MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 33:
"04/17/2013/00:00"
"I'm sorry. Look, it's not what it looks like."
Nasa isang restaurant kami ngayon na malapit sa isang simbahan. Walang masyadong tao at tahimik ang paligid. Walang ibang tao dito kundi kami, ang costumers, at mga trabahante sa restaurant na ito.
Iyon ang sinabi ni Leo sa akin sa sunod na pagkikita namin. May dala pa siyang isang bungkos ng rosas.
Hah! Ang kapal ng mukha niyang makipagkita sa akin pagkatapos sa narinig ko nung huling tawag namin nung nakaraan. May bungkos na rosas pa siyang binili para sa akin. Tsk.
I took the bouquet he got me and threw it to the side. Kung wala lang ibang tao dito, ihahampas ko talaga 'to sa mukha niya. Ayaw kong gumawa ng eksena dito.
"Wala nang tayo, pero ang kapal ng mukha mong tratuhin ako ng ganiyan. You disrespectfully hurt my feelings again. Nagmamagandang-loob ako sa'yo tapos nagawa mo pang saktan ako?!" Sabi ko sa kaniya, trying to control my anger to avoid making a scene in the place.
"Mukhang biktima lang si Redylyn sa ginawa mong pagloloko... Gaya ko." Sabi ko, nagagalit na sa kaniya. "Ilang babae ba meron ka, ha!?" Galit na tanong ko sa kaniya.
"Pinamukha mo kaming tanga, b*w*s*t ka!" Unfortunately, I couldn't my control it much longer.
Napayuko siya pagkatapos sa mga sinabi ko, halatang guilty. "I'm sorry for hurting you." Iyon lang ang tanging sinabi niya.
I scoffed and crossed my arms. "Tsk. 'Wag kang humingu ng tawag kung sa huli ay magloloko ka naman ulit." Malamig na tugon ko. "Sumobra ka na sa pagiging panloloko mo! B*w*s*t ka!"
He didn't say a word and just looked down. "Doon ka sa Diyos humingi ng tawad. Natuto pa kitang pagbigyan ng pagkakataon kahit bilang ex na lang dahil sa pinsan kong pinayuhan ako." Sabi ko, dahilan para mapalingon siya sa akin na may gulat na ekspresyon.
"Narinig ng pinsan ko ang pinag-usapan natin nung huling tawag natin. Ang hirap gawin yung pinayo niya sa akin, but I have no choice. Tama naman siya at may sakit din siya. I don't want to make things worse for him. Ayaw ko siyang makikitang masaktan dahil nasaktan ako... Na sinaktan mo'ko. Buti pa nga siya e. Hindi ka niya kilala pero parang mahal ka ng pinsan ko e. Sinabihan pa niya akong pagbigyan ka ng pagkakataong magpaliwanag. Na intindihin kita. Na mahalin kita." Sabi ko.
I said a lot more words to him at ni-lecture ko pa siya, pero wala lang siya. Nanahimik at nakikinig sa mga sinasabi ko.
I felt a lot of frustration pero nilabas ko na iyon sa kaniya. I went home immediately after torturing him with words. And by the way, hindi ko dinala ang mga bulaklak na binili niya para sa akin. Maganda pa naman iyon at mga paboritong bulaklak ko pa; But who cares. They may be beautiful but I won't receive it from cheaters like him.
Pag-uwi ko ay dumeretso ako sa aking kwarto para magbihis ng pambahay na mga damit at tinulungan sina Mama sa mga gawaing bahay.
"Okay ka lang, anak?" Alalang tanong ni Mama sa akin. Napalingon naman ako sa kaniya at ngumiti. "Oo Ma." Sabi ko at bumalik sa pag-asikaso.
Nang kumain na kami ng tanghalian ay nasa tapat ko si Seo Joon sa hapag. Panay ang pagtingin ni Seo Joon sa akin nang makita niya akong nawalan ng gana habang kumakain ng menudong luto ni Mama.
Sa kabila ng katahimikan ay umaapaw ang ingay dahil sa TV sa sala. Nag-uusap din sina Mama at Tita Lexi tungkol sa mga bagay-bagay pero kada salitang binibigkas nila ay lumabas agad iyon sa aking kabilang tainga.
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...