MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 3:
"ADMIRE"
"AMEN." Sabay-sabay naming sabi dahil tapos na kami sa pagpasalamat sa Panginoon sa pagkaing nasa harap namin ngayon. Nagsign of the cross na din kami at nagsimulang kumain.
"Mm, ang sarap talaga ng chicken nila dito." Sabi ko pa habang nginunguya ang pagkaing nasa bibig ko.
"As always naman e. Pare-parehas lang ang lasa pero as what you've said, indeed na masarap talaga ang chicken nila." Sabi ni Luna habang nginunguya ang pagkain.
"Guys." Tawag ni Luna dahilan para mapalingon kami sa kaniya habang kumakain.
Siya'y nasa gitna habang kami ni Jheniyah naman ay magkaharap lang.
"Anong kursong kunin ninyo sa kolehiyo?" Tanong niya, nagsisimula ng topic.
"For now, gusto ko Culinary Arts. Gusto ko kasi maging chef balang araw." Sagot ni Luna dahilan para mapangiti siya.
"Obvious naman e. Palagi siyang nasa homemakers club since Grade 3." Sabi ko. "At tsaka, manang-mana ka ng mama mo. Ang galing magluto. Skillful." Paliwanag ko. Totoo naman iyon at napangiti naman si Jheniyah.
"Pero hilig ko lang naman iyon e. Iyon lang ang nasa isip ko for now pero parang hindi iyon ang i-pupursue ko this college." Sabi niya.
"But whatever you want is something you should pursue, right? I mean, ikaw lang naman kasi ang magsisisi at maghihinayang sa huli pag hindi mo pinili ang ano talaga ang makapagsaya sa'yo. I know you like being a chef since passion mong magluto. You can get that dream, Jheniyah." Sabi ni Luna kay Jheniyah dahilan para siya'y matigilan at hindi makapagsalita agad.
In the end, she sighed and smiled. "Alam ko naman iyon, Luna. I love cooking at pangarap ko ngang maging isa sa mga best chefs..." She paused for a while and sighed again. "Pero minsan, may mga bagay na hindi natin makukuha kahit gaano pa natin iyon kagusto." Sagot ni Jheniyah. Tama naman siya. It hurts but that's reality. "At sa akin, isa ang pagiging chef sa hindi ko makukuha." Dagdag pa niya, kaya mas lalo akong nasaktan at nalungkot para kay Jheniyah.
"Ikaw naman MJ?" Tanong niya dahilan para mapatingin ako kay Jheniyah at naiba ang ihip ng hangin. "Tourism Management pa din hanggang ngayon?" Tanong niya.
Matagal ko nang gusto maging isang flight attendant at maka-graduate ng Tourism Management na kurso. Sila lang ang naka-alam sa ambisyon kong ito. Alam din iyon ni mama...
-FLASHBACK-
A month before the graduation of Batch 2006-2007...
Alas sais na sa gabi at nasa bahay ako ngayon kasama ang mama ko.
"Ma." Tawag ko kay mama na habang kumain kami ng hapunan. Menudo na niluto ni mama ang ulam namin ngayon, ang pinaka-paborito kong ulam sa buong mundo. Lumingon si mama sa gawi ko na may takang mukha. "Ano yun anak?" Tanong niya.
"Nag-guidance session kami kanina. Sobrang saya ko po talaga." Masaya kong sabi dahilan para mapangiti si mama.
"Ano bang ginawa niyo na ikinatuwa mo?" Tanong ni mama.
"Sabi ni Ma'am Tina na sobrang cute at ganda ko po. Matangkad din ako ma, mabait at palaging maalaga sa classmates ko." Sabi ko pa nang ikinwento ko sa kaniya na pinupuri ako ng guidance counselor namin na si Ma'am Tina. Mas lalong napangiti si mama.
BINABASA MO ANG
You're The One
Storie d'amoreMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...