Chapter 8

40 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 8:
"REVEAL"


"Huy, MJ. Okay ka lang?" Tanong ni Jheniyah sa akin nang makarating kami sa condo. It's two and a half hours before mag-hatinggabi at hindi pa rin ako naka-move on sa nangyari kanina. I was harassed by that bastard.

Again.

"Wag ka na lang magsalita Jheniyah. Halata naman na hindi siya okay e. Ano bang makuha mo kung puro ka na lang tanong ng tanong tapos alam mo naman na hindi siya okay? I-comfort na lang natin si MJ. Alam mo naman na hindi maganda ang nangyari kanina." Sabi ni Luna na ngayo'y naglalagay ng mainit at basang tuwalya sa kaniyang pasa.

"Halata namang ayaw ni MJ nung nangyari e." I was just silently crying but deep inside, I just want to explode.

"Buti na lang nandiyan yung lalaki kanina no?" Narinig kong sabi ni Jheniyah at napatigil saglit si Luna sa ginagawa niya. Naramdaman ko din na tumigil siya sa paghinga ngunit hindi ko iyon tinuonan ng pinansin. "Kung wala siya dun ay siguradong may masamang mangyari kay MJ."

"S-si..." Nagsimula akong magsalita kaya napalingon sa akin ang mga kaibigan ko na naka-upo ngayon sa sofa ng aming sala.

"S-si Jixxie yung nagligtas sa akin." Sagot ko dahilan para magulat si Jheniyah.

"Jixxie Kurt Garcia?" Tanong ni Jheniyah. Tumango ako.

"THE Jixxie Kurt Garcia?!" Tanong niya ulit at tumango ako ulit.

"Si J-"

"WAG MO NGANG ULITIN. IISA LANG NAMAN ANG JIXXIE KURT GARCIA DITO E." Sigaw ni Luna halatang naiinis sa kaibigan namin.

"Hindi ko inaasahan na nandito siya ngayon sa Manila okay? Call me OA, kayo ang bahala. Hindi ba pwedeng mag-react ng ano? Hindi naman ako makapaniwala na nandito siya sa Manila." Talagang hindi makapaniwala si Jheniyah nang makita niya si Jixxie dito sa Manila.

"I-I don't want to ask this but..." Biglang iniba ni Jheniyah ang topic.

"Is it a coincidence na nakita ni MJ sina Leo at si Jixxie dito sa Manila? I mean, hindi nakita ni MJ si Jixxie for a long time, lalong-lalo na si Leo. Tapos ngayon, college students na tayo, nag-aral sa malayong siyudad na walang kasiguraduhan na makita pa natin sila. Tapos, ito ang nangyari... nakita ni MJ ang dalawang lalaking hinahangaan niya at the same city at the same school pa." Paliwanag ni Jheniyah.

"Alam naman natin na low lang ang chance para magkita sila, lalong-lalo na si Leo kasi hindi sila nagkaroon ng kahit anong connection ni MJ. Is it the work of tadhan-"

"TUMAHIMIK KA NA LANG! INIBA MO ANG TOPIC DITO E. ALAM MO NAMANG NASASAKTAN ANG KAIBIGAN NATIN E TAPOS GANIYAN PA ANG TOPIC MO?"

"BAKIT KA SUMIGAW?! HINDI PWEDENG KALMA KA SA PAGSASALITA?" Sabi ni Jheniyah kay Luna.

"IKAW DIN NAMAN AH."

"KASI GANIYAN KA DIN E."

"E DAPAT KA BANG SUMUNOD SAK-"

"AHHH! TUMAHIMIK NGA KAYO!!!" Sigaw ko at tumayo, dahilan para mapatigil sila sa pagsasalita.

"HINDI KAYO NAKAKATULONG SA TOTOO LANG! Aalis na nga ako. Ang ingay niyo dito e." Sabi ko at naglakad palabas sa condo. Sinara ko ang pinto at maglalakad ng ilang minuto sa labas para mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Iyan naman kasi ang teknik ko para mabura na ang malulungkot at nakakatakot na alala sa isipan ko.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon