Chapter 7

35 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 7:
"ANOTHER INTERSECTION"


"You better now?" Tanong ni Leo habang nagmamaneho siya para ihatid ako sa condo. Hindi siya nakatingin sa akin habang sinabi niya iyon kasi focus siya masyado sa kalsada habang hawak ang manibela.

"Feeling better na." Ngiting tugon ko sa tanong niya.

"Wag ka ngang magsinungaling sa akin alam ko na hindi ka okay." Sabi niya pa.

Alam mo naman pala, bakit nagtanong ka pa?

Hindi na ako nagsalita dahil sa totoo lang ay I am half lying and half honest nung sinagot ko siya. Hindi ako okay dahil sa nangyari kasama ang manyak na iyon. Feeling better ako kasi siya yung nagligtas sa akin kanina. Mas lalo tuloy ako nahulog sa kaniya kasi sa ginawa niya kanina.

"Anong ginawa mo sa bahay ni Lex? Inimbita ka ba niya?" Tanong niya at tumango.

"Oo... kaklase ko siya at—Teka, kilala mo si Lex? Sa totoo lang kasi, hindi kita masyadong nakita na kasama mo siya. Hindi ko alam na imbitado ka pala sa debut niya." Iniba ko ang topic para may mapag-usapan kami. Ito na ang chance ko na magsalita sa kaniya na kami lang dalawa sa isang lugar.

Si Lexaprin a.k.a. "Lex" ay isang Californian-Filipina na pinanganak sa California. She spent her whole childhood and high school life sa California hanggang sa napagdesisyunan ng parents niya na dito siya mag-college sa Manila since dito nakatira ang mother niya. For her to adapt herself in the place where her mom lived and meet new people.

"I hate to come but she forced me to." Sagot niya. "She would call me a million of times if she had to if it means for me to come over to her party. Of course, calling her annoys me so I have no choice but to answer and come."

E pwede mo naman i-turn off ang phone mo para hindi siya maka-contact sa'yo.

"Ah, kaya pala. Pero hindi kayo close?" Tanong ko. Natakot ako na baka may namagitan silang dalawa Lex or may crush si Lex sa kaniya. Kapag nalaman ko iyon, parang hindi ko kayang makasama pa si Lex dahil ayaw kong mainggit sa kaniya kapag magkasama sila. Baka mamatay na lang ako tapos ang nakalagay sa death certificate ko:

Macky Jade Priyana Gonzales, Cause of Death: Jealousy

Nakakahiya naman kapag iyan ang nakasulat sa death certificate ko. Mapapabangon ata ako sa sarili kong kabaong dahil diyan. Charot lang, haha.

Umiiling siya. "Not even a single bit." Doon ako nakahinga ng maluwag.

Tahimik ang atmosphere for a few minutes hanggang sa bigla siyang nagsalita.

"You weren't exactly the same Macky I met when we were in Bohol." Sabi niya dahilan para ako'y mapalingon sa kaniyang gawi. "I have to totally admit that. That's why I didn't recognized you when we first met here." Dagdag niya.

Iba ako noon at iba din ako ngayon tungkol sa aking physical features. Pero bakit para sa akin, iba ang tinutukoy niya?

Macky naman, wag kang mag-isip ng ganiyan. Hindi niya kilala kung sino ka talaga deep inside so stop concluding na kilala ka niya. You don't even talk to each other in your whole high school life. You're being too delusional while he's nonchalant about you.

"Ah oo. Hindi din kita masyadong nakilala nung una kitang nakilala dito kaya napasabi ako ng 'Sir' sa'yo." Sabi ko dahilan para tumawa siya.

"Hahaha. Seriously? Do I look like I'm aging for you to say that?" Tanong niya.

"Hindi ah... you actually became more mature and more gentleman-looking." Sagot ko.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon