MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 18:
"EYES CLOSED"
I was puzzled when I read his message, especially the last one. Tatanungin ko sana si Leo through sa message pero natigilan ako nang biglang tumunog ang phone ko. Then, nakita ko ang pangalan ni Mama sa screen, tinatawagan ako. Sinasagot ko naman kaagad iyon.
[Happy birthday anak. Pasensya ka na hindi kita nabati kaninang umaga.] Sabi sa akin ni Mama.
[Happy birthday pamangkin.] Rinig kong bati ni Tita sa'kin sa kabilang linya. Tapos sumunod naman sina Young at Joon.
Napangiti ako nang marinig ko ang kanilang mga boses sa kabilang linya. I haven't heard them for a while.
[Musta naman buhay mo diyan, Nak?]
"Okay lang naman Ma. Kayo diyan, musta kayo?" Tanong ko.
[Okay lang din kami dito anak.] Sagot niya.
Patuloy kami sa pag-uusap ni Mama for five minutes. Yung mga topic namin ay patungkol lang sa kanilang buhay sa Bohol, buhay ko dito sa Manila at yung mga kung ano-anong ibang pinagsasabi namin, at yung patungkol sa surprise birthday party galing sa mga kaibigan ko.
[Anak, narinig ko na dala mo daw ang kaibigan mo habang sinosorpresa ka ng ibang mga kaibigan mo. Leo daw ang pangalan.] Sabi sa'kin ni Mama. Sinabi ata nina Luna at Jhen iyon.
"Ah oo. Senior at dating schoolmate namin siya sa BEST." Sagot ko.
[Ah mao ba? Parang kahawig niya yung kaibigan mo dati ah. Akala ko siya 'yon.] Sabi ni Mama and I was puzzled.
"Sino tinutukoy mo Ma?" Tanong ko.
[Nakalimutan ko Anak e. Ilang taon ko nang hindi narinig yung pangalan niya basta kakilala mo lang siya.]
Medyo na-curious ako tungkol sa sinabi ni Mama pero I let it slide na lang dahil inaantok na ako. Nagpapaalam ako ni Mama at pumasok kaagad sa kwarto para matulog.
***
Pagkatapos sa two months of spending vacation at nagsummer job ay bumalik na naman kami sa pag-aaral. Sophomore na kaming apat ni Luna, Jheniyah at Jixxie habang si Leo ay fourth year na sa kaniyang engineering course.
Nang pumasok ako sa paaralan ay nagulat na lang ako nang makasalubong ko si Lex; it's been a while since I last saw her. It was when Leo was unconscious as he saved me from the fall when Lex's disorder suddenly activated. Nagsuot ng t-shirt at jogging pants. May kasama siyang lalaki; personal guard niya ata iyon.
Nang magtama ang paningin naming dalawa, napangiti siya nang makita niya ako. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.
"Hello MJ, long time no see." Ngiting bati ni Lexaprin.
Ngumiti ako kahit may konting takot ako sa kaniya, ngunit hindi dapat ako nagpakita na takot ako kasi kahit nakakatakot na baka babalik yung dati, kaibigan ko pa rin siya. Tsaka, she seems to recover a lot kaya masaya ako para sa kaniya.
"Hello Lex. Long time no see. How have you been?" Tanong ko sa kaniya at sinalubongan siya ng yakap.
Niyakap din niya ako pabalik at tinapik pa niya ang likod ko.
"I've been great. Just in the process of accepting that things don't always go the way we want them to, y'know." Mapait niyang sabi.
Nalungkot ako para sa kaniya. I don't want to say this but I think she is meant to be a flight attendant gaya ng gusto niya. Ang hirap tanggapin na hindi mo makuha at makamit ang pangarap mo.
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...