Chapter 4

33 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 4:
"MAKE YOUR DREAM COME TRUE"

(•First Year High School Life•)
Year: 2007 - 2008

Mga araw pagkatapos ng acquaintance party ay mas lalo akong naganahan mag-perform sa stage every month. Gusto ng mga tao ang performances ko kasama sina Zacchaeus at ang BEST band. I became the one and only member and the first girl to be part in the band.

Naging matalik ko nang kaibigan si Kuya Zacchaeus dahil palagi ko na siyang nakasama. Parang kapatid na ang trato namin sa isa't-isa. Hindi naman sa pagyayabang ha, pero almost everyone in the school envies me for being so close to Kuya Zacc. Daming mga babaeng lumapit sa akin para lang mapalapit kay Zacc. Tsk, mga manggagamit.

Pero hindi naman sila papansinin ni Kuya Zacc dahil may girlfriend na siya na nasa ibang paaralan. Wala lang masyadong nakaalam sino iyon. Nakita ko mukha niya, ngunit hindi binanggit ni Kuya Zacc ang pangalan niya dahil low-key lang siya tungkol sa love-life niya.

Last day of September ay Culmination of Math and Science month. Nagkaroon ng contest sa quiz bowl and everything related to the two major subjects. Doon ko nalaman na si Leo ang representative sa Math quiz bowl sa kanilang section and fortunately, he won.

Iyon pala ang contest na tinutukoy niya nung narinig ko ang conversation sa kaniyang kaibigan. Mas lalo tuloy ako napahanga dahil hindi lang siya gwapo, mayaman at mabait. Matalino pa, sa MATH pa.

Dahil sa kaniya, gusto ko na tuloy magsipag mag-aral sa math. My #1 enemy.

YES!

#1 ENEMY! Hihi.

Nung first quarter kasi ay 80 lang ang grado ko sa math. Minus one point, magiging D ang grado ko. Hayst, ayaw ko pa magkaroon ng 80-85 na grado, lalong-lalo na yung D at B.

Nang malaman kong mag-temporary leave ang math teacher namin dahil nagkasakit siya, may bagong teacher na pumasok sa klase namin. Dahil sa guro na iyon ay mabilis kong natuto ang math lalong-lalo na sa Solving Algebraic Expressions, Polynomials, Statisctics lalong-lalo na yung Statistical Terminologies at Probability.

I guess this proves that you'll understand a hard subject if you have a teacher full of understanding and passion of teaching.

Isang buwan bago mag-end ang school year ay binigyan na kami ng papel kung saan doon kami magpa-sign sa aming clearance. Na-kompleto ko ang requirements isang linggo bago matapos ang school year. Yung isang linggo kasi gagamitin ko para mag-aral para sa final exam namin. Mahirap kasi ang mga lessons sa fourth quarter.

Pauwi na ako dalang-dala ang mga libro na gagamitin ko pang-aral para sa exam nang makita ko ang mga third year high school students na nagperform ng stage play sa auditorium.

Iyon ang batch ni Leo.

Nakita ko siya na nagdala ng costume niya. Parang nag-play siya ng role bilang prinsipe. Kitang-kita ko kasi ang pulang kapa, korona at pang-prinsipe na suot. Sayang lang kasi wala akong dinalang dress para ako ang maging prinsesa ng buhay niya. Charot.

Nagsuot siya ngayon ng school uniform na pang-ibaba at naka school shoes. Sa pantaas niya naman ay nag-black sando lang siya dahilan para makita ko ang balikat at braso niya. Wah~. Ang sexy niya wahh! Napaka-hot and muscular, to be honest. WAHHHHHH!

Narinig ko na sa sunod na play pa sila Leo mag-perform kaya hindi pa siya nakabihis sa kaniyang prinsipeng suot. Ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula siyang maglakad back stage kasama ang mga classmates niya para magbihis.

Pagkatapos ay sila na ang nag-peperform. At tama nga ang hinala ko, nasa kaniya ang main role. Siya nga ay isang prinsipe. Hayst, gusto ko sanang manghiram ng dress para makasama ko siya diyan at ako na ang magiging prinses o probably reyna ng buhay niya. Charot lang haha.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon