Chapter 11

30 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 11:
"BF"


"MACKEY!"

"AH!" Napasigaw ako at nakita ko sina Luna at Jheniyah na nakatingin sa akin ngayon. "Baba na tayo. Nakakahiya ka, napasigaw tuloy kami sa loob ng taxi, para lang magising ka. Ginulat mo pa ang taxi driver dahil bigla ka na lang napasigaw." Reklamo ni Jheniyah. I looked at them in confusion.

T-teka... Anong nangyari?

"MJ, labas na tayo." Aya ni Luna sa akin. Umalis ako sa taxi habang si Luna naman ang nagbabayad sa driver.

Pagkatapos naming lumabas ay naglakad kami papunta sa condo namin. "A-anong araw ngayon, Luna?" Tanong ko sa kaniya, still processing sa mga nangyayari.

Tumawa siya. "Wow, MJ. Memory loss agad? Tonight is the 25th of October. It's two and a half hours before Leo's day will be over." Sagot niya.

Nagulat ako. Akala ko...

Teka lang... hindi kaya...

Nakahinga ako ng maluwag. Nanghina ang mga binti ko at unti-unti na akong matumba pero buti lang nasalo ako ng mga kaibigan ko.

"H-huyy, MJ." Sabi ni Jheniyah. "Naunsa man ka? Tawo pa lagi ka?!"

*Translation: Anong nangyari sa'yo? Tao ka pa ba talaga?!*

PANAGINIP LANG PALA YUNG KANINA!

I felt relieved knowing that it was just an admirer's nightmare I had in the middle of the ride. Konti na lang ay mapapaniwala na ako na totoo iyon. It looked so real.

Napatingin ako sa aking mga kaibigan and sighed of relief. I took a deep breathe and looked at them, assuring that I am okay. "Okay pa. Inaantok lang." Sagot ko.

I stood up and just walk towards the condo, leaving them just about two to three steps behind me.

***

Nang pumasok kami sa condo ay agad kong tinanggal ang aking heels. at nilagay sa tapat ng pituan. Binuksan ko ang ilaw since ako ang unang nakarating. Ako din yung nag-unlock sa pintuan kasi nasa akin ang susi. Sumunod sila sa akin at tinanggal na din ang sapatos nila at tinabi sa akin.

Agad akong pumunta sa washroom para magsipilyo kasi inaantok na ako at kailangan kong matulog dahil may klase pa kami bukas.

Matapos akong magsipilyo ay pinunasan ko ang aking katawan gamit ng wipes. Ayaw ko kasi na magkaroon ng maraming visible na mga ugat sa mga braso't binti kaya iniiwasan ko ang maghalf-bath na kakagaling sa lakad; I wipe my body with clean wipes instead.

Pagkatapos ay pumunta ako sa cabinet para kumuha ng mga pajamas. Ang kulay ng pajamas ay puti na may rainbow sa end ng mga sleeves. May nakasulat din na 'Make Your Life Colorful'.

Matapos kong magbihis ay humiga na ako sa aking kama, ready na para matulog. Inaantok na talaga ako, nanaginip pa nga ako sa loob ng taxi!

Mukhang totoo talaga ang panaginip ko kanina. Yung pagreject ni Leo sa akin, it looks so real. Dahil dun ay natakot ako na baka i-reject niya ako gamit ng mga salitang iyon sa real world. Huhu, hindi pa ako ready.

Before I could even close my eyes... may biglang tumawag sa akin.

"MJ." Narinig kong tawag ni Luna sa akin habang tapik ang aking balikat. Lumingon ako sa kaniyang gawi at umupo ng maayos sa aking higaan. "Ano ba yun, Luna?" Inis na tanong ko. Hindi pa ba ako patulugin ng babaeng 'to?

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon