Chapter 36

26 1 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 36:
"BOSS"


Papunta na kami ngayon sa bahay ko since offer niya na ihahatid niya ako pauwi. Mukhang nawalan na ako ng engganyong pupunta sa mall bukas magtrabaho dahil may utang akong chika nina Fae at Gwen. Hindi ko naman inexpect na siya ang 'poging' suki na tinutukoy nila.

Sana si Amadeus na lang ang nagsundo sa akin dahil baka hindi na ako ihahatid ng lalaking 'to pauwi. Baka kung saan na naman niya ako dadalhin. On the bright side, hindi naman masyadong masama na si Leo ang hahatid sa akin pauwi dahil pag sa jeepney ako sasakay, maglalakad pa ako ng kalahating kilometro galing sa iskina. Madilim pa naman ang kalsada dahil walang streetlights.

Pagkatapos ng ilang minutong tahimik na nagmamaneho siya sa sasakyan, bigla siyang nagsalita.

"I'm sorry you have to get through this. I'm sorry you have to know about it this way. About kay Zacc..." Sabi ni Leo habang nagmamaneho sa kotseng sinasakyan namin.

"Napaka-ironic na galing sa isang mamamatay tao na magsalita ng ganiyan." Sabi ko. "Pero thank you ha, thank you sa concern and consideration." I sarcastically said.

I looked at him, focused on the road. As I look through his eyes, I see a deep secret that he's seemingly hiding from me for a long time. Hindi ko maiwasang ma-curious, but as far as I know, I want nothing to do with him anymore.

After a few minutes of silence, nagsalita na naman ulit siya.

"Look, I don't want to intervene a family problem, pero I can pay your mother's debts. I want to help you."

Kinuyom ko ang aking kamay nang marinig iyon galing sa kaniya. Paano mo nalaman iyon? Gusto ko iyon tanungin sa kaniya. Imbis na tanungin ko siya, nagalit ako.

"WAG KANG MANGIALAM SA KUNG ANONG PROBLEMA NAMIN, LEO." Sigaw ko. "It's a FAMILY problem. Hindi ka kasali doon dahil hindi ka namin ka ano-ano."

"Tsk. Kung magsabi ka na bayaran mo ang utang namin ay parang may trabaho ka na ah... Na may sweldo ka na. Tsaka ka-ano-ano ba kita ha?! Ama ba kita?! Dadagdag ka lang sa problema sa pagbigay sakit sa ulo ko kaya pwede ba?! Wag mo na akong pakialaman?! Wala na tayong koneksyon dahil pinutol ko na iyon." Sabi ko.

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagmaneho. Medyo malayo pa kami sa aming bahay. And because he didn't talk to me after that, silence conquered the atmosphere in the car. As I became bored, I was shocked when he turned the wheel to a road na palayo sa bahay ko. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

Sabi ko na nga ba! Saan ba naman ako dadalhin ng lalaking 'to?!

"H-hoy Leo!" Sigaw ko. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Out of fear, I took of my seatbelt and held the handle to open the shotgun door.

G*g*! Is this guy planning to kidnap me?!

Napatingin siya saglit sa akin. "H-hey, I wouldn't do something reckless if I were you." He warned me.

"Mas pipiliin kong magasgas at mahulog kesa sa kung anong gagawin mo sa akin."

"W-what the... hey, it's not what it looks like. Hindi 'to kidnap, I swear." He assured me, but I refused to believe a single word galing sa kaniya.

"E saan mo'ko dadalhin? For sure kidnap 'to." Tanong ko sa kaniya at napalinga-linga sa labas. Hindi ko masabing maraming nakatira; ngunit, hindi ko din masabi na konti lang. Pamilyar ako sa lugar, pero nakalimutan ko anong pangalan ng street na'to.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon