MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 19:
"REYNA"
"Doc, nagmamakaawa ako. Iligtas mo si MJ."
"We'll do everything we can. If you don't mind me asking, what's your relationship with the patient?"
"She's... She's my girlfriend, Doc."
Gumising ako at nakita ang aking sarili sa isang puting siild, hindi naalala ano na ang nangyari sa'kin pagkatapos ng aksidente. That conversation I heard... panaginip ba iyon? Napakafamiliar ng boses niya ah.
At teka, may boyfriend ba ako? I never remember having one except the dreams na meron ako na boyfriend ko ang crush ko. Hindi naman ako nagka-amnesia dahil naalala ko pa naman pangalan ko at yung mga mahal ko sa buhay.
Napaka-weird 'yun ah. Sino kaya iyon?
Anyways, I'm lucky seeing myself, survive through one of the most unexpected things that happened to me that could kill me.
Nasa ospital ako ngayon. Lumingon ako sa gilid at nakita ko sina Jheniyah at Luna, nasa gilid, kasama ang isang doktor na mukhang nasa late forties.
"As what I have said, thanks to this donor, your friend survived and can possibly be discharged for a few weeks if she recovers quickly." Sabi ng doktor.
Ngumiti si Jheniyah. "Sino ang donor? Dapat makilala namin siya para magpasalamat sa kaniya."
Umiiling lang ang doktor. "Pasensya na hija. I want to but he told me not to introduce himself to you. He has his own personal reasons, but I can say that the donor is someone the patient knows. That's all I can say. I hope you understand and respect the donor's decision." Sabi ng doktor. Jheniyah and Luna bitterly smiled after hearing his answer. Sa huli ay nag-bow sila sa isa't-isa at nagpapasalamat hanggang sa siya'y umalis na.
Lumingon sila sa akin at agad napalapit nang makita nila akong gising na.
"MJ." Tawag nila sa'kin. Then, I saw them starting to cry.
"MJ, kumusta ka na?" Tanong ni Jheniyah.
I smiled. "Okay lang ako. Medyo sakit ang ulo ko ng konti pero pagaling din naman ito. I'll be completely okay." Sagot ko.
"Bakit ba kasi bigla ka na lang tumakbo sa kalsada na alam mo namang maraming sasakyan ang dadaan? Hindi ito probinsya ng Bohol, MJ. Nasa siyudad tayo ng Manila." Si Luna. "Nag-alala na kami sa'yo nang tumawag sa akin si Jixxie na na-aksidente ka." Biglang umiyak si Luna. "Akala naming wala nang pag-asa dahil naubusan ang dugo sa blood bank..." She still continued on explaining what happened until the end.
I get it na nag-alala sila sa akin. Nakakalungkot lang na nagawa ko silang paiyakin dahil sa pagka-careless ko. At that moment, I never cared of anything more but the money, the money I needed for my loved one's surgery.
I think this is the time they hear my side. I don't want to keep this secret any longer.
"May nagnakaw sa perang pinag-iipunan ko—" Pero hindi pa ako natapos ay biglang pinutol ni Luna iyon.
"KAHIT NA!" Sigaw niya. "Bakit mo binuwis ang buhay mo para makuha ang pera na iyon?! Lintik na rason iyan! That money is useless, MJ. Gosh, isipin mo naman ang sarili mo!" Sabi ni Luna na may galit sa kaniyang mata.
She has a point. I see concern in her eyes. But she is wrong. That money is important at hindi niya nakita iyon... it is because she haven't heard the other side of me.
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...