi ko inaasahan, malambot niyang hinahaplos ang aking pisngi. "Don't worry, they don't mean any harm. And if I got myself into trouble, I can handle the situation myself. I won't die, my princess, I promise." Sagot niya at lumayo sa akin.

Kahit dumistansya na siya, ang bilis ng tibok ng puso na para bang ilang minuto na lang, magkaheart-attack ako. This fast heartbeat, reminds me of my past, when I used to be so in love with him.

Bumalik ka nga sa reyalidad, MJ! Remember when you said na hindi ka na ma-iinlove sa kaniya? Well, panindigan mo 'yan!

"Go to bed immediately once you get inside, okay?" Sabi niya at tumango naman ako.

"Sige."

"Good night. I love you." He whispered before leaving.

"Bye." Hinang sabi ko and he said that to me too bago siya naglakad pauwi patungo sa sasakyan niya na pinarada malapit sa highway

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon