Chapter 1

62 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 1:
"HOW IT ALL STARTED"

*Few years ago... (August 25, 2007)*

"MJ, dali!" Sigaw sa akin ng aking kaibigan nang hilahin niya ako papunta sa mga taong pumila sa labas hanggang sa entrance hallway sa ground floor. Ang bilis tumakbo ni Luna nang hilahin niya ako kaya ako'y napagod at hindi nakapagtakbo ng maayos.

"Maghinay-hinay ka nga. Alam mong hindi ako mabilis tumakbo." Hingal na sabi ko at sinubukang tumakbo ng maayos ngunit mabilis talagang tumakbo si Luna dahilan para madapa ako.

Swerteng hindi ako nasugat kasi naka pants ako ngayon at t-shirt. May dumi ang t-shirt at bag ko pero okay lang yun kasi hindi iyon putik tsaka mabilis naman matanggal. Agad akong tumayo at nilinis ang t-shirt ko gamit ang aking mga kamay.

"Hay naku, ang reckless mo naman. Sa susunod kasi, maghinay-hinay ka." Sabi niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya, nanlaki ang aking mga mata.

"HAH!" Singhal ko.

A-anong-

"Anong-ako nga ang dapat magsabi sa'yo niyan. Ikaw kaya yung biglang nanghila sakin tapos mabilis ka din tumakbo kaya ako nadapa. Ikaw dapat yung maghinay-hinay." Singhal ko sa kaniya at naglakad patungo sa mataas na pila.

Mainit ang lugar dahil wala masyadong kahoy sa loob ng school campus. May mga kahoy sa paligid ngunit matatagpuan lang ito sa labas ng bakod at mga maliliit pa iyon. Ang ibang mga studyante sa paligid ay namamaypay at ang iba naman ay nagpasilong gamit ang kanilang mga dalang bag at payong habang kausap ang kanilang mga kasama

Pumunta kami sa likod ng pila. "Ugh! It's so hot." Maarteng reklamo ni Luna habang pinaypay ang sarili niyang mukha gamit ang kaniyang kamay.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Pinatong ko ang sling bag sa ibabaw ng aking ulo para hindi mainitan ang mukha ko. "Ang init nga ngayon. Gusto ko ng ice cream." Sabi ko.

"Ako din." Sabi ni Luna.

"Mamaya na lang tayo kakain pagkatapos sa session."

"Libre mo?"

"Ililibre mo na lang ako."

"Eh bakit ako? Akala ko gusto mo din ng ice cream."

"Sinabi ko bang bibili ako?"

"Anak ng-! MJ."

"Ikaw na lang. Konti lang pera ko e."

Patuloy kami sa pagtatampo hanggang sa natalo ako.

Tumawa ako. "Sige na. Libre mo na."

"Anak ng-Jading!"

"Sige na, sige na. Hayst" Sabi ko na lang at bumuntong-hininga pa.

***

Ilang minuto ang nakalipas ngunit wala pa din si Jheniyah na matagal na naming hinihintay. Naging mas mainit ang panahon kaya pinagpawisan ako. Agad kong kinuha ang towel at pinunasan ang sariling pawis.

"So, musta na pala kayo ni Jixxie?" Nagsisimula ng topic si Luna out of nowhere. Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang tanong niya.

"Anong tanong ba iyan?" Tanong ko sa kaniya. Kung magtanong parang jowa ko siya.

Ang tinutukoy ni Luna ay si Jixxie Garcia. Batchmate at first crush ko since Grade 4 pa lamang ako. Magkaibigan kami noon, close na close kami sa isa't-isa. Palagi kaming magtuksohan at nag-asaran. Kami din yung isa sa mga pinakamaingay na studyante sa classroom namin kaya madalas kaming pinagsasabihan ng teacher na tumahimik. E hindi mo'ko masisisi, si Jixxie yung ang nangunguna e.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon